ELLA’S P.O.V Magkaharap kaming tatlo nina Charlene at Andrie sa isang mesa. Matapos makaalis ang matapobreng babae ay nag-usap kami dahil nais malaman ni Andrie kung paano kami nagkakilala ni Charlene. Magiliw naman na nakikipag-usap si Charlene sa akin. Sabik kami sa isa't isa matapos ang isang taong naming pagkakilala noon. Halos makalimutan na namin si Andrie na nakikinig sa amin. Panay ang tanong ko kay Charlene kung kumusta na ang anak na si Cheska. Aliw na aliw kasi ako sa batang iyon. Kaya pati ito sabik ko rin na makita. Siguro nga dahil wala akong kapatid o pamangkin na maliliit kaya ganoon na lang ang pagkahilig ko sa mga bata. "Hey, paano nga ba kayo nagkakilalang dalawa?" takang tanong ni Andrie. Hindi niya alam kung bakit magkakilala kami ni Charlene. At hindi ko r

