University 41

2500 Words
Lumipas ang ilang araw at heto kami ngayon papunta na sa aming paaralan. Ito na rin ang araw na kung saan magsisimula na ang aking plano. Kailangan kong malaman ang lahat sa paaralan na ito, kasama na rin ang mga kaharian na nakapalibot dito. Kasalukuyan kaming nagliligpit ng gamit nila Athena at Morris. Wala naman akong masiyadong dala kaya nakahilata lamang ako sa aking higaan habang sila ay abala sa pag-eempake. “Mukhang isang malaking pagkakamali talaga ang ginawa ko,”reklamo ni Morris habang sinusubukan na ipasok sa kaniyang maleta ang mga libro at ilang damit nito, “Bakit ba kasi ang dami kong dinalang damit.” Hindi ko alam kung matatawa ba ako o magtataka. Mas pipiliin pa niya na kaunti lang ang dadalhin niyang damit kaysa maiwan ang mga libro nito. Kakaiba rin ang pagiging mahilig niya sa libro. Gusto ko sana silang tulungan pero ayon sa kanila ay hindi naman daw kailangan dahil kaya naman daw nila ang sarili nila. Nagpumilit pa ako noong una pero kalaunan ay tumigil din ako at nagpahinga na lang. Sa pagkakaalam ko ay isang mahabang biyahe pa bago kami makarating sa aming paaralan. Hindi katulad noong kinuha namin ang pagsusulit na papasok lamang kami sa likod ng falls na iyon at dadalhin na kami sa isang field. Pagkatapos ay ililipat kami nito sa paaralan mismo. Ayon sa mga kaibigan ko, isa rin daw itong pagsusulit. Kailangan namin makarating sa paaralan na kami-kami lang. Hindi ko nga maintindihan noong una kung bakit ganoon pero sa tingin ko naman ay may rason din ang Headmaster. Habang naghihintay ay hindi ko mapigilang ang sarili ko na mapatingin sa kisame. Ang tunog ng mga malita at mga yapak lamang ng dalawa ang aking naririnig. Hindi sila nag-uusap o ano. Nitong mga nagdaang araw, mas lalo kaming naging malapit sa isa’t-isa. Minsan ay may mga bagay na kaming pinag-uusapan, lalong-lalo na patungkol sa buhay nilang dalawa. Kahit minsan ay ramdam kong may hindi sila sinasabi sa akin pero hinahayaan ko na lang. Hindi ko naman kailangan malaman ang buong detalye ng buhay nila, isa lamang akong hamak na estranghero na bigla na lang dumating sa kanilang buhay at naging kaibigan ng mga ito. Ngunit, isa lang ang masasabi ko. Talagang totoong kaibigan silang dalawa. Ang sarap nilang kasama at nagiging komportable na rin ako na makipag-usap sa mga ito. Ang dating tahimik at malamig na Anastaschia ay bigla na lang naging madaldal dahil sa mga ito. Paminsan-minsan din ay tumatakas kami sa mga lalaki dahil gusto namin magsama ng wala sila. Kung noong una ay wala lang sa akin ito, dumating na sa punto na ayaw ko na silang makasama. Lagi na lang kasing may limitasyon ang mga ginagawa namin. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa na ganoon kung pwede naman na hayaan na lang nila kami sa aming ginagawa. Minsan talaga ay hindi ko sila naiintindihan. Isang beses nga niyan, pumunta kami sa isa sa mga stall sa labas ng gusaling ito. May biglang lumapit na isang lalaki at nagtatanong lang ng direksiyon, muntikan pa nga nilang makaaway. Napaka-protective talaga nila. Isang marahas na hangin ang aking pinakawalan bago binago ang aking posisyon. Tumagilid muna ako tsaka ko kinuha ang unan na malapit sa headboard. Isang katok ang aming narinig. Mahina lamang ito pero sapat para marinig naming tatlo. Napabalikwas ako ng bangon dahil dito, pagkatapos ay dahan-dahan akong tumayo at nilapitan ang pinto. Abala pa rin ang dalawa kaya ako na lang ang nagbukas. Bumungad sa akin ang mukha ng dalawa. May dala-dala na rin silang maleta. “Kayo pala iyan,”sabi ko at ngumiti sa mga ito, “Hali kayo at pumasok. Hindi pa sila tapos.” “Hi, Ana,”bati ni Forrest, “Ilang oras na ba ang lumipas simula noong sinabi nila na isang oras na lang at matatapos na ang mga ito? Hindi ko talaga kayo maintindihan mga babae.” “Manahimik ka riyan kung ayaw mong sapakin kita!” Sigaw ni Athena mula sa loob ng isang silid na katabi ng kaniyang higaan. Nalaman ko lang na lalagyan pala iyon ng mga damit noong tinawag ako ni Athena dahil may ibibigay daw siya. Akala ko noong una ay may tinatago sila sa loob. “Ikaw ba, Ana? Tapos ka na?” tanong ni Forrest. Tumango naman ako sa kaniya atsaka bumalik na sa aking kama. “Wala naman akong masiyadong damit at gamit kaya hindi ako natagalan sa pagliligpit,”tugon ko at umupo, “Upo muna kayo. Medyo matatagalan pa yata ang mga babaeng ito. Sigurado akong mapapagod lang kayo kakatayo. Gusto niyo ba ng maiinom?” Umiling lamang ang mga ito at umupo na sa kama ni Morris. Nasa loob na ng dressing room si Morris kaya ayos lang na doon muna ang mga lalaki. “Excited na talaga akong pumasok,”sabi ni Forrest at tumingin sa akin. “Ito pa ba ang unang beses mo na makakapasok sa paaralan na iyon?” Tanong ko. “Hindi naman. Ilang beses na rin ako nakapasok sa paaralan na iyon pero iba pa rin sa pakiramdam na doon ka na talaga mag-aaral at hindi lang bisita,”paliwanag niya. Kung sabagay ay tama nga naman ito. Ano kaya ang ginagawa nila sa paaralan na iyon at lagi silang bumibisita? Guro kaya sa unibersidad ang ina o  ama ni Forrest? Ngunit, hindi ba at mayaman naman sila? Kakailangan pa ba nila no’n? Hindi ko man alam ang kasagutan ay hinayaan ko na lang. Isang malakas na pagsara ng pinto ang naging dahilan ng paglingon naming dalawa ni Forrest sa gawi ni Athena. Huminga muna ito nang malalim bago ngumiti ng sobrang lapad. Ibinagsak nito sa sahig ang kaniyang maleta sabay unat. “Sa wakas ay na tapos ko na rin ipasok ang lahat. Akala ko ay mahihirapan pa ako eh,”saad nito at umupo na sa kaniyang kama, “Hindi pa rin ba tapos si Morris?” Mabilis akong umiling at tinuro ang pinto ni Morris, “Kanina pa siya riyan, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya lumalabas.” “Ayan kasi. Ang dami ba naman libro dinala, tapos marami pa siyang binili,”umiiling na sabi ni Athena, “Hoy! Morris! Bilisan mo r’yan! Ikaw na lang hinihintay namin.” “Maghintay kayo!” Sigaw ni Morris mula sa loob. Tumawa lamang si Athena bago ito pabagsak na humiga sa kama. “Gisingin niyo na lang ako kapag tapos na ang babaeng iyon. Kakapagod.” Sabi nito bago kami tinalikuran. Hindi na lamang ako umimik at humiga na rin sa kama. Nakatingin lamang ako sa kisame habang hinihintay si Morris na lumabas sa silid. Ayaw kong matulog, dahil baka, sa oras na ipipikit ko ang aking mga mata ay hindi na ako magigising pa. Iba pa naman ako kapag nakatulog ako. Ayaw ko na magising hangga’t satisfied ang aking buong katawan. “Mark,”rinig kong tawag ni Forrest sa kaibigan nito. Nitong mga nagdaang araw din ay napapadalas ang pag-uusap namin ni Mark. Ngunit, nagsasalita lamang ito kapag na iiwan na kami lang dalawa. Medyo naging malapit na rin kami sa isa’t-isa kaya hindi na ako nakakaramdam ng pagkailang sa oras na nag-uusap kami. Hindi alam nila Morris at Athena ang tungkol sa pag-uusap namin. Baka kasi ay may isipin na naman silang masama. “Nadala mo ba iyong pinapadala ko?” Tanong nito. “Hmm.” Tugon nito. Lagi lamang ganiyang ang tugon nito sa kanila. Kung hindi okay, sige, oo, at hindi ay hmm ito. Hindi ko tuloy lubos maisip na ang isang Forrest na sobrang daldal at si Mark na sobrang tahimik ay magkasama sa iisang kwarto. Ano kaya ang gagawin nilang dalawa sa loob? “Mabuti naman kung ganoon. Ang dami ko pa kailangan asikasuhin pero mukhang hindi ko ito agad magagawa,”sabi ni Forrest at bumuntong hininga, “Baka sa dorm ko na lang iyong tatapusin. Wala naman sigurong problema iyon, tama?” “Wala naman.” Maikiling tugon nito. “Sige. Mabuti naman kung ganoon. Oo nga pala, iyong mga papel na ipinadala ni ano. Naasikaso mo na ba? Kakaialangan iyon agad para sa nalalapit na festive,”dugtong nito. Ako lang ba o talagang sobrang abala ni Forrest sa mga bagay-bagay? Tila ba siya ang nag-aasikaso sa lahat ng papers na kakailangan nila. Hindi ko alam pero parang naiisip ko na isa siyang assistant. Iyong nag-aasikaso sa lahat ng bagay na kakailangan ng kaniyang amo. “Na pirmahan ko na lahat,”tugon ni Mark. Hindi ko inasahan na magsasalita ito, akala ko ay hindi nito iimikin si Forrest. “Good. Isusunod ko na rin ang dalawa. Kakailangan din sila para sa ano.” Hindi ko maintindihan kung ano ang tinutukoy ni Forrest. Hindi naman kasi nito kino-kumpleto ang phrases. Tila ba may tinatago siya. Sasagot na sana si Mark nang bigla na lang bumukas ang pinto. Bigla akong napabangon at nakita si Morris na hinihingal na lumabas mula roon. May dala-dala itong maleta na halatang punong-puno na. “Tapos ka na ba?” Tanong ko sa kaniya at ngumiti. Tumango lamang si Morris at umupo muna sa kaniyang higaan. Ang dalawang lalaki na abala sa pag-uusap ay napatingin sa kaniya. "Hindi ko inaasahan na  ganito pala kahirap magligpit ng gamit,"reklamo nito, "Akala ko ay madali lang dahil ang dali lang tignan ng katulong namin." "Hindi naman kasi lahat ng bagay na madali lang tignan ay madali na gawin. Ilang taon din nag-ensayo ang taong iyan para hindi na siya mahirapan,"tugon ni Forrest at ngumiti sa kaniya, "Oo nga pala, kailangan kita makausap ngunit saka na lang kapag nasa dorm na tayo." "Importante ba iyan?" Tanong nito. "Sobrang importante. Nakasalalay dito ang allowance mo. Tapos na si Mark, kayo na lang dalawa ni Athena ang wala pa." Mabilis na napalingon si Morris kay Forrest ng banggitin nito ang salitang allowance. Ang laki talaga ng epekto ng pera sa tao. "Oo na. Mag-usap tayo pagkarating natin doon. Magpahinga na muna ako. Na pagod ako kakaligpit, ang dami ko pa naman gagawin ngayon. Ang layo rin ng ating ba-biyahiin,"tugon nito at humiga na sa kama, "Pwede ba magpahinga?" Aangal na sana si Forrest ng biglang hawakan ni Mark ang kaniyang kamay. Pagkatapos ay sinenyasan itong tumahimik kaya hindi na lang ito nagsalita. Bumalik ako sa pagkakahiga dahil dito. Mukhang mamaya pa kami aalis nito, masiyado silang na pagod sa pagliligpit, like seriously? Ano ba ang ginagawa nila sa bahay nila at bakit parang hindi sila sanay sa mga gawain na ganito. I mean no offense pero simpleng bagay lang ito. Kahit ang mga bata ay magagawang ligpitin ang kanilang mga gamit at ipasok sa maleta. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang maramdaman ko ang paglubog ng aking higaan. Napatingin ako sa aking tabi at nakita si Mark na nakatingin lamang sa malayo. "Bakit?" Tanong ko sa kaniya. "Handa ka na ba?" Tanong nito. "Oo naman. Ikaw ba?" "Kahapon pa,"tugon niya, "Hindi ko alam kung ano ang ginawa niyo kahapon pero mukhang nagkakasiyahan kayo." Tuluyan ko ng ipinikit ang aking mga mata bago siya sinagot, "Paano mo naman na sabi?" "Hindi mabilis mapagod ang dalawang iyan, unless, kung may iba kayong ginawa bago kayo nagsimulang mag-empake. Isa pa, halata rin sa mukha nilang dalawa na wala pa silang tamang tulog. Ibig sabihin ay hindi pa ito nakakapagpahinga,"paliwanag niya, "Sa loob ng ilang taon ko na nakakasama ang mga iyan. Kilala ko na ang bawat galaw nila. Kahit nga ang paggalaw ng mga mata nito ay basang-basa ko na. Hindi naman kami magagalit pero sana sa susunod ay sabihan niyo kami." Heto na naman siya sa pagiging mahigpit. "Bakit?" Tanong ko, "Gusto nilang magsaya na wala kayo. Bakit kailangan namin sabihin iyon sa inyo? Kung nandoon kayo, sigurado kaming hindi rin kami magsasaya dahil lagi niyo kaming pinipigilan sa mga bagay-bagay." Tama naman ako. Kahit kaunting sakit lang ang nararamdaman ng dalawa ay big deal na sa dalawang lalaki. Hindi ko talaga sila maintindihan. "May rason kami kung bakit, Ana. Hindi ko pa pwedeng sabihin ito sa iyo ngayon pero darating din ang panahon na malalaman mo iyon at sigurado akong maiintindihan mo kami,"tugon niya bago ko naramdaman na tumayo na ito at umalis na sa aking tabi. Ano ba kasing mayroon at ganiyan sila. Kung sana ipaliwanag na nila sa akin habang maaga pa ay wala na kaming problema kaso hindi eh. Kahit saglit ay hindi man lang sila nag-abala na sabihin sa akin ang dahilan. Paano ko iyon malalaman? Alam kong it is none of my business but if they want me to understand. Explain. Napabuga ako ng hangin bago ako umayos ng higa at tuluyan na silang tinalikuran. Matutulog na lang muna ako habang hindi pa nagigising ang dalawa. Na gising ako dahil sa isang mahinang pagtusok sa aking pisngi. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang nakangiting Morris at Athena. Nawala na ang eyebags nito at halatang bumalik na ang kanilang sigla. "Gising na pala kayo,"sabi ko at kusot matang bumangon. "Pasensiya ka na at medyo natagalan kami,"sabi ni Morris at lumapit sa akin bago bumulong, "Hindi ko kasi inaasahan na mapapagod ako dahil sa nangyari kagabi." "Nakalimutan kasi natin na ngayon pala tayo aalis,"sabi naman ni Athena sabay hilamos ng kaniyang mukha. "Ang nasa isip ko kasi ay bukas pa ang alis natin,"depensa naman ni Morris. "Same." "Ayos lang iyon. Pasensiya na kayo at nakatulog ako,"sabi ko, "Aalis na ba tayo?" Tumango namans silang dalawa at hinila ako patayo, "Naghihintay na silang dalawa sa baba. Dala-dala na rin nila ang ating mga maleta kaya wala ka ng dapat pa na ipag-alala,"sabi ni Morris at kumapit sa aking braso. "Excited na ako!" Sigaw naman ni Athena. "Let our class begin!" Sigaw ni Morris. Napapailing na lumabas na kami sa silid. Iniisip ko muna kung wala na ba akong nakakalimutan at salamat sa diyos, wala naman. Habang naglalakad palabas. Ang daldal nilang dalawa, gusto raw nilang ulitin ang nangyari kagabi. Nagpa-party lang naman kami sa loob ng aming silid. Tapos may kaunting alak at ilang pagkain na nakakalasing. Hindi ko nga alam kung saan nila nakuha ang mga alak na iyon. Grabe sila kung uminom, nakakabilib. Hindi ko inaasahan ang kanilang alcohol tolerance. Nakailang bote ba kami kagabi. "Ang saya pala kapag tatlo tayo,"bulong ni Athena, "Ulitin natin iyon sa dorm. Sigurado naman ako na magkasama tayo sa iisang kwarto." "Tama!" Sigaw naman ni Morris, "Sigurado akong masaya iyon!" "At ano naman ang masaya sa pag-iinom?" Gulat na napatingin kaming tatlo sa taong bigla na lang nagsalita sa aming harapan. Naka-taas ang kilay ni Forrest habang nakatingin sa amin. Samantalang si Mark naman ay nakatingin sa akin na parang sinasabi na malalagot ako mamaya. Ano ba iyan! "W-wala ah!" Depensa ni Athena sabay iwas ng tingin. Masiyado ka halata! "Saan mo naman na pulot iyan? Ano ka ba!" Sigaw ni Morris at inirapan itong si Forrest, "Huwag ka gumawa ng kwento, Forrest ah! Tara na nga!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD