University 33

1271 Words
"Oh yeah, I haven't seen him since I finished fighting that damn old geezers,"tugon ni Athena sabay lingon sa paligid. Hindi ko rin na pansin ang pagkawala ni Mark. Nasaan na ba ang taong iyon? Hindi man lang nagsabi na aalis na lang pala ito bigla. Sinubukan kong hagilapin ang presensiya nito ngunit hindi ko talaga siya makita. Asan kaya iyon? "Hayaan na natin. Baka may ginawa lang 'yon,"sabi ni Morris at umayos na ng tayo. Kinuha rin nito ang isang towel mula sa kaniyang bulsa at pinunas sa kaniyang noo.  "Ako lang ba ang nakakapansin o wala rin ang babaeng iyon?" Tanong ni Forrest habang nakatingin sa paligid. Sino ba ang tinutukoy nito? "Oo nga, no'?" Tugon naman ni Morris na naging dahilan ng pag-kunot ng kaniyang noo, "Baka hinila na naman ng babaeng iyon si Mark."   Sino ba ang tinutukoy ng mga ito? Bakit wala akong maintindihan sa sinasabi nila. Gusto kong magtanong pero ayaw ko naman ipakita na interesado ako sa pagkawala ng taong iyon. Hindi naman iyon aalis ng basta-basta na lang. Sigurado naman ako na may rason din iyon kung bakit bigla na lang siya nawala. “Hayaan na natin, alam naman nating tatlo an walang mapapala ang babaeng iyon,”sabi ni Forrest. “Sino ang tinutukoy niyo?” Hindi ko mapigilang matanong. Takte naman. Bakit ba ang daldal ng bibig na ito? Kailan pa ako naging ganito? “Hindi mo na pansin?” Tanong ni Athena. “Ang alin?” “Tignan mo ang paligid at hanapin ang wala rito. Pagkatapos ay isipin mo ang kwenento ko sa iyo kanina,”nakangiti nitong paliwanag. Ano ba ang ibig nitong sabihin? Pwede niya naman itong sabihin sa akin ka-agad. Bakit kailagan na ako pa ang maghanap sa gusto niyang ipahanap? Huminga ako nang malalim at sinunod na lang ito. Doon ko lang na pansin na wala ang babaeng pinag-uusapan namin kanina. Kung wala siya at ganoon na rin si Mark, ibig bang sabihin ay magkasama ang mga iyon? Akala ko ba ay hindi gusto ni Mark ang babaeng iyon? “Iyong babae?” Tanong ko. Tumawa nang malakas itong si Athena sabay tango sa tanong ko. “Hindi ko inaasahan na it will take some time bago mo ma-realize kung nasaan si Mark,”ani nito, “Pero dito na lang tayo maghintay sa kaniya. Baka hanapin tayo no’n eh. Alam naman natin na hindi rin iyon magtatagal. Iyon pa?” “Anong ibig niyong sabihin?” Tanong ko. “Mark hates that girl. She is too desperate and dumb. Ayaw na ayaw ni Mark ng ganoon,”paliwanag ni Forrest, “Kaya we know, for sure, hindi rin iyon magtatagal.” Tumango na lamang ako bilang tugon. Kung ganoon nga, hindi na namin dapat pa mag-alala. Bakit pa nila hahanapin kung alam naman pala nila kung ano ang sagot sa kanilang tanong? Minsan talaga ang gulo nilang lahat. Hahanapin pero alam naman pala kung na saan. “Isa pa, alam naman ni Mark na may lakad tayo ngayon. Ayon pa? Ayaw na ayaw no’n na aalis kami ni Athena na kami-kami lang,”paliwanag ni Morris sabay buntong hininga. “Alam mo na kapag matanda sa atin,”tumatawa na tugon ni Athena. “Are you talking about me?” Mabilis kaming napalingon sa taong bigla na lamang nagsalita sa aming likuran at nakita si Mark na masamang nakatingin kay Athena. Gulo-gulo ang buhok nito at medyo may punit  sa kaniyang damit na naging dahilan ng pagtaas ng aking kaliwang kilay. Saan ito galing at parang nakipag-away pa yata ito? “U-uh, you are here,”utal na sabi ni Athena sabay tago sa likod ko, “Sinabi ko lang naman na matanda ka kaya sobrang protective mo pagdating sa amin.” “Tsk.” Inis na tumabi itong si Mark sa akin sabay pitik ng kaniyang daliri. Nagulat naman ako nang bigla na lamang siyang umapoy, pagkatapos ay bigla na lang umayos ang kaniyang damit. Ganoon na rin ang kaniyang magulong buhok at maruming mukha. Anong klaseng mahika iyon at sobrang convenient. “That damn brat,”bulong nito sabay tingin sa malayo. Tinignan ko naman kung ano ang tinitignan niya at nakita ang babaeng masama ang tingin sa akin kanina na ngayon ay sobrang lapad ng ngiti. Tila ba proud na proud itong pinakita ang magulo nitong buhok at gusot-gusot na damit. “Anong ginawa niyo, Mark?!” Sigaw ni Morris, “Bakit magkapareho kayo na magulo ang buhok? Huwag mong sabihin na—” “Try to finish your sentence and I’ll rip you off. That’s disgusting!” Sigaw nito sabay dura sa tabi. Ramdam ko ang galit sa bawat salita na pinapakawalan nito. Ayaw niya yatang maalala kung ano man ang nangyari sa kanilang dalawa. “What happened?” Tanong ko. Natahimik sina Athena, Morris, at Forrest dahil sa tanong ko. Hindi ko alam pero kitang-kita ko ang gulat sa kanilang mga mata. Bakit? “Don’t ask him if he is mad. He doesn’t like that; you will be dead.” Bulong ni Athena sa aking tabi na naging dahilan ng pagkaputla ko. Dahan-dahan kong nilingon si Mark at tinignan ang kaniyang reaksiyon ngunit, nanatili lamang itong kalmado habang nakatingin sa malayo. “That b***h tried to harass me. I don’t want to hurt her since she is still a girl but she was so desperate. I almost hit her,”paliwanag nito. “What?!” Gulat na sigaw ni Morris, “That—” Labis naman ang aking pagkagulat ko nang bigla na lang nagsimulang maglakad si Morris papapunta sa babae, ngunit, mas labis ang aking ikinagulat nang wala pang isang segundo ay nasa harapan na ni Morris si Mark. Nakatingin ito sa kaniya na para bang kinakausap siya nito. “Umalis ka sa harapan ko.” May diin sa ni Morris. “You still need to learn how to control your temper, cousin.” Sabi ni Mark at bumuntong hininga, “You don’t have to worry. I already put her on her place.” “What do you mean?” Tanong nito. Hindi umimik si Mark, bagkos ay tumingin lamang ito sa akin sabay hawak sa wrist ni Morris. Iniwas ko na lamang ang aking paningin at itinuon sa lalaking naglalakad patungo sa gitna. “Seems like everyone is done,”saad nito, “Now, you are free to go home. The University will send you a letter that has your corresponding section and subjects. Prepare your things for you will stay in this University until you graduate. You are free to leave!” Naghiyawan ang lahat dahil sa kanilang narinig. Sa wakas ay makakaalis na rin kami. Tapos na rin sa wakas ang pasulit. Ito pa nga ang unang araw ko sa unibersidad na ito pero pagod na pagod na ako. Gusto ko na tuloy magpahinga at matuloy pero, nangako ako sa mga ito na sasamahan ko sila sa kanilang plano ngayong araw. “Time to celebrate!” Sigaw ni Morris sabay taas ng kaniyang kamay, "Now, we passed the examination. Ang iisipin na lang natin ay kung paano ma ipasa ang taon na nag-aaral tayo rito." "Ang entrance exam lang naman daw ang mahirap sa paaralan na ito,"sabi ni Forrest. "Wow, ah? Talagang galing pa sa iyo ang mga katagang iyan? Saan mo naman nakalap ang impormasyon na sa entrance exam lang ang mahirap? As far as I can remember, sabi ni ate, tuwing may assessment ang university mas pipiliin mo na lang ang mamatay." Paliwanag naman ni Athena. "Oo na!" Sigaw ni Forrest at bumuntong hininga. Kahit kailan ay talo talaga siya sa fiancee niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD