Shop

1500 Words
 Napatigil ako sa paglalakad at tinignan ang mga taong nandito. Wala silang pakealam, bagkos ay mas natutuwa pa nga sila sa nangyayari. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na mapatanong kung ano ang gagawin nila sa bangkay ng taong ito. Baka kagaya ng sinabi ng matandang kasama ko, kinakain nila ang laman loob nito. Iniisip ko pa nga lang ay nasusuka na ako agad. Hindi ko na alam kung makakakain pa ba ako rito sa labas kung mag-aaya man ang aking asawa. “Ano ang tinitignan mo riyan? Hali ka na at naghihintay na sa atin ang taong iyon,”sabi ng matanda at mahinang hinampas ang aking braso gamit ang kaniyang tungkod. Ibinaling ko ang aking paningin sa kaniya at tinignan ito. Nakatuon na rin ang kaniyang atensiyon sa isang grupo ng tao na nagpupustahan. “Panibagong na biktima na naman ba,”sabi ng matanda at tinignan ang lalaki, “Ilang tao na ba iyan sa araw na ito. Siguro ay nasa pangalawa na iyan.” “Na pinapatay?” Gulat na tanong ko at lumapit sa kaniya. Tumalikod lamang ang matanda at sumunod na ako kaagad. “Kapag malaki ang utang mo sa mga tao sa bayan na ito. Maari ka nilang singilin gamit ang buhay mo. Ang mapanalunan mo na premyo ay siyang pambayad nito, iyon nga lang ay kung buhay ka pa sa mga oras na iyon. Sigurado rin naman ako na napakalabong magiging buhay ka dahil sa laki ng mga katawan ng iyong makakalaban,”paliwanag ng matanda. “Ibig mo bang sabihin ay palabas lamang nila na may premyo pero sa totoo niyan ay talagang papatayin ng mga taong ito ang nangutang sa kanila?” “Oo,”sagot naman ng matanda, “Tahimik na. Nandito na tayo. Wala na tayong oras sa pagsagot sa mga katanungan mo, malalaman mo rin naman iyan kapag nagtagal kayo rito.” Hindi na lamang ako umimik at sumunod na sa kaniya. Tahimik lamang namin tinatahak ang daan hanggang sa makarating kami sa harapan ng isang lumang bahay. Sira-sira na ang kawayan nitong dingding at basag na rin ang bintana. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa namin dito ng aking kasama pero sa tingin ko ay may rason naman siya kung bakit dito niya ako dinala. Na unang pumasok ang matanda habang nasa likuran niya lamang ako. Hindi na ito nag-abala pa na kumatok o kahit tawagin man lang ang taong nasa loob, sa halip ay iba ang ginawa niya. Sinira nito ang isang vase na mukhang mamahalin na nasa isang tabi. Dahil dito narinig ko ang malakas na yapak ng isang tao na nagmumula sa itaas. Kakaiba naman yata ang kanilang paraan ng pagkuha ng atensiyon ng nagmamay-ari ng gusali. Ang mga yapak ng tao na mula sa taas ay sobrang bigat, tila ba isa itong higante dahil sa bigat at lakas. “Sino ang lapastangan na bumasag sa aking--.” Hindi nito na tuloy ang kaniyang sasabihin nang makita nito ang kasama kong matanda. Masama ang tingin nito sa kaniya. “At may gana kang magtanong sa akin?” Tanong nito. Ano ba talaga ang status ng matandang ito, bakit parang takot na takot ang mga tao sa kaniya. Hindi ko nga maintindihan kung bakit halos lahat na lang na nakakakita sa kaniya ay gulat na gulat na napapatingin sa kaniya. “Ma-mad,”utal na wika ng lalaki. Malaki ang katawan nito at marami ring peklat sa mukha at katawan. Ang damit nito ay sobrang dumi at sira na. “Ano ba ang ginagawa mo sa itaas. Hindi mo ba inaasahan ang pagdating ko?” Tanong nito sa kaniya at naglakad na patungo sa isang upuan, “Kung may ginagawa ka man doon, hindi mo ba nakita ang pagdating ko?” Halos mahulog ang aking panga dahil sa inaasta ng matanda. Wala itong halong takot sa mukha at kung titignan ay parang mas malakas pa siya sa lalaking kaharap namin. Kung tutuusin, hindi ko nga alam kung kakayanin ko bang kalabanin ang lalaking ito sa pisikal na labanan. “Hindi ko nakita ang iyong pagdating. Nagliligpit ako ng mga gamit sa itaas,”paliwanag ng lalaki at mabilis na naglakad sa isang tabi at kumuha ng tasa. Tinignan muna nito ang loob bago kumuha ng isang maruming tela na nakasabit sa isang tabi at pinunasan ang loob nito. Pagkatapos ay nagmamadali itong kumuha ng isang takuri na sa tingin ko ay naglalaman ng tsaa. “Hanggang kailan ka pa ba masasanay? Isa pa, may kailangan ako sa iyo,”ani ng matanda at tumingin sa akin. Sinenyasan ako nitong lumapit sa kaniya sabay turo sa isang upuan na katabi niya lamang. Sumunod na lamang ako rito at umupo. Gulat na napatingin naman sa akin ang lalaki ngunit agad din ibinaling ang tingin sa matanda. “Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo, Mad,”sabi ng lalaki at umupo sa aming harapan. Hindi ko inaasahan na sa sahig ito uupo na parang batang nakatingin sa matanda at hinihintay na magkwento ng bagay-bagay. “May alam ka pa ba na bakanteng bahay at lupa? Nais sana bumili nitong kasama ko. Sila ang mga bagong dating galing swamp,”paliwanag nito at ininom ang tsaa na ibinigay ng lalaki. “Swamp?!” Sigaw ng lalaki, “Paano nagkaroon ng pera ang mga taong galing doon?” Gulat na gulat itong nakatingin sa akin. Sinusuri ang aking kabuuan na tila ba ay nagdududa ito sa aking katayuan. Hindi yata nito inaasahan na makakita ng isang katulad ko. “Bakit? Bago pa ba sa iyo ang mga ganitong bagay?” Tanong ng matanda, “Isa pa, alam mo naman na ilang beses na itong nangyari. Sagutin mo na lang ang tanong ko, nang matapos na kami rito at makabalik sa aming tahanan. Hindi iyong kung ano-ano pa ang iyong dinadaldal.” Huminga nang malalim ang lalaki at muling tumingin sa akin na may nagdududang tingin. “Hindi ko alam kung magkano ang perang dala mo pero ipapakita ko sa iyo ang iba’t-ibang bahay at lupa na maari mong bilhin dito sa bayan,”wika ng lalaki at tumayo na sabay lapit sa isang aparador na punong-puno ng mga libro. Binabasa nito ang bawat nakasulat sa likod ng libro at nang makita nito ang kaniyang hinahanap ay muli itong lumapit sa akin. “Ang pinakamahal na bahay at lupa rito ay itong malapit sa bahay ni Mad. Nagkakahalaga ito ng isang libong ginto at tatlumpung pilak. Hindi pa kasama ang babayaran mo na buwis at kagamitan diyan,”paliwanag ng lalaki. Lumapit ako sa kaniya at tinignan ang sinasabi nitong bahay. May isang maliit na crystal doon na nagpapakita ng pigura ng bahay at lupa. Maganda naman ito at hindi masiyadong kalakihan pero ayos na rin. May dalawang silid na tamang-tama para sa amin mag-ina at ganoon na rin sa aming magiging anak. “Paano kapag kasama ang buwis at mga kagamitan?” Tanong ko rito. “Tatlong libong ginto at dagdag mo itong isang libong ginto at talumpung pilak. Apat na libong ginto at tatlumpung pilak lahat,”saad nito at tinignan ako. Tama nga ang matanda. Napakamahal ng bahay sa lugar na ito, ang buwis naman ay halos doublehin ang presyo ng bahay. Hindi ko inaasahan na ganito pala kamahal tumira rito, masiyadong kurakot ang mga tao. “Hindi ko alam kung kaya mo itong bilhin pero isa lang ang masasabi ko. Sigurado akong hindi ka magsisisi sa bahay na ito. Napakaganda at malayo sa kaguluhan pero kung hindi mo naman kayang bayaran. May iba pa akong bahay na mabebenta sa iyo,”sabi nito. Ang tunog ng boses nito ay parang minamaliit ako na para bang hindi ko kayang bilhin ang ganitong klaseng bahay. Pwes, mali siya. May sapat akong pera para manatili sa lugar na ito ng ilang taon.  "Ihanda mo na ang kailangan kong pirmahan. Bibilhin ko ang bahay na ito,"sabi ko at masama itong tinignan, "Kung gusto mo na ibigay ko sa iyo agad ang kabuuang pera para makalipat kami kinabukasan pwede ko itong gawin." Gulat na napatingin sa akin ang lalaki. Hindi yata ito makapaniwala sa kaniyang narinig, inaakala yata talaga nito na hindi ko ito bibilhin. Para sa aking anak at sa aking asawa, gagawin ko ang lahat mabigyan lamang sila ng komportable na buhay. Ako ang nagdala sa kanila rito kaya kailangan ko itong gawin.  Bilang ama ng bata at asawa ng aking reyna, responsibilidad ko silang dalawa. Huminga ako nang malalim at inilabas ang mga ginto, "Bilangin mo na lang iyan kung nagdududa ka." Ibinagsak ko sa kaniyang harapan ang ginto atsaka bumalik sa tabi ng matanda na kung saan ay abala sa pag-inom lamang ng tsaa at walang pakealam sa kaniyang nakikita. "Saan mo nakuha ang ganito karaming pera?" Gulat nitong tanong. "Ganito ba talaga rito? Pakealaman kung saan galing ang pera? Sa tingin ko naman ay hindi ito kasali sa ating transaksiyon, tama ba?" Nakangisi kong tanong. Mabilis na tumango ang lalaki at agad na tumalikod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD