University 55

3002 Words
Hindi ako makatulog sa hindi malamang dahilan. Gusto ko sana na magpahinga dahil maaga pa kami bukas pero bakit parang ayaw makalimutan ng aking isip ang nangyari kanina. Ang mga mata ni Mark na talagang nag-rehistro sa aking utak ay hindi ko man lang kayang kalimutan. Ano ba ang nangyayari sa akin at bakit ganito na lang ang nangyayari sa isang tulad ko. Gusto kong umayos, gusto kong magpahinga, gusto ko kalimutan ang tungkol sa kaniya pero bakit ang hirap naman gawin iyon.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Umikot ako sa pagkakahiga at sinubukan muling makatulog pero ayaw talaga. Tumayo na lamang ako at naglakad papalapit sa bintana ng aking silid. Mula rito ay kitang-kita ko ang kagandahan ng hardin. Mabuti na lang talaga at ang tanawin ng aming silid ay ang malawak na hardin na ito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kung hindi ito iyong gusto kong makita. Nakakagaan ng pakiramdam. Tila ba ay hinihigop ng lugar na ito ang aking kalungkutan.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Isang marahas na hangin ang aking pinakawalan bago ako umupo at tinignan ang langit.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Sa aming kaharian ay malabong makita ang ganitong klaseng magandang kalangitan. Aasahan mong tanging makapal na ulap lamang ang iyong makikita at kahit kaunting sinag ng araw ay malabo mong makita. Kahit ang magandang buwan na ito ay ngayon ko lang din na silayan.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Muli akong huminga nang malalim at tinignan ang paligid.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Sobrang ganda.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi talaga ako magsasawa na tignan ang lugar na ito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Habang nakamasid lamang ako sa labas ay bigla na lang lumitaw sa aking harapan ang mukha ni Mark.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Ano ba iyan!” Sigaw ko at napapailing na tumalikod na mula sa bintana. Bumalik na lang ako sa aking higaan at pinilit ang aking sarili na matulog.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Kapag talaga na puyat ako at hindi ko maintindahan ang mga sinasabi ni Professor bukas, talagang magagalit ako kay Mark. Kainis naman kasi ang taong iyon, kung hindi niya sana ako hinila ay hindi ako babagsak sa kaniya, muntikan na tuloy kaming maghalikan.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Inis na pinatong ko ang unan sa aking mukha at na tulog na.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ  Mabilis kong iminulat ang aking mga mata at padabog na bumangon. Inis na tinignan ko ang pinto na kung saan ay nagmumula ang malakas na kalabog ng taong nasa kabilang side nito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Bakit!” Sigaw ko at naglakad na papalapit dito tsaka ito binuksan, “Ang aga-aga ay nambubulambog kayo.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Nakasuot na ng uniform ang dalawa at halatang kanina pa ito nakaligo. Tuyo na ang kanilang buhok at parang inip na inip silang nakatingin sa akin.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Ang aga niyo naman yata.” Sabi ko at bumuntong hininga. Nagkatinginan naman ang dalawa na para bang nagtataka. Hindi ba nila na intindihan ang sinabi ko?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Ano ang pinagsasabi mo, Ana?” Tanong ni Morris, “Malapit na tumunog ang kampana. Umayos ka na riyan at baka iwan ka namin.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Pinagsasabi nito? Ang aga pa kaya. Hindi nga tumunog ang alarm ko tapos sasabihin niyang malapit na tumunog ang kampana? Ibinaling ko ang aking paningin sa side table na kung saan naroroon ang aking alarm clock. Labis ang aking pagtataka ng makitang wala ito roon. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ito malapit sa dingding, basag at sira na.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ What the?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Kaya pala hindi ko ito na rinig na tumunog ay dahil tinapon ko. Hindi ko alam kung papaano pero wala naman sigurong ibang tao ang gagawa niyan bukod sa akin. Antok na antok pa siguro ako noong tumunog ang alarm clock.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Kainis.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Nagmamadaling napatakbo ako patungo sa banyo. Tila ba ay binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa aking nakita. Bakit ba kasi dapat itong mangyari sa akin. Kakainis. Ayan tuloy!ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi ko na sinulit ang lamig ng tubig. Sinubukan kong mas bilisan pa ang aking kinikilos hanggang sa makarating ako sa na kuha na rin ang lahat ng dapat kong dalhin. Suot-suot ko ang gusot na uniform na hindi ko man lang na gawang plantsahan.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Tara na!” Sigaw ko at na una nang lumabas sa mga ito. Hindi na ako nag-abala pa na tignan sila dahil talagang baka mahuli pa kami sa klase. Ramdam ko naman na sumunod silang dalawa kaya hinayaan ko na.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Patakbo kaming pumunta sa aming silid hanggang sa makarating kami nila Athena sa harap nito. Hindi ko na raw pwede gamitin ang aking teleportation magic sa loob ng paaralan dahil baka kung saan kami mapadpad, ayon sa isa naming guro. May rune magic daw ang lugar na ito na pwedeng maiba ang location mo.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Finally!” Sigaw ko nang makapasok na kami sa silid.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Nakakapagod!” Tugon naman ni Athena habang hinahabol ang kaniyang paghinga.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Bakit ngayon lang kayo?”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Ibinaling namin ang aming atensiyon sa taong bigla na lamang nagsalita at nakita si Forrest na may nagtatakang mukha. Ngumiti lamang ako sa kaniya at naglakad na patungo sa aking upuan. Ayaw ko itong sagutin baka kapag nalaman nila ay pagtawanan lamang ako ng mga ito. Habang naglalakad ay na pansin ko na parang may nakatitig sa akin. Inilibot ko ang aking paningin at na hagip ng aking mga mata si Mark.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Seryoso itong nakatingin sa gawi ko na para bang inoobserbahan ang aking kinikilos. Mabilis kong iniwas ang aking paningin hanggang sa makarating ako sa aking upuan.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Ikaw! Ikaw ang naging dahilan kung bakit ako matagal na nagising. Kung hindi ka sana pumasok sa isipan ko kahapon ay baka masarap pa ang tulog ko sa mga oras na iyon at hindi ako na late kaso, bakit na isipan mo naman pumasok sa isipan ko ng mga ganoong oras. Iyong mga mata mong nakaka-adik.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Ewan ko! Kainis.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Kinuha ko na lamang ang libro sa aking bag at nagsimulang magbasa. Gusto kong iwasan si Mark dahil hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa akin sa tuwing nasa tabi ko siya. Gusto ko lang manahimik at ayaw ko na magkaroon ng panibagong gugulo sa isipan ko. Baka sa susunod tuluyan na akong hindi makakapasok sa klase.   Lumipas ang ilang sandali ay nagsimula na rin ang klase. Ramdam ko pa rin ang mga titig ng taong ito pero pinilit ko talaga ang sarili ko na ‘wag magpadala sa kaniya. Mabuti na lang at sa kalagitnaan ng klase ay tumigil na rin siya. Nakahinga ako nang maluwag dahil dito.   “Ang lalim naman no’n,”bulong ni Athena sa aking tabi, “May problema ka ba? Kanina ko pa napapansin ‘yan ah.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Nakatuon lamang ang aming mga mata sa harapan. Hindi pinapahalata na nag-uusap dahil baka kami pa ang pasagutin sa mga tanong na sobrang hirap na nasa libro.   “Ayos lang ako. Hindi lang talaga ako nakatulog ng maayos,”tugon ko at nagsimula ng magsulat.   “Huwag mo kasing masiyadong isipin si Mark,”saad nito at tumawa ng mahina.  Gulat na napatingin naman ako rito sabay tayo.   “Hindi kaya!” Sigaw ko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ   “Miss Ana, what is going on there?” Tanong ng guro.   Ano ba ‘yan! Ayan tuloy, hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapasigaw. I sound so defensive.   “N-nothing, Prof. May pinag-uusapan lang po kaming formula and theory tungkol sa taming. Hindi ko lang mapigilang ang sarili ko na mapasigaw dahil talagang hindi ako sumasang-ayon kay Athena,”pagsisinungaling ko. Confident kong tinignan ang prof namin na may ngiti sa labi. Ayaw kong ipahalata na parang nagsisinungaling ako.   “Is that so. Okay, take your seat and make sure to keep quiet. I understand that you have your own opinions but listen to my discussions first. You may argue later, alright?”   Tumango lamang ako at umupo na. Nakakahiya ang ginawa ko. Ayan tuloy, na pansin ko na napatingin na naman siya sa akin at hindi lang siya, silang lahat.   “You are too obvious,”muling bulong ni Athena at tumawa nang mahina.   “Shut up!” Bulong ko rito pabalik at padabog na itinaas ang aking libro para matakpan ang aking pagmumukha. Bahala nga kayo riyan!   Lumipas ang ilang sandali at na tapos na rin kami. Agad akong humalumbaba sa aking mesa at hindi sila pinansin. Gusto ko lang matulog at magpahinga, isa rin sa dahilan kung bakit ako naging ganito ay nahihiya na akong tignan silang lahat dahil sa nangyari kanina. Kainis naman kasi, bakit pa ganoon ang naging reaksiyon ko kung pwede naman na kumalma lang ako. I sound so defensive and affective. kainis talaga!   "Lunch na muna tayo." Rinig kong aya ni Forrest pero hindi pa rin ako tumatayo.   "Hoy, Ana. Tara na!" Sigaw ni Morris.   "Kayo na muna. Hindi pa ako gutom, gusto ko lang magpahinga. Antok na antok pa ako,"sabi ko habang nanatili sa aking posisyon. Alam kong nasa malapit lamang siya kaya ayaw kong itaas ang aking mukha. Ayaw kong makita ang mga mata baka mas lalo lamang akong hindi makakatulog mamayang gabi.   "Sige. Dadalhan ka na lang namin ng pagkain pagbalik,"rinig kong sabi ni Athena, "Huwag ka mag-alala, atin lang yon."   Kainis na Athena iyan. Inaasar pa ako. Hindi na lang ako umimik at hinayaan ang mga ito. Now, I can rest.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD