University 51

3010 Words
Maaga akong na gising kinaumagahan dahil bigla kong naramdaman ang pagsakit ng aking tiyan. Hindi ko alam kung bakit naging ganito ang pakiramdam ko pero sa tingin ko ay dahil ito sa aming kinain kahapon. Huminga ako nang malalim bago ako tumayo sa pagkakahiga at hinawakan ang aking tiyan. Kunot-noong tinukod ko ang aking kamay sa aking higaan habang hinahanap ang aking tsinelas. Nang masagi ito ng aking paa ay agad ko itong inabot at mabilis na sinuot, pagkatapos ay nagmamadali na akong tumakbo sa banyo at inilabas ang dapat ilabas. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Ilang sandali pa ay na tapos na rin ako. Agad akong lumabas ng banyo. Nakahinga rin ng maluwag, pagkatapos ko ay kinuha ko na ang aking tuwalya at maliligo na. May History class kami ngayon at tinatamad akong pumunta sa Dining Hall kaya mainam na sigurong ako na lang ang magluto ng umagahan namin. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Pagkatapos ko sa dapat kong gawin at magbihis ng uniform ay lumabas na ako sa aming silid. Wala pang tao rito, siguro ay tulog mantika pa iyong dalawa. Mabuti na lang, nang sa gano’n ay makakaluto ako ng tahimik. Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa aming kusina. Inilibot ko muna ang aking paningin at tinignan kung ano ang pwede kong lutuin. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Nasaan kaya rito ang mga ingredients? Ayon sa aking nalaman ay may libreng groceries naman daw dito kaya malabong wala akong makitang kahit ni isang pagkain. Hinalungkat ko ang bawat drawer na nandito at sa wakas ay may nakita rin akong mga gulay at karne. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Ayon,”bulong ko. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Kinuha ko ang dalawang pechay at isang repolyo. Pati na rin ang luya at ilang sangkap para sa pagluto ng nilagang baboy. Pagkatapos ay hiniwa ko ang mga ito at hinanda na rin ang mga kakailangan kong gamit. Lumipas lamang ang ilang minuto ay na tapos na rin ako sa paghiwa. Kinuha ko na ang mga karne at nilagay sa kaldero. Nilagyan ko rin ito ng tubig at sinunod ko rin ang luya. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Kailangan ko muna itong pakuluan hanggang sa maging malambot na ang karne, habang naghihintay ay pwede kong basahin ang mga notes na binigay sa amin para sa aming klase mamaya. Iniwan ko muna ang aking niluluto sa kusina at bumalik sa aking silid para kunin ang notebook. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Asan ko nga ba nilagay iyon? ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Nagpatuloy na ako sa paghahanap hanggang sa mahagip ko ang isang kulay gintong notebook. Agad ko itong hinablot at dinala sa Kusina. Hindi pa rin gising ang dalawa pero kahit ganoon ay ayos lang iyon. Dumeritso na ako sa kusina at hinala ang isang upuan. Mabilis kong binuklat ang notebook at binasa ang mga nakasulat dito. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi ko na pansin na mahigit isang oras na rin pala ang nakalipas simula noong pinakuluan ko ang karne. Masiyado akong na-aliw sa mga bagay na nakasulat sa notebook. Tungkol lamang ito sa mga kaharian dito sa Magiya at sa ilang magandang lugar na pwedeng puntahan. Tumayo na ako at pinuntahan ang aking iniwang niluluto. Nang buksan ko ang takip ay bumungad sa akin ang usok na galing sa kumukulong tubig. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Ano ba ‘yan,”bulong ko at napa-ubo sabay wagay-way ng aking kamay para mawala ang usok sa aking mukha. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Kumuha ako ng tinidor at tinusok ang karne. I was surprised ng sobrang lambot na nito, hindi ko tuloy mapigilan ang aking sarili na maglaway, mukhang mapapasarap ang aking kain nito ah. Kagat-labing inilagay ko na ang ibang mga sangkap sa kumukulong karne at tinimplahan ito. Pagkatapos ay hinalo ko ito atsaka tinakpan muli. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Now, hihintayin ko na lang na ma-absorb ng karne ang timpla at lumambot ang mga gulay. While waiting, magsasaing na muna ako. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Ana?” Napatalon ako sa gulat nang biglang may magsalita sa aking likuran. Masiyado akong nakatuon sa pagtingin sa measurement ng tubig sa kanin, ayan tuloy at muntikan ko na itong matapon. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Morris!” Tawag ko sa kaniya nang mapalingon ako rito, “Good Morning.” ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Good Morning,”bati nito pabalik at inilibot ang kaniyang paningin sa kusina, “What are you doing?” ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi ba nito nahahalata na nagluluto ako talagang hindi lang kapani-paniwala na may ginagawa ako? Isang pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya, “Uh, cooking?” Tugon ko at nagpatuloy na sa aking ginagawa. Pagkatapos kong ma-measure ang tubig ay inilagay ko na ito sa paglulutuan niya. Itinapat ko ang aking kamay sa isang crystal na nasa ilalim lamang ng pinagsaingan ko at ayon, nagsimula na siyang uminit. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Uh, yes, that’s pretty obvious but what I mean is, why are you cooking? Aren’t you tired?” Tanong nito at kumuha ng baso, “Also, I noticed that you are already wearing our uniform. We still have 2 hours before our class starts.” ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Tinignan ko ang orasan na nasa itaas lamang ng pinto ng kusina. Oo nga naman, may dalawang oras pa kami bago pa magsimula ang class namin pero talagang tinatamad akong pumunta sa dining hall. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “I know that,”tugon ko at bumuntong hininga, “It is just that, tinatamad akong pumunta sa dining hall. It’s so far from our classroom. So, I decided na dito na lang kakain, if you want to, ikaw at si Athena. You can go to dining hall and eat there.” ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Inubos muna ni Morris ang tubig bago ako nito sinagot, “No. Sabay tayong kakain, isa pa, I am curious kung ano iyang niluluto. Smell good,”puri nito at kinindatan ako, “Sige, maliligo na muna ako at sabay na tayo kumain. Sigurado akong ma-eexcite si Athena kapag nalaman niya ang tungkol sa ginawa mo. Alam mo naman iyon kapag tungkol sa iyo.” ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Tumawa lamang ako ng bahagya sabay tango. Tuluyan ng umalis si Morris sa kusina at bumalik sa kaniyang silid. Mabuti na lang at wala na siyang maraming tanong o arte, hindi katulad sa mga tao sa aming kaharian na kailangan mo pa ng ilang explaination para lang maintindihan nila na ayaw mo pumunta sa isang lugar. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Umiiling na bumalik na ako sa pagbabasa hanggang sa tuluyan akong matapos. Tamang-tama rin na umilaw na ng berde ang crystal sa sinaing ko. Tumayo na ako at tinignan aking niluluto na karne. Kumuha ako ng kutsara at tinikman ang sabaw nito. Isa lang ang masasabi ko, masarap pa rin ito. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi talaga ako mahilig magluto pero natuto ako dahil sa na hiram kong libro mula sa library. Wala kaming karne sa aming kaharian kasi nga tuyo sobra ang buong kaharian kung kaya ay impossible na magkaroon ng mga buhay na hayop roon. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Nang ma-satisfy na ako sa lasa ay hinanda ko na ang mga plato, kutsara, tinidor at nilagyan ng tubig ang mga baso. Tamang-tama lang din na lumabas na ang dalawa sa kani-kanilang mga kwarto. Rinig na rinig ko pa ang sinabi ni Athena. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “What’s that smell? It is so good. Gutom na tuloy ako. Gising na ba si Athena?” Tanong nito. Umupo na lamang ako sa aking pwesto at hinintay sila. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Kanina pa. Ikaw iyong huling na gising sa atin,”tugon naman ni Morris. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “If so, asan na siya? Gusto ko na pumunta sa dining hall at kumain, nakakagutom ang amoy na ito,”sabi ni Athena. Hindi na umimik si Morris. Labis naman ang gulat sa mga mata ni Athena ng makita akong naka-upo sa mesa at may mga pagkain sa aking harapan. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “What the hell is the meaning of this?!” Sigaw ni Athena, “Did you cook all these?” Tumango lamang ako at tinuro na ang mga upuan. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “I suggest, umupo na kayo at kumain na tayo. Hindi na masarap itong pagkain na ito kapag malamig."ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Mabilis na tumakbo papasok sa kusina itong si Athena at umupo sa harapan ko. Kumuha agad ito ng pagkain at nagsimula ng sumubo. Napapailing na sumunod na lang din ako sa kaniya. Ang kulit talaga ng babaeng ito kahit kailan.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD