Club Day Habang nasa biyahe ay tahimik lang kami dalawa. He's holding my hand. Nakapatong ang kamay ko sa gear shifter habang nasa taas ang kanya. Kaya sa bawat paghatak niya rito ay nakakasama ang kamay ko. Napansin ko na nasa bayan na kami. Halos thirty minutes ang biyahe kung pupunta sa bayan. Lumiko ang kotse sa isang convenient store at hindi kalayuan ay huminto ito. I went outside his car when it stopped in front of a small house. Medyo may kalumaan na ang bahay at mukhang walang tao pero maganda ang tingkad ng pagkakatayo nito. Kulay puti ang pintura ng bahay at isang palapag lang. There's a gray gate and it has a small garage. Isang kotse lang yata ang magkakasya doon. "Whose house is this?" I asked without looking at him. "Dito nakatira dati sila Mama at Papa," Simpleng sag

