NAGISING na lang si Azrael na nakaupo habang may benda ang mga sugat niya. Nang inilibot niya ang mga mata ay nasa loob siya ng sasakyan. At rinig na rinig niya mula sa loob ng sasakyan ang putukan na nanggagaling sa loob ng gusali di kalayuan sa kanya. Ilang oras ba siyang nakatulog at hanggang ngayon hindi pa sila natatapos? Sino rin ang nagdala sa kanya sa loob ng sasakyan at naggamot sa mga sugat niya? Wait. She remembered na dumating yong babaeng naka all black outfit, si Kitty Brianna at iniligtas sila nito sa bingit ng kamatayan. Ang hindi lang niya maintindihan ay kung paano nalaman nito kung saan sila ngayon? At bakit ito naparito? Hindi ba nagtraydor na ito sa grupo? Anong ginagawa ng isang traydor dito? Sino na naman kaya ang papatayin niya matapos niyang patayin sa harap

