“YOU LIKE IT?” Tanong niya sa akin nang iharap niya ang isang magandang dress sa harapan ko. “M-maganda po.” Hindi ko alam kung bakit kami narito ngayon sa mall at namimili ng ilang damit na pang babae. Habang pinagmamasdan ko siya na mamili pa ng ilang damit ay naalala ko ang panaginip ko kagabi.
Damn it, Ciara! Umayos ka nga!
“Ciara?” Nagulat ako ng kaunti at ngumiti sa kaniya. “Opo, maganda!” Naningkit pa ang mata nito sandali. “I didn’t asked if its beautiful. I said, try it.” Saka niya ibinigay sa akin ang isang pale yellow simple dress. Sinuot ko iyon at pinagmasdan ang itsura ko sa salamin. Tila ngumiti ng tipid nang makita ko ang ganda nito sa katawan ko. Lumitaw ang kulay ko at mas naging desente ako tignan. Lumabas na ako sa fitting room nang ngumiti siya sa akin. “You look pretty, Ciara.”
“T-thank you, Sir Solo-”
“Solo. Just Solo, Ciara. Hindi ka nagtatrabaho ngayon.”
Tago ang ngiti ko nang kunin ko nang umalis kami sa loob ng boutique ni Solo. Hawak-hawak niya ang isang paperbag kung saan naroon ang suot ko kanina. Ayaw niya naman ipahawak sa akin, kaya hinayaan ko na lamang siya. “Kain na muna tayo,” yaya niya sa akin nang sumunod na lamang ako. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit ba kami nasa labas ngayon, pero isa lang ang nasa isip ko. Hindi kaya ay may gusto na siya sa akin? Siya naman ang humalik sa akin kagabi!
“Mukhang hindi ka kompotable ngayon, Ciara.” Nang makaupo kami sa isang resto. “W-wala naman po, Solo. N-nagulat lang po ako at niyaya niyo ako lumabas,” sagot ko sa kaniya. Kita ko naman kung paano siya ngumiti. Dumating ang pagkain na in-order niya at kasunod no’n ang pagtugtog ng isang musika mula sa resto. Lift your hand, baby don’t be scared…Nang tignan ko siya ay para bang nagkaroon ng mga ilaw-ilaw sa kaniyang paligid. Lumakas ang t***k ng puso ko nang mas lalo siyang ngumiti sa akin. Oh, God… mahal ko na ata ang lalaking ito. Hindi naman malabo mangyari iyon, dahil sa loob ng tatlong buwan na nakakasama ko siya sa mansyon ay wala akong ginawa kung hindi ang hanapin siya.
“Kain na, Ciara.” Saka niya ibinigay sa aking ang isang plato at hiwa-hiwa na ang steak. Lumunok lamang ang nagawa ko habang titig na titig pa rin sa kaniya. Paano ko sasabihin sa kaniya na gusto ko na siya? Napuno ang usapan namin nang masasayang ala-ala niya noong bata pa lamang siya. Pinakikinggan ko lamang siya at nakikitawa na rin sa mga kwento niya mula sa mga pinsan niya.
Matapos naming kumain ay naglaro na rin kami sa timezone at sumakay ng rides sa sea side ng mall. Halos lahat na ata nang masayang bagay ay nagawa namin ngayon dito. Kumain ng ice cream at umupo habang pinapanood ang araw na lumubog sa dagat. “Thank you, Solo.” Nilingon ko siya nang magpasalamat ako sa kaniya. “Para ka pong angel na dumating sa buhay ko. Nagbago ang lahat… naging masaya ako sa loob ng tatlong buwan at lahat iyon ay nang dahil sa ‘yo.” Pinagmasdan niya lamang ako.
“Pasensiya na rin po kung niyakap ko kayo kagabi.” Sunod ko at humingi ng pasensiya sa kaniya. “Ciara,” tawag niya sa pangalan ko. “I’m sorry if I kissed you without your consent.” Lumakas nanaman ang kabog ng dibdib ko. “I think, I like you, Ciara.” Para akong naninigas sa kinauupuan ko ngayon na bato. Nagpintig ang tainga ko sa mga sinabi niya. “I like you, Ciara.” Ulit niya pa.
“S-solo…”
“Sana hindi ka lumayo sa akin-”
“Gusto rin po kita, Solomon Isaac.” Buong pangalan niyang tawag ko sa kaniya. Umayos siya ng upo at animo’y hindi makapaniwala sa kaniyang narinig. “T-totoo?” tanong niya pa sa akin. Tanging tango na lamang ang nasagot ko sa kaniya nang hawakan niya ang pisngi ko. Parang nag-slowmotion ang lahat nang lumapat ang kaniyang labi sa akin. Dinala nanaman niya ako sa langit—gamit lamang ang kaniyang labi!
Simula nang umamin kaming dalawa sa isa’t-isa ay lagi niya na akong hinahalikan tuwing magkikita kaming dalawa sa mansyon. Kapag day off ko ay nadalaw kami kay lolo na hindi pa rin nagigising. Dalawang buwan na ang nakalipas sabihin niya sa akin na gusto niya ako. Ngayon ay limang buwan na akong nagtatrabaho sa Del Cantara.
“Mukhang laging maganda ang araw mo,” ani ni Senyor Joseph, nang makapasok ako ng kaniyang kwarto at inilapag ang pagkain nito. Ang apo niyo po kasi ang nagpapasaya sa akin. Lolo na rin po ba ang itatawag ko sa inyo? Tila masyado nang nalipad ang isip ko at mapangiti muli. “Kuhain mo nga iyon,” utos niya sa akin at itinuro ang isang libro. Kinuha ko iyon at ibinigay sa kaniya nang may ibuklat siya. Saka ko lang napansin na isa pala iyong photo album. “Ito ang asawa ko.”
Sinilip ko iyon at doon napansin ang isang magandang babae. “Kamukha mo po ni Solo-” Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang tumaas ang tingin nito sa akin. “Ni Sir Solo, Senyor.” Patuloy ko.
“Ayan ang sabi ng lahat, Hija.” wika niya at doon ipinakita sa akin ang iba-iba pang litrato hanggang sa dumating na sa paglaki ni Solomon. Nakita ko na rin ang iba pa niyang pinsan na masasabi kong gwapo rin. “S-sino po siya? Apo niyo rin po?” Turo ko sa isang babae na maganda na kasama ni Solomon sa litrato. “Iyan?” turo niya sa mukha ng babae. “Iyan si Karen,” sambit niya.
“Apo niyo rin po?” Ulit kong tanong sa kaniya nang umiling ito. “Gustuhin ko mang maging apo ang dalagang ito ay hindi ko naman mapipilit si Solomon.” Hindi ko alam kung paano ko iintindihin ang sinabi niya. Hindi niya apo ang babaeng si Karen na nasa picture? “Mahal na mahal ni Karen si Solomon, ngunit itong si Solomon ay ayaw kay Karen. Kaya naman nang umalis na si Karen dito sa Pinas ay ito namang si Solomon ang humabol sa kaniya. Huli na nga lang nang ayaw na ni Karen sa apo ko.” Mahabang paliwanag ni Senyor Joseph sa akin.
Pinagmasdan ko maigi ang babaeng iyon at sa ngipin pa lamang ay talo na ako. “Bakit parang lumukot ang mukha mo, Hija?” Tinignan ko si Senyor at mabilis na ngumiti. “Ay hindi po, ah! Na ano lang po ako… amaze!” Sinungaling ka, Ciara!
“Alam kong gusto mo ang apo ko, Ciara.” Natahimik ako sandali sa sinabi nito. “Nakita ko sa mata mo at sa mata ng apo ko. Kung paano ka niya hanapin sa akin. Alam mo, Ciara. Mabait ang apo ko at sasabihin ko sa ‘yo na bilang na lamang ang lalaking katulad niya. Iba magmahal ang apo ko, Hija. Sinisigurado niya munang gusto niya talaga ang isang babae bago niya sabihin ang nararamdaman nito. Kaya niyang ibigay ang mundo nito sa ‘yo.” Hindi naman nagkakamali ang lolo ni Solomon. Totoong ginawa niya ang lahat. Natapos ang usapan naming dalawa ni Senyor Joseph pati na rin ang shift ko sa kaniya nang palitan na ako ni Ate Rosa.
Sa mga sinabi ng lolo niya sa akin ay doon ko napagtanto kung paano kaseryoso sa akin si Solomon. Nakita ko ang aking orasan nang sa mga ganitong oras ay naggagatas na si Solo. Bumaba ako agad para dalhan siya ng gatas sa office niya. Ngunit pagdating ko roon ay wala siya.
“Hinahanap mo ba ako?” Agad akong nagulat nang makita ko siya na pababa sa hagdan. “Kanina ka pa po nakauwi?” Tanong ko sa kaniya nang tumungo naman siya sa akin. Bumaba na rin siya at tinignan ang dala-dala kong gatas para sa kaniya. “Yes…” sagot niya. Tinuro niya ang hawak ko at inabot ko naman iyon sa kaniya. “Para sa ‘yo naman ‘yan. Dinalhan kita.” Ngumiti ito sa akin nang kunin niya iyon at hawakan ang kamay ko.
Pinasok niya ako sa loob ng office nito. Walang pumapasok sa isip ko kung bakit niya ako dinala rito. “S-solo…” tawag ko sa kaniya nang isarado niya ang pintuan. Pinagmasdan ko siyang uminom ng gatas. Inubos niya iyon nang walang hinto at nang ibigay niya sa akin ang baso ay agad akong natawa. “M-may gatas ka pa sa labi.” Turo ko sa labi niya.
“Naggatas ka na ba?” tanong nito sa akin nang umiling ako. “Bibigyan kita,” ani niya nang lumapit siya sa akin at doon niya ako salubungin nang halik nito. Halik na hindi katulad nitong mga nakaraang buwan. Itong halik na ito ay banayad at naggagantihan kami ng halik. Halos kaliwa-kanan kung gumalaw ang parehas naming ulo mula sa halikan namin ngayon. Ngunit nawala ako sa aking wisyo nang maramdaman ko ang paghawak niya sa aking dibdib. Parang sa panaginip ko lamang!
“S-solo…” Pigil ko sa kaniya. Kumawala naman siya sa halik at pagmasdan ako. “S-sorry.” Paghingi niya ng pasensiya sa ginawa niyang paghalik. “A-ayos lang naman. Kinikilig kasi ako.” Sandali lamang nang marinig ko siyang tumawa. “Ang saya-saya ko simula nu’ng dumating ka, Ciara. Maraming salamat at dumating ka sa buhay ko.” Tila pumatak ang luha ko nang sandaling marinig ko ang mga sinabi niya. “I love you, Ciara. Handa na akong gawin lahat ang gusto mo. Mahal mo rin ba ako?” Tanong nito sa akin.
“Kung alam mo lang, Solo. Kung alam mo lang kung gaano kita kamaha-” Ngunit siniil nanaman ako nito ng halik. Isang mapusok at mainit na halik ang binigay nito sa akin. Kasunod no’n ang hindi ko na namalayan na paghawak niya sa aking dibdib. Tila binibilog niya iyon habang patuloy pa rin siya sa paghalik sa akin. “Ohhh, Solo!” ungol ko sa kaniyang pangalan.
Huminto siya sa kaniyang paghawak sa aking dibdib at lumayo. “f**k! I’m sorry, Ciara. Ayokong isipin mo na-”
“Gusto ko ang ginawa mo, Solo. Gawin mo ang gusto mo at ibibigay ko ang sarili ko sa ‘yo. Handa akong ibigay ang sarili ko sa taong mahal ko.” Ibinigay ko ang aking blessings sa kaniya nang kagatin niya ang labi nito. Tila bago pa man ako makapagsalita pa muli ay hinalikan niya na ako agad. Kasunod no’n ay ang paghubad niya ng damit sa akin.
Halos parehas kaming dalawa ay wala nang saplot na nakatayo lamang sa likod ng pintuan at naghahalikan. Napupuno ng ungol ang office niya at walang humpay na paghalik nito sa aking mayaman na dibdib. Ngunit ilang sandali pa lamang ay pinatalikod niya na ako sa pintuan at doon ipinasok ang malaki nitong ari.
Tulad sa aking panaginip ay hindi ko akalain na mas masarap pala gawin ito sa taong mahal mo. Habang malupit ang kaniyang pagbayo ay lumalakas ang ungol ko. Mabilis niya akong bayuhin nang sa ilang saglit pa ay nakaramdam ako ng mainit na likido sa pagitan ng aking hita.
“Ciara…” bulong niya sa aking tainga, habang parehas kaming dalawa na naghahabol ng hininga. “Thank you for this.” Halik niya sa ulo ko nang buhatin ako nito at dahan-dahan na inupo sa swivel chair nito. Wala akong saplot at ganoon din siya. Hindi ko akalain na makikita ko ang malaki niyang ari sa harapan ko na nasa panaginip ko lamang nakita. Malaki iyon at mataba… tuli rin siya.
May kinuha siyang tissue sa desk niya. Nanginig ako sandali nang lumuhod siya sa harapan ko at doon pinagbuklat ang hita ko. Ang akala kong kakainin niya ako ay nagkamali ako. Pinunsan niya ang kaniyang katas na tumutulo na sa hita ko. “Ciara, alam kong mabilis ito. Alam kong nabibigla ka sa gagawin ko. Please, marry me.” Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. Agad-agad?
“Naputok ko sa loob, baby.” Mahina niyang tugon nang ngumuso pa ito, habang nakaluhod sa katawan ko at parehas pa kaming walang saplot. “Pasensiya ka na kung hindi ako magaling. First time ko ito.” Iwas niya ng tingin sa akin at kinamot ang ulo nito. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
Ako ang una niya?
Hindi ko lubusang maisip na ako ang nakauna sa kaniya. Samantalang ako ay… ayoko na lang alalahanin. “Ciara, kailangan mo ako pakasalanan. Kailangan kitang panagutan sa ginawa ko.” Hindi ko mapigilang maiyak sa harapan niya. Napakaseryoso niyang tao. “P-pero hindi mo pa ako lubusang kilala, Solo. Marami akong nagawang mali na hindi mo alam.” Hinawakan niya ang kamay ko at sandaling pinunasan ang luha ko.
“I don’t read books backwards, Ciara; my love is enough to trust you.” Umiling ako sa sinabi niya. Baka kapag nalaman niya ang totoo ay iwan niya ako. “Madilim ang nakaraan ko, Solo. Hindi mo alam kung gaano ako makasalanan. Masasaktan ka lamang sa akin-”
“I don’t care about your past. What matters is that I love you today and tomorrow, Ciara.” Ngiti niyang sambit sa akin. “That’s the most important thing to me,” sunod niya pa at doon ako muling pinatakan ng halik sa labi.