University 43

3075 Words
Ganoon pala iyon. Kaya pala hindi basta-basta nakakapasok ang mga tao rito. Kaya pala parang hindi nakikita ng mga tao ang magandang paaralan na ito. Inilibot ko ang aking paningin at doon nakita ang ilang estudyante na abala sa kani-kanilang mga ginagawa. Karamihan sa kanila ay hinahanap ang kanilang mga kaibigan, at ang iba naman ay abala sa paghanga sa paligid. Sino ba naman ang hindi hahanga sa ganda ba naman ng lugar. Kahit ako ay hindi mapigilan ang mapanganga dahil sa sobrang ganda nito. Ang malawak na field na aming dadaanan bago pa makarating sa malaking pintuan papasok sa magandang palasyo o sa Blue Blood University. May mga bulaklak sa gilid ng daan na sobrang ganda at kumakanta pa. Ang isang malaking fountain sa gitna ang umaagaw ng pansin ng bawat estudyante dahil sumasayaw ang tubig nito. May mga maliliit na tao rin na lumilipad na aakalain mo na mga paru-paru. “Ang ganda,”bulong ko at inilibot ang aking paningin sa paligid, “Hindi ko inaasahan na sobrang ganda pala talaga ng University.” “Sabi naman namin sa iyo na hindi mo pa talaga nakikita ang kagandahan ng University. Ito ang isa sa mga pinaka-inaalagaan ng lahat. Walang makakatalo sa lugar na ito kung pagandahan lamang ang usapan,”proud na sabi ni Morris, “Kita mo iyang gusali na iyan? Totoong crystal ang ginamit sa pagpapatayo niyan.” Halos malaglag ang panga ko dahil sa kaniyang sinabi. Inakala ko lang na gawa sa crystal ang palasyo o paaralan dahil sa sobrang kinang nito pero hindi ko inaasahan na talagang totoong crystal ito. Sinong nasa tamang pag-iisip ba ang magbabalak na gumawa ng paaralan na gawa sa crystal? Isa pa, hindi ba at napakabihira lamang na makahanap ng crystal ngayon? Sa aming kaharian, oo pero rito? Mukhang madali lang. “Kaya hindi basta-basta ang nakakapasok dito. Alam mo naman na noon, ang paaralan na ito ay para sa mga reyna at hari ng Magiya, hindi ba?” Tanong ni Morris. Tumango naman ako bilang tugon habang abala pa rin sa paglibot ng aking paningin sa paligid. “Kung kaya ay hindi na siguro nakakagulat kung bakit ganito kaganda ang buong lugar,”dugtong niya, “Tara na. Baka maunahan pa tayo ni Athena sa silid natin at mapili ang magandang pwesto.” “Ayos lang naman sa akin kahit ano,”sabi ko at napakamot sa ulo. “Alam kong gusto mo na tabi ka sa bintana kasi mahilig ka tumingin sa labas. Huwag mo ako pinagloloko, Ana,”tumatawa nitong sabi at hinawakan ang kamay ko bago ako hinila, “Gagala rin naman tayo mamaya kaya saka kana mag-enjoy sa view. Unahin na muna natin ang dorm natin at baka iyong babaeng iyon pa ang makakuha ng gusto mong pwesto.” “Eh, ikaw ba?” Tanong ko. “Kahit naman saan ay ayos lang ako, as long as may paglalagyan ako ng aking mga libro,”tugon niya. “For short, malapit sa cabinet,”natatawa kong tugon. Kumindat lamang ang babaeng ito saka tumawa ng malakas. “Tara na nga. Inaasar mo pa ako.” Tumango na lamang ako at sumunod sa kaniya. Patakbo kaming pumasok sa loob ng paaralan at halos malaglag muli ang aking panga dahil gawa sa glass ang sahig nito. Sobrang kinis at kinang, ang bawat gilid ay may mga magagandang paintings at ilang kawal na nakatayo. Hindi pa gaano karami ang estudyante rito sa loob, siguro ay gusto pa nila enjoyin ang magandang tanawin sa labas. “Alam mo ba saan paputang dorm?” tanong ko. Tumango lamang si Morris at diretsong tumakbo lamang. “Diretso lang tayo rito atsaka may pinto sa dulo ng hallway na ito, lalabas tayo roon at bubungad sa atin ang isang malaking gusali na kung saan naroroon ang dormitory ng girls,”paliwanag niya, “Magkahiwalay kasi ang dormitory natin sa boys, nasa kabilang side sila.” Tumango lamang ako sa paliwanag niya. Mabuti naman kung ganoon, hindi ko rin maisip na magkasama sa isang building ang lalaki at babae. “Pero paano iyon? Hindi nakakapunta ang boys sa dorm natin?” Tanong ko. “Makakapunta naman sila pero day time lang. Bawal sila mag-overnight at bawal din na kayo lang dalawa sa isang silid, dapat kasama niyo ang mga dormmates mo,”paliwanag nito. “Ah mabuti naman.” “Huwag kang mag-alala, wala kang maririnig na masamang tunog sa lugar na ito. May sobrang striktang babae na nagbabantay sa dormitory at rinig na rinig nito ang kahit na anong tunog mula sa mga silid,”kwento ni Morris. “Ganoon ba.” “Oo, tara na. Malapit na tayo!” Ramdam ko ang excitement sa boses nito na para bang hindi na siya makapaghintay na makapasok sa dormitory. Napapailing na lang akong sumunod sa kaniya hanggang sa makalabas na kami sa pinto. Isang malaking gusali nga ang bumungad sa amin hindi kalayuan mula sa aming kinatatayuan. Pinapalibutan ito ng malalaking puno. “The dormitory,”sambit ni Morris at ngumiti ng sobrang lapad. Bago kami tuluyan makapasok sa Dorm ay kailangan muna namin dumaan sa isang maliit na gate na kung saan ay may nagbabantay na babaeng may mahabang buhok. Hindi ko masiyadong makita ang mukha niya dahil naka-mask ito. “Madam,”tawag ni Morris at kumaway sa babae. Tumango lamang ang babae sa amin sabay lahad ng kaniyang kamay, “As strict as always. Here.” Inilabas nito ang kaniyang invitation card at agad naman itong tinignan ng babae. Labis ang aking pagkagulat nang biglang may lumabas na susi mula sa Card atsaka niya ito ibinigay kay Morris. “Welcome to Hime Dormitory,”bati nito, “Next.” “Ana,”tawag ni Morris at ibinaling ang tingin sa akin, “Ipakita mo lang sa kaniya ang card mo at papasok na rin tayo sa ating silid.” Tumango lamang ako at inilabas na rin ang card ko. Tinignan niya muna ako mula ulo hanggang paa bago nito binasa ang card. Hindi ko alam ngunit kitang-kita ko ang pagkagulat sa mga mata nito pero agad din nagbago nang lumabas ang susi sa card. “Welcome to Hime Dormitory. Enjoy your stay, rules and regulations of the dorm will be posted.” Paalala nito at bigla na lang nawala. “Saan na iyon?” bulong ko. “Back to her room,”tugon ni Morris at ngumiti sa akin, “Ganiyan talaga iyan, nagpapakita lamang kapag may estudyante na matigas ang ulo o kaya ay katulad ngayon, may mga new students like us.” “Hindi ba siya laging nagpapakita?” Tanong ko sa aking kaibigan. Mabilis itong umiling bilang tugon. Na una na itong pumasok sa gate kaya sumunod na rin ako. Mabagal lamang kaming naglalakad papasok dahil wala rin naman ibang tao rito bukod sa amin. “Hindi siya basta-basta nagpapakita kahit kanino. Bihira lang din ito nakikipag-usap sa mga estudyante o kahit guro rito. Ayon sa aking nalaman, may rason daw kung bakit siya ganiyan,”mahinang paliwanag ni Morris, “Hindi ko nga lang makalap ang impormasyon sa kung ano iyon pero sigurado akong tungkol ito sa pag-ibig.” “What do you mean?” Ganoon ba kalaki ang epekto ng pagibig sa kaharian na ito? “Typical na rason kapag ganiyan ‘yong isang tao, tama ba?” Isang malakas na batok ang aking ibinigay kay Morris dahil dito. Akala ko ay seryoso itong dahil talaga sa pag-ibig kaya naging ganiyan si Madam. “Aray naman! Bakit!” “Alam mo, kung ano-ano ang iniisip mo. Huwag ka nga magpapaniwal sa mga sabi-sabi, hindi mo pa alam kung ano talaga ang totoo pero heto ka at kung maka-husga akala mo ay may alam. Baka nga dahil sa pamilya niya o kaibigan, hindi natin alam. Maraming pwedeng maging dahilan kung bakit siya ganiyan,”paliwanag ko rito. Napasimangot naman agad itong si Morris at na una nang maglakad pero bago pa ito tuluyang makalayo sa akin ay umikot ito papaharap sa akin. “Ang kill joy mo, alam mo iyon? Hindi ka ba interesado sa mga pag-ibig story?” Tanong nito. Mabilis akong umiling sa kaniya. Wala akong plano sa mga ganiyang bagay dahil sigurado akong malaking ang negatibong epekto nito sa buhay ng isang tao kaya ayaw ko sa mga ganiyang bagay. “Bakit naman?” Tanong nito. “Ayaw ko lang. Isa pa, ano ba ang makukuha mo sa love stories na iyan. Mind your own business!” Saad ko at inirapan ito. Tumawa lamang si Morris atsaka umayos na sa paglalakad. “Pero seryoso, wala rin akong alam sa rason kung bakit talaga naging ganiyan si Madam. Hindi ko nga rin alam kung saan siya nakatira noon o kung ano ang background niya,”paliwanag ni Morris, “Gusto ko sana malaman dahil talagang gusto ko si Madam pero ayaw naman nitong magsalita.” Itong babaeng ito, bakit ba kailangan niya pakealaman ang buhay ng ibang tao. Ngunit, kung sabagay ay kahit ako talagang na-eenganyo na malaman ang totoong talambuhay ni Madam. Gusto kong malaman kung bakit siya ganoon at kung sino talaga siya. Ramdam ko kasi na parang galing siya sa kaharian ng Fiend. Malakas ang kutob ko na galing siya sa kaharian namin at dito na nanirahan. “Hayaan mo na lang,”sabi ko at bumuntong hininga, “May rason kung bakit ayaw magsalita ni Madam tungkol diyan. Isa pa, hindi ka ba nababahala na baka maunahan ka ni Athena dahil sa kadaldalan mo?” Tumawa lang ito ng malakas at ibinaling ang tingin sa akin, “Paano naman niya ako mauunahan kung wala pa siya rito?” Tanong nito. “Sigurado ka ba riyan?” Sabay na tanong namin ni Athena na ngayon ay mabilis na tumakbo papasok sa loob ng dormitory. Dahan-dahan na lumaki ang mga mata ni Morris na tila ba ay nakakita ito ng multo. Hindi niya yata inaasahan na makita si Athena sa tabi ko. “Ana!” Sigaw nito at mabilis na sumunod kay Athena, “Hoy bruha! Ako iyong na una!” “Nek-nek mo!” Sigaw pabalik ni Athena. Napailing na lamang ako dahil dito at sumunod na rin sa kanila. Teka. Bakit ba kailangan ko pahirapan ang sarili ko kung pwede naman ako mag-teleport papunta roon? Kinuha ko na ang susi at pinikit ang aking mga mata, sa isang iglap lang ay nasa harapan na ako ng pinto na may nakatatak na apat na pangalan. Hindi ko kilala ang isa pa kaya bahala na. Ipinasok ko na ang susi atsaka ako pumasok sa loob. Wala pang tao rito kaya agad na akong naghanap ng silid. May apat na pinto sa loob ng silid na ito. Magkapareho lamang ang kulay pero sa tingin ko ay magkaiba ang laki at disenyo. Kakaibang dormitory, may sariling sala at kusina. Tinignan ko na isa-isa ang mga silid at halos magtaka nang makitang pare-pareho lang din naman ang lahat ng silid. Wala naman espesyal sa silid. Mukhang wala ring silbi ang pag-uunahan ng dalawa. Huminga ako nang malalim at umupo sa sofa habang hinihintay silang makarating dito sa dorm namin. Hindi naman nagtagal at narinig ko na ang mabibigat na yapak mula sa labas. “Ako ang na una!” Sigaw ni Morris. “Tabi ka nga!” Sigaw naman ni Athena. “Ako iyong na una eh!” Para silang bata na nag-aagawan kung sino ang makakain sa huling piraso ng pagkain. Sigurado akong magsisisi ang mga ito sa oras na makita nila ang silid dito sa loob. Isang malakas na kalabog ang marinig sa buong dorm nang pumasok ang dalawa. Bumagsak pala ang mga ito na naging dahilan ng aking malakas na pagtawa. “Ayos lang kayo?” tanong ko at tinulungan silang tumayo. “Ana?!” Sigaw nila. “Paano ka nakarating dito?” Sigaw ulit ni Morris. “Teleport?” Inosenteng tugon ko. “That’s unfair!” Sigaw naman ni Athena. “I don’t think so. Wala naman sinabing rules na bawal mag-teleport, hindi ba?” Nakangiti kong tugon. Napakamot lamang sa ulo itong si Athena at tinanggap na ang kamay ko. “So, nakapili ka na ng silid?” Tanong nito at sumimangot. “They are all the same,”tugon ko. Napalingon silang dalawa sa akin na may nagtatakang tingin, “What do you mean?” “All the rooms here have the same room size, design, and all. So, wala lang din iyong contest niyo,”natatawa kong sabi. Mabilis na tumakbo ang dalawa at tinignan ang bawat silid dito sa loob. Halos bumagsak naman sa sahig si Athena dahil sa kaniyang nakita. “Sinayan ko lang ang energy ko para sa wala,”bulong nito. “Well, the contest was fun,”wika ko at nagkibit-balikat. “Paano mo masasabing fun kung hindi ka naman tumakbo, ha?” Inis na tanong ni Morris at pabagsak na umupo sa sofa, “But at least, wala tayong pag-aawayan na higaan o silid dahil same lang naman pala ang lahat.” “Kainis naman!” Muling sigaw ni Athena at tumayo na. Tumabi ito kay Morris saka sumandal sa balikat nito at tumahimik na. Hindi na muling umimik pa si Athena at Morris, tanging ang paghinga lamang nilang dalawa ang maririnig sa buong silid. Halatang-halata na naghahabol ang mga ito sa kanilang paghinga. Naglakad na lamang ako patungo sa kusina at kumuha ng dalawang baso atsaka nilagyan ng tubig. Pagkatapos ay bumalik na ako sa sala at ibinigay ito sa kanila. “Uminom na muna kayo, baka mawalan pa kayo ng malay at ako pa ang maabala dahil sa inyo,”natatawa kong sabi at umupo sa isang sofa. “Thank you.” Sabay na wika ng dalawa. Pagkatapos nilang uminom ay tila ba nakahinga na sila nang maluwag. “Hindi niyo ba napapansin na parang masiyado naman yatang plain ang mga silid natin?” Tanong ni Athena. “Ayan din ang iniisip ko eh,”sang-ayon naman ni Morris, “Talang labis ang aking expectation sa mga silid dito sa ating dorm. Tapos ganoon lang pala.” Hindi na ba nila nagustuhan ang silid na iyon? Para sa akin kasi ay maganda naman ito at sakto lang para sa isang estudyante na katulad namin. Kung sabagay, na sanay nga naman ang mga ito sa magagandang silid at magagandang kagamitan. Hindi na rin nakakagulat. Muli kong tinignan ang mga pinto at na pansin ang isang pinto. “Oo nga pala, may isa pa tayong kasama rito, tama?” Tanong ko sa kanila. Sabay naman silang tumango. “Hindi ko kilala kung sino ang panibagong kasama natin pero sana ay marunong makisama. Ayaw ko ng kasama rito sa silid na bossy at nagmamarunong,”sabi ni Morris. “Talagang ayaw ng mga taong bossy ang kapwa bossy, ano?” Nag-aasar ng tanong ni Athena, “But anyway, let’s just wait for that girl bago tayo magpahinga. Kahit naman same lang naman lahat ng room, kailangan niya pa rin ito makita.” Sumang-ayon naman kaming dalawa ni Morris. Nagpatuloy kami sa pag-uusap tungkol sa mga nakita namin kanina habang papasok kami rito sa University. Si Athena naman ay ipinaliwanag din niya kung saan siya pumunta. Binisita lang niya raw ang garden. Hindi ko rin maiwasan na makaramdam ng saya. Nasa loob ng rin ako ng paaralan na ito. Kaunting-kaunti na lang at makakamit ko na rin ang hustisya na para sa mga magulang ko. Kaunting-kaunti na lang at sigurado akong maipaghihiganti ko rin sila. Unang hakbang ang pagpasok sa paaralan, susunod na ang pag-alam tungkol sa oracle at iba pang impormasyon dito sa kaharian na ito. Bigla akong natauhan ng marinig ko ang mahinang katok mula sa pintuan, kasabay nito ang dahan-dahan na pagbukas nito. “Excuse me,”mahinang sambit ng babae at mahinhin na naglakad papasok. “Are you Nikki?” Tanong agad ni Athena habang nakataas ang isa nitong kilay. Agad naman siyang kinurot ni Morris na naging dahilan ng pagdaing nito. Nikki, on the other hand ay nagulat sa pakikitungo ni Athena sa kaniya kaya bahagya itong napa-atras. Tila ba ay natakot. “Don’t mind her,”nakangiting sabi ni Morris. Sa kanilang dalawa, si Athena talaga ang pinaka-friendly at mabait. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kaniya at ganiyan siya kung umasta, “You are Nikki, right?” Takot na tumango naman ang babae at mas lalong napahigpit ang pagyakap sa dala-dala nitong isang parang sketchbook. “Don’t be scared. Hindi naman kami nangangagat. Sadyang may dalaw lang ang babaeng iyan kaya ganiyan,”nakangiting sabi ni Morris. Tumayo na ito at naglakad patungo sa harap ni Nikki at sabay lahad ng kaniyang kamay, “You can call me Morris, I hope we can get along since we are dormmates.” Nagdadalawang isip man ay agad na tinanggap ito ni Nikki, “N-nikki.” “Athena, look what you have done.” May diin na sabi ni Morris. “What? I have done nothing,”inosenteng tugon nito at naglakad na rin papalapit kay Nikki. Sumunod din ako sa kanila at tumabi sa dalawa, “Hi, I am Athena. Pasensiya ka na sa nangyari kanina.” Ngumiti lamang si Nikki at tinanggap din ang kamay ni Athena, “No, it’s fine.” “Thank you!” “Hey,”bati ko rito. Napalingon naman sa akin si Nikki at gulat itong nakatingin sa mga mata ko. “T-tatlo na pala kayo rito,”bulong nito, “I d-didn’t notice.” “Ana, you are hiding your presence again,”sambit ni Athena, “Sabi naman namin sa iyo na ‘wag mo na iyan gawin at baka magulat pa iyong mga tao.” “Sorry, just can’t help it but anyway, I am Ana.” Pagpapakilala ko. “Nice to meet you, I am Nikki.” Nakangiting pakilala. “Pleased to meet you. Hali ka na, pipili na tayo ng rooms natin,”aya ko sa kaniya. Tumango naman ito at agad na sumunod sa akin. Pinauna ko na sa pagpili sila Morris at Athena, and since wala naman espesyal sa mga silid ay hindi  na sila nag-inarte pa. Ang pinili ko ay ang pinaka nasa gilid ng silid. “Magpahinga na muna tayo and let’s meet by 6 pm. Sabay na tayo mag-dinner,”sambit ni Athena at humikab. “Alright!” sabi ni Nikki at ngumiti sa amin. Tuluyan na akong pumasok sa aking silid at nagpahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD