Ben

1616 Words
Maaga akong na gising dahil sa hindi ko malaman na dahilan. Maaring dahil ito sa hindi ako komportable sa aking hinihigaan o dahil hindi pamilyar sa aking katawan ang kabuuan ng lugar. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at nakita ang sirang kisame. Napapatanong tuloy ako sa sarili ko kung kailan pa ang huling beses na inayos itong kisame. Ibinaling ko ang aking atensiyon sa aking tabi at nakita ang aking asawa na mapayapang natutulog. Napaka-anghel talaga nito. Sobrang swerte ko na ako iyong pinili niya na maging asawa, hindi ko rin inaasahan na tatanggapin niya ang aking proposal noong hiningi ko ang kaniyang kamay sa kaniyang mga magulang. Noong una, inaakala ko na one sided love lamang ang nararamdaman ko but it turns out that hindi pala. Mahal din niya ako, sobra-sobra. Isang ngiti ang gumuhit sa aking mga labi nang makita ko ang pagkunot ng kaniyang noo. Mukhang may napapanaginipan itong hindi kaaya-aya. Maingat kong hinaplos ang kaniyang pisngi atsaka ito hinalikan. “Magandang umaga, Mahal ko,”sabi ko bago ako tumayo at nag-unat. Kailangan ko maghanda ng aming pagkain. Wala kaming alalay dito na pwedeng utusan na hatiran kami ng aming umagahan. We are on our own now at kailangan ko magsumikap. Hindi ko pwedeng hayaan na ang aking asawa pa ang magluluto ng pagkain para sa aming dalawa. Masiyado ng mabigat ang dinadala nitong bata sa kaniyang sinapupunan. Pagkatapos kong mag-unat ay lumapit ako sa may bintana. Hinawi ko ito ng kaunti at nakita ang matanda na nagwawalis sa labas. Kailangan ko pumunta ng bayan para bumili ng pagkain pero hindi naman maari na iwan ko ang aking asawa sa kamay ng matandang iyan. Ano ba ang gagawin ko? “Mahal?” Mabilis akong napalingon sa aking likuran at nakita ang aking asawa na naka-upo na sa aming kama. Kusot-kusot nito ang kaniyang kamay na tila ba ay para itong bata. Napakagulo rin ng kaniyang buhok. “Magandang umaga sa napakaganda kong asawa,”nakangiti kong bati at lumapit sa kaniya. Hinalikan ko ang kaniyang noo at umupo sa tabi nito, “Gutom ka na ba? Pasensiya ka na at wala pang nakahanda na pagkain. Kakagising ko lang din.” Isang matamis na ngiti lamang ang kaniyang ibinigay at sumandal sa aking balikat, “Kaya ba nakatingin ka sa labas?” Tanong nito. “Oo. Iniisip ko kasi kung ano ang gagawin ko. Hindi naman pwede na iwan na lang kita nang basta-basta rito, lalong-lalo na sa sitwasyon mo ngayon,”paliwanag ko, “Narini mo naman kung ano ang sinabi ng babaeng iyon kanina, hindi ba?” “Hmmm.” Hindi na ito muling umimik at nanatili lang nakasandal sa akin, ngunit, hindi nagtagal ay tumayo na ito at ngumiti sa akin. “Hindi mo na naman kailangan pa umalis. May dala akong itlog dito at ilang pagkain mula sa ating kaharian. Alam ko na ganito ang mangyayari sa atin,”saad nito at tumayo na sabay lapit sa isang bahagi ng silid na may stove, “Ako na ang magluluto at magpahinga ka lang diyan. Hindi ba at maghahanap ka ng matitirhan natin ngayon?” “Paano ka?” Tanong ko sa kaniya at nag-aalala itong tinignan. “Huwag kang mag-alala. Kahit naman ay buntis ako, huwag mong kalimutan na mas malakas pa ako sa iyo,”natatawa nitong tugon at nagsimula nang magluto. Napapailing na lamang ako sabay tango. Totoo nga naman, sa aming dalawa, ang aking pinakamamahal na asawa ang pinakamalakas. Sa katunayan niyan ay kapag kami ang dalawa ang magkaharap sa labanan, sigurado ako na talo ako. “Sabagay. Sinong tao ba ang makakatalo sa iyo sa ating kaharian?” Natatawa kong tanong, “Ngunit, kung may masama kang nararamdaman. Agad mo akong tatawagan.” “Huwag ka ng masiyadong mag-alala, Mahal. Ikaw ang kauna-unahang makakaalam kapag masama ang nararamdaman ko,”sabi nito at nagpatuloy na sa pagluluto. Hinayaan ko na lamang ito sa kaniyang ginagawa at tahimik na kinuha ang isang gem na nakatago sa aking katawan. Tinignan ko muna ang paligid at pinakiramdaman kung mayroon bang nakikinig bago ko tinawagan ang aking kapatid. “Vix!” Sigaw nito, “Are you really insane? Alam mong napakadelikado niyang ginagawa mo pero tinuloy mo pa rin. Bumalik na kayo rito ngayon na! Hindi mo alam kung ano ang pwedeng mangyari sa kaharian kapag ikaw ay namatay diyan!” “Brother,”tawag ko rito. Sa aming dalawa. Ang aming magkakapatid, si Ben ang pinakatahimik, pinakaseryoso at sobrang mahigpit sa mga ganitong bagay. Lalong-lalo na kapag dawit na ang aking kaligtasan o kahit na sino man na hari at reyna sa iba’t-ibang kaharian. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata nito. Ang kaniyang asawa ay nasa kaniyang tabi lamang at pinipilit itong pakalmahin. “Bumalik na kayo rito, ngayon na!” Muling sigaw nito. “Hon, hindi ganiyan kadali. Hayaan mo ang iyong kapatid sa kung ano man ang gusto nitong gawin,”saad ng kaniyang asawa, “Alam mo naman na ginagawa lamang niya ito para sa kapakanan ng ating kaharian. Alam mo kung ano na ang nangyayari sa ibang kaharian. Hindi na ito mabuti para sa susunod na henerasyon.” “Alam ko iyon pero hindi rin ba na isip nitong kapatid ko na may iba pang paraan. Kapag siya ay nawala, mawawala ang balanse ng bawat kaharian,”paliwanag nito, “Vix, bumalik kayo ng iyong asawa rito sa ating kaharian. Huwag mo hihintayin na may mangyari pa sa iyong masama.” Isang marahas na hangin ang aking pinakawalan at tinignan ang aking asawa. Nakangiti lamang ito ng mapait atsaka ito nagkibit balikat. “Naiintindihan ko naman na nag-aalala ka lang, kapatid. Ngunit, paano natin malalaman ang kahinaan ng ating kalaban kung walang magsasakripisyo para sa ating kaharian? Alam mo kung gaano ka-importante na pahalagahan natin ang kaligtasan ng ating kaharian. Para sa mga anak natin,”sabi ko at malungkot itong tinignan, “Hindi ba at pinangako natin sa isa’t-isa na sa oras na tayo na ang mamamahala. Gagawin natin ang lahat para lang maging ligtas ang mundo. Na kung saan, lalabas ang ating mga anak na walang pag-aalala. Paano mangyayari iyon kung ikaw mismo ay pipigilan ako?” Hindi maka-imik ang aking kapatid. Alam kong naalala na nito ang mga panahon na iyon. Sana lang ay sa oras na ito, maiintindihan na niya kung bakit ko ito ginagawa. “Hindi na rin ito ligtas para sa ating nasasakupan. Nais mo ba na darating ang panahon na kung saan ay takot na takot na na lumabas ang ating mga nasasakupan? Na kahit ang pag-apak lamang sa lupa ay nakakatakot na rin para sa kanila? Ben, nasaksihan ko rito kung gaano nahihirapan ang ibang tao. Kung ano ang kaya nilang gawin para lamang mabuhay. Nais mo ba na darating ang panahon na kung saan, kaya na nilang patayin ang isang sanggol at kainin?” Tanong ko. Gulat na napatingin ang kaniyang asawa sa akin. Bakas sa mga mata nito ang takot at pag-aalala. “Ano ang ibig mong sabihin?” Tanong nito sa akin. “Kahapon, nang makahanap na kami ng pwede namin upahan. Sinabihan ng nagbabantay ang aking asawa na kapag may ginawa kaming mali, hindi ito magdadalawang isip na paslangin kami. Lalong-lalo na at masarap naman daw ang bata na nasa kaniyang sinapupunan.” Napasinghap na ang asawa ng aking kapatid habang hawak-hawak ang kaniyang bibig. Hindi yata ito makapaniwala sa kaniyang nalaman. Kung kaya, mas lalo akong nabigyan ng rason na alamin ang kahinaan ng lalaking iyon. Mas lalo akong nagkaroon ng rason na paslangin ang hari ng lugar na ito. “Kung kaya, kapatid. Imbes na magalit ka, suportahan mo na lang ako. Hindi para sa akin pero para sa mga tao riyan sa ating kaharian,”malungkot kong sabi. Nagulat naman ako nang bigla kong naramdaman ang mainit na haplos mula sa aking asawa. Agad ako nitong yinakap at kasabay nito ang pagpatay ng tawag. Siguro ay galit na galit talaga ang aking kapatid sa aking ginawa. Hindi ko rin naman siya masisisi, kami na lang dalawa ang natitira sa aming pamilya. Kami na lang ang pamilya. Matagal ng patay ang aming mga magulang dahil sa haring namumuno sa kaharian na ito. “Magiging maayos din ang lahat,”sabi ng aking asawa, "Intindihin mo na lang ang iyong kapatid. Nag-aalala lamang iyon sa kapakanan mo. Alam mo naman na mahal na mahal ka no'n." Yinakap ko rin ito pabalik. Nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang sandali hanggang sa kusa itong kumalas at ngumiti sa akin ng malapad. "We have a big day today. Kumain na muna tayo bago pa lumamig ang pagkain. Alam kong ayaw na ayaw mo sa malamig at matigas na mga ulam,"natatawa nitong sabi at tumayo na. Inilahad nito ang kaniyang kamay at agad ko rin naman itong tinanggap, "Huwag ka na muna malungkot. Kita mo, pati si baby sumipa. Ayaw daw niya malungkot ang kaniyang ama. Mahal na mahal ka nito oh." Natawa ako nang mahina dahil sa kaniyang sinabi. Hindi sana ako maniniwala nang makita kong gumalaw ang kaniyang tiyan. "Gumalaw siya!" Sigaw ko. "Sumasang-ayon kasi ito sa sinasabi ko,"natatawa nitong tugon, "Hali ka na. Kumain na tayo. Nagugutom na rin si baby." "Ang anak nga ba natin o ikaw?" Natatawa kong tanong, "Sabihin mo na lang din kasi mahal na gutom na gutom ka na talaga. Huwag kang mag-alala, naiitindihan ko naman." "Inaasar mo na naman ako eh! Si baby nga iyong gutom at hindi ako,"depensang tugon nito. Ngunit, hindi naman nagtagal ay nakarinig kami ng pagkalam ng kaniyang tiyan. Mabilis itong umiwas ng tingin at na unang naglakad patungo sa lamesa na kung nasaan ang aming mga pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD