University 21

1500 Words
Tumango lamang si Morris at tinignan ako, “Pasensiya ka na. May kakilala kasi kami na kapareho ng pangalan mo. Ilang taon na rin simula noong may balita kami sa kaniya,”paliwanag nito, “Sana ay hindi ka galit dahil sa inaasta namin. I know we are so rude.” Mabilis akong umiling sa kaniya sabay ngiti, “You don’t need to worry. Hindi naman ako galit. Ayan din naman ang nasa isip ko. Hindi rin naman ako ganoon kababaw para pag-isipan kayo ng masama.” Tumango lamang ang mga ito at umiwas na ng tingin. Habang hinihintay namin na makapasok kami sa loob ng talon na ito. Hindi maalis sa isipan ko kung sino ang tinutukoy nila. Gusto kong malaman kung may kinalaman ba ito sa royalties o talagang kaibigan lamang nila at napadpad sa aming kaharian. Ngunit, wala namang ibang tao sa aming kaharian na kapareho ko ng pangalan kaya malabo rin na may napadpad nga roon. Hindi kaya ay namatay na ang hinahanap nilang tao? Well, kung pumunta ito sa aming kaharian. Malamang nangyari nga iyon. Lumipas an ilang sandali ay nakapasok na rin kami. Inilibot ko ang aking paningin nang bigla na lamang dumilim ang paligid, hindi naman nagtagal at bumungad sa akin ang isang napakagandang lugar. Halos bumagsak sa sahig ang aking panga dahil sa gulat. Sobrang lawak ng lupain at ang daming mga puno. May mga halimaw pa na lumilipad sa himpapawid na sobrang ganda. Isang malaking kastilyo ang naka-agaw pansin sa akin na nasa malayo. Sobrang ganda nito na aakalain ko talaga na isa itong palasyo. Hindi kaya, ayan ang kaharian ng Magiya? “Ngayon ka pa lang nakapunta rito, ano?” Tanong ni Athena sa akin. Ibinaling ko ang aking paningin sa kaniya at nakita itong nakatitig sa akin. Dahan-dahan naman akong tumango at muling inilibot ang paningin. Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko sa personal ang ganitong klaseng lugar. “Kaya naman pala,”ani nito sabay turo sa kastilyo na kanina ko pa tinititigan, “Kita mo iyan? Kung makakapasa tayo sa pagsusulit, diyan tayo mananatili ng dalawang taon para mag-aral.” Teka. What? Tama ba ang pagkakarinig ko? Diyan kami mag-aaral? Ibig sabihin, hindi iyan ang palasyo ng buong Magiya? Bakit ang ganda at ang laki naman yata ng paaralan nila. “Ang buong lugar na ito ay sa ating unibersidad lamang, ito ay tinatawag na Blue Blood University. Ang unibersidad ng ating mga Hari at Reyna noon,”paliwanag niya, “Hindi naman talaga ito ang paaralan ng Magiya noon, ngunit, nang dahil sa lumalala na ang kalagayan ng buong kaharian. Binuksan na ng mga Hari at Reyna ang paaralan na ito, maganda kasi ang training at ilang kagamitan na makikita sa loob.” “Bakit?” Tanong ko. “Anong bakit?” Tanong nito. “Bakit nila binuksan ang paaralan na ito kung para lang naman pala ito sa kanila?” Tanong ko, “May nalalapit ba na kaguluhan?” Gulat na napatingin sa akin silang lahat na para bang hindi nila inaasahan ang mga sinabi ko. Bakit kaya? Siguro naman ay wala akong sinabing masama o kaya ay sinabing mali, hindi ba? Kaya nga ako nagtatanong kasi wala akong kaalam-alam. “Wala ka bang alam tungkol sa propesiya?” Gulat na tanong ni Morris, “I mean, everyone knows about the prophecy!” “Baka may ilang tao sa Fyra na walang alam tungkol sa propesiya? We can’t blame them, they just want to live their lives peacefully,”depensa naman ni Athena. Propesiya? Anong propesiya? Bakit wala akong alam tungkol diyan? May alam kaya si Aris patungkol sa sinasabi nila? Kung wala, baka ito pa ang maging dahilan kung bakit kami matalo. Kailangan ko alamin ito upang sabihin sa kanila ang patungkol dito. Nang sa ganoon ay walang mangyari sa aming mga nasasakupan. “Well, sabagay,”saad nito, “Pero saka na natin pag-usapan ang propesiya na iyon kapag nasa tamang oras na. Sa ngayon ay ituon na muna natin ang ating atensiyon sa pagsusulit na ito. Sigurado akong mahihirapan tayo nito.” “Mahihirapan talaga,”sambit naman ni sino nga ulit ito? “I am Forrest by the way. I am sorry that I forgot to introduce myself.” “Anastaschia,”pagpapakilala ko. “Pleased to meet you,”sambit nito at ngumiti sa akin, “Mahihirapan talaga tayo sa pagsusulit ngayon dahil sa bukod na ang magha-handle ng pagsusulit ay walang iba kung hindi ay si Roro, ang naghanda sa mga pasulit ngayon ay ang Head Master.” “What the?” Sigaw ni Athena, “Hindi ako nag-aral dahil inakala ko ay madali lang. Sabi ni Ate ay basic magics lang naman daw ang kailangan. Bakit ang Head Master pa ang nag-abala?” “Alam mo na ang sagot sa tanong na iyan,”ani ni Morris at seryosong napatingin sa harapan. Nagbago rin ang ekspresyon ng mukha ng iba pa naming kasama at umayos ng tayo habang diretso lang ang tingin. Nagtataka man ay sinunod ko na lamang sila at tinignan ang mga taong naghihintay sa isang malawak na field. Pinapalibutan ang field ng napakaraming bulaklak at malalaking punong kahoy. May nakita akong maliliit na dragon na naglalaro sa field na labis kong ikinagulat. “Is that real?” Tanong ko sa kasama ko, “Ngayon pa lang ako nakakakita ng dragon.” Rinig na rinig ko ang mahinang pagtawa ni Athena sa aking gilid, “Huwag kang mag-alala, hindi iyan totoo. Marami ka pa talagang dapat malaman patungkol sa lugar na ito pero, isa lang ang masasabi ko. Hindi totoo ang mga dragon na iyan, mahihirapan ka sa paghahanap ng mga dragon sa mundong ito. Wala silang tiwala sa mga tao.” “Bakit?” Tanong ko. “Malalaman mo rin sa isa sa ating mga subjects, lalong-lalo na sa History of the Dragons,”saad nito, “Malapit na tayo. Mabuti na lang at naka-abot pa.” Lumipas ang ilang sandali at na nakarating na rin kami. Bumaba na kaming lahat sa ulap at naglakad patungo sa gitna ng field. Maraming tao rito, hindi ko na nga mabilang kung ilan kami. Lahat yatang nandito ay kukunin ang pagsusulit. Halatang-halata sa kanilang mga tayo ang karangyaan at kagandahan. Iba talaga ang hangin ng kaharian na ito. “Seems like lahat kayo ay nandito na,”biglang sabi ng isang lalaking may malaking katawan. Sobrang laki na ang braso nito ay kasing laki na ng aking katawan, “Bago tayo magsimula, gusto kong isulat niyo ang inyong mga pangalan sa papel na nasa inyong harapan.” Bigla na lamang may lumitaw na papel at quill sa harapan ko. Tinignan ko muna ang ibang tao rito bago ako nagsimulang magsulat. Anastaschia Rain Hindi ko alam kung bakit Rain ang pinapagamit ng aking mga magulang sa akin pero siguro naman ay may rason kung bakit ayan. Isa pa, nababagay lang din ito sa aking kapangyarihan. Tubig, rain. Pagkatapos kong isulat ang aking pangalan ay umayos ako ng tayo at bigla na lang nawala ang mga papel sa aming harapan. Tinignan ko ang malaking lalaki na nasa harapan na ngayon ay nakatingin sa akin. Gulat naman ako nang bigla na lamang itong tumango sabay ngiti. “Ako si Roro, ang inyong examiner ngayong araw,”pagpapakilala niya at inilibot ang paningin, “Siguro naman ay aware kayong lahat na walang epekto iyang mga tinatago niyong artifacts sa inyong katawan.” Natahimik ang lahat dahil dito. Artifacts? Para saan ang artifacts kung kukuha lang naman kami ng pagsusulit? “Hindi pa rin nagtanda karamihan sa kanila rito, ano? Ang tigas pa rin ng ulo. Sinabi na nga noon pa at sa sulat na walang magdadala ng artifacts. Alam naman nila na wala silang takas pagdating kay Roro. Ang talas ng mga mata niyan,”sabi ni Athena sabay iling. “Kahit ako, kung hindi lang ako confident sa kapangyarihan ko ay baka nagdala na rin ako ng artifacts dito,”natatawang sambit ni Forrest. “Mahina ka naman talaga. May pa-confident-confident ka pa na sinasabi riyan!” Angal ni Athena. “Manahimik ka na lang. Hindi ko kailangan opinyon mo!” Tugon naman ni Forrest. “Alam niyo? Bagay talaga kayong dalawa!” Pang-aasar ni Morris. “Manahimik ka!” Sabay na sigaw ng dalawa. Tumawa lamang si Morris dahil dito. Kahit ako ay hindi ko mapigilan ang mapatawa sa inaasta ng dalawa. Kung iisipin ay para talaga silang magjowang nag-aaway. “May tanong lang sana ako,”mahinang sabi ko na naging dahilan ng paglingon ng apat kong kasama. Kahit si Mark ay seryosong napatingin sa akin nang sabihin ko iyon, sa hindi malaman na dahilan ay bigla na lamang akong napayuko. “Ano iyon?” Nakangiting tanong ni Morris. “Bakit pala kakailangan ng Artifacts kung kukuha lang naman tayo ng pasulit? Hindi naman tayo lalaban ah?" Tanong ko sa kanila sabay kamot sa aking ulo. Hindi ko kasi talaga maintindihan kung bakit kailangan pa ng ganoong bagay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD