University 15

1498 Words
Bigla akong napangisi nang na imagine ko ang mga hitsura nilang lahat na nahihirapan at nagmamakaawa sa harapan ko. They all deserve that, just wait for me. Sisiguraduhin kong mahihirapan kayong lahat sa kamay ko. Ipaghihiganti ko ang aking mga magulang sa ginawa niyo sa kanila! Agad akong dumeritso sa aking silid atsaka nagtungo sa isang lamesa na nakalagay sa dulo. Napakaraming libro ang nakakalat sa ibabaw nito kaya agad ko itong inayos. Nakalimutan ko pala ligpitin ang mga gamit ko bago ako umalis sa bahay. Hindi ko naman kasi inaasahan na aabutin ako ng ilang oras sa labas. Isang marahas na hangin ang aking pinakawalan at inalagay na sa shelf ang mga libro na binasa ko. Para sa isang babaeng nakatira sa isang magulo na paligid at magulo na bahay, masasabi kong ang silid ko na nga siguro ang pinakamalinis. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit pero hindi lang talaga ako komportable na makitang sobrang gulo ng paligid. Patuloy ako sa pagligpit at pagwalis hanggang sa makarinig ako nang mahihinang katok mula sa aking bintana. “Alam ko na naman na nakapasok ka, Shire,”sabi ko at tinignan ang isang sulok ng aking silid, “Alam mo rin naman na walang epekto sa akin ang mga ganiyang tricks mo. Siguro ay matatakot mo pa si Ham pero sa akin, wala iyang epekto.” Sumimangot naman ang babaeng ito at naglakad patungo sa aking kama at humiga. Ang buhok nitong naka-pig tail habang may malaking korona sa ulo na gawa sa kahoy. Nakasuot ito ng isang dress na hanggang hita at hapit na hapit sa kaniyang katawan. “Ano ba ang ginagawa mo rito?” Tanong ko sa kaniya, “Wala ka naman mapapala sa bahay ko.” “Bored ako eh,”ani nito, “Hindi ko rin naman pwedeng puntahan si Ham kasi abala iyon sa paghahanda sa nalalapit na contest.” “Contest?” Tanong ko. Gulat na napatingin ito sa akin at ngumisi, “Sasabihin ko na ba kay Ham na nakalimutan mo ang nalalapit niyang contest? Duh? The Crooked Chief?” Napahilamos ako sa mukha nang bigla kong maalala kung ano ang gustong ipahiwatig ni Shire. Oo nga pala, kaya pala may bagong recipe ang aking kaibigan ay dahil sa nalalapit na contest sa aming paaralan. Bakit ko nga ba ito nakalimutan? Sa lahat ng pwedeng dapat kalimutan ay iyon pa? “Nakita ko pa naman kayo kanina sa Toxi Lake na kumakain ng isang pagkain na panibago sa aking paningin,”saad nito at umikot upang dumapa sa kama, “Masarap ba?” “Manahimik ka. Sobrang dami kong iniisip ngayon kaya nawala sa isip ko ang tungkol sa paligsahan,”depensa ko at kinuha ang isang bag. “Sus, sabihin mo masiyado kang abala sa pagplano kung paano mo ipaghihiganti ang iyong ama at ina,”saad nito. Hindi na lamang ako umimik at hinayaan na siya. Sa aming tatlo ni Shire at Ham, si Shire lamang ang may alam ng lahat. Malapit ang aking mga magulang ngayon sa magulang ni Shire, simula noong bata pa kami. Magkasama na kaming naglalaro, iyon nga lang at paminsan-minsan halos patayin na namin ang isa’t-isa. “Ano naman kug ganoon nga,”sabi ko at bumuntong hininga, “Iyon naman talaga ang plano ko noon pa.” “Anastaschia, Anastaschia, Anastaschia,”bulong nito, “Baka gusto mong sabihin sa iyong munting kaibigan kung ano ang mga na isip mo? I mean, kilala mo naman ako. Kaya kitang tulungan sa mga ganiyang klaseng bagay.” Bukod sa akin, kinatatakutan din itong si Shire ng mga tao rito sa bayan. Bukod sa sobrang harsh ng mga tricks nito at p*******t. Ang hirap din nitong hulihin dahil sa kaniyang kapangyarihan. Para sa kaniya, ang lahat ng tao rito sa mundo ay laruan lamang na kaya niyang paglaruan sa kahit na anong oras niya gusto. Bukod sa akin, dahil alam niya sa sarili niya na hinding-hindi niya ako matatalo. “Kung kailangan ko man ang tulong mo. Kusa akong lalapit sa iyo, hindi iyong ikaw ang lalapit sa akin,”sabi ko at umupo na sa study table at kinuha ang isang pen sa isang tabi. Biglang sumulpot si Shire sa aking tabi at inagaw ang pen na aking hawak-hawak. “Cold as always, huh,”ani nito, “Whatever, ang hirap mo talagang pakisamahan minsan. Basta, sabihin mo lang sa akin kung gusto mo ng kasama sa pagpatay sa kanila. Ako ang bahala sa iyo.” Kahit lagi kaming nagbabangayan. Sobrang lapit namin sa isa’t-isa, to the point na sa oras na kapag isa sa amin ay nasa bingit ng kamatayan, sisiguraduhin namin na maliligtas at maliligtas ito. We are loyal to our friends. “Oh, really? Kahit ba ang hari ang gusto kong ipapatay sa iyo?” Tanong ko at ngumisi sabay tingin sa kaniya. Shire giggled and covered her mouth with her hands, “What do you think of me? A fool?” Tanong niya at bigla na lang nawala sa aking tabi. Magsasalita na sana ako nang bigla itong nagpatuloy sa pagsasalita, “Of course. I may be his people but I can’t exchange my friend for a mere King.” “Stupid ass,”bulong ko. “So are you,”tugon niya, “Aalis na ako. Babalik din ako rito kapag oras na ng iyong pag-alis. Huwag kang mag-alala. Hahanap ako ng paraan para lang matawagan ka roon.” Tumango na lamang ako at hinayaan siya. Nagpatuloy na ako sa pagsusulat, para ito kay Ham. Alam kong hindi na ako makakaabot sa contest kung kaya ay ito na lang ang ibibigay ko sa kaniya. Sana nga lang ay hindi ito magtampo. Halos isang taon pa naman ako nito hindi pinansin noong isang beses na hindi ako nakapunta dahil napasarap ang tulog ko. Lumipas ang ilang sandali at na tapos na rin ako sa wakas. Nag-unat muna ako bago tumayo at dumeritso sa aking higaan at humiga na. Gusto ko na matulog, mahaba pa ang araw ko bukas.   Maaga akong na gising at naghanda para sa aming pag-eensayo. Naka-suot na ako ngayon ng damit na komportable para hindi ako mahirapan sa paggalaw ko mamaya. Hinihintay ko na lamang na tawagin ako ng aking ama bago ako lalabas dito sa aking silid. Hindi naman ito nagtagal at nakarinig ako nang mahihinang katok mula sa labas. Mabilis akong tumakbo patungo sa pinto at binuksan ito. Bumungad sa akin ang aking ama na nakasuot din ng damit na katulad sa akin. “Mukhang may pinagmanahan ka ah,”Saad nito at tumawa ng sobrang lakas, “Hali ka na at tumakbo na muna tayo. Kailangan lumakas ang iyong katawan.” What? Agad akong napasimangot dahil dito. Sa lahat ng ayaw ko ay ang pagtakbo. Nakakapagod at sobrang nakakapawis. “Kailangan mong gamitin ang sarili mong kakayahan para rito. Hindi mo dapat iasa ang lahat sa iyong kapangyarihan. Paano na lang at darating ang araw na kung saan ay hindi mo magagamit ang kapangyarihan mo? Ano ang mangyayari sa iyo? Hindi ba at wala? Kung kaya ay umayos ka at hali ka na,”paliwanag ng aking ama at nagsimulang maglakad papalabas ng bahay. Kahit nakasimangot ay sinunod ko na lamang ito at nagpatuloy na sa pagtakbo. Gusto ko na lang matulog ulit. Parang bigla na lang nawala ang gana ko sa pag-eensayo. Parang gusto ko na lang hayaan kung ano man ang mangyari sa akin kaysa sa pahirapan ko ang sarili ko. “Ana, tara na!” Tawag ng aking ama na nagsimula nang tumakbo. Kahit ayaw ko ay agad ko na lang itong sinunod. Tahimik lamang kaming tumatakbo hanggang sa makarating kami sa toxi lake, empty mountain, grave tree, at iba pa. Sobrang layo na ng tinakbo namin pero parang wala yatang plano tumigil ang ama ko. Gusto ko tuloy bumagsak sa sahig, sobrang nangangalay na ang aking mga paa. “Gusto mo ba maghiganti o hindi?” Tanong nito. Dahil sa kaniyang sinabi bigla na lamang akong nagkaroon ng lakas. Tila ba bigla nitong inalis ang pagod sa aking katawan at bigla akong giganahan. Mabilis akong tumakbo at na una na sa aking ama. “Ang bagal niyo naman!” Sigaw ko. Para nga pala ito sa mga magulang ko. Bawal akong sumuko. Alam kong marami akong dapat pagdaanan kung kaya ay kailangan ko magsumikap hanggang sa makakaya ko ng harapin ang pinakamalakas na tao sa lugar na iyon. Tahimik lamang akong tumatakbo hanggang sa makarating ako sa bahay. Nilingon ang daan na kung saan ako galing pero wala pa rin ang aking ama kung kaya ay na isipan kong uminom na muna ng tubig. Ngayon ko lang na pansin na alas otso na pala ng umaga. Halos tatlong oras din ang tinakbo namin bago kami makarating ulit dito sa bahay pero ang aking ama ay wala pa rin hanggang ngayon. Nanatili lamang akong nakatayo sa labas habang nakatingin sa malayo. Anong oras pa ba darating ang aking ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD