MABILIS siyang nakarating sa hospital ng makatanggap ng tawag mula sa isang tauhan na nagbabantay sa ama niya. Gising na daw ang daddy niya. And she's excited to see him. Madami siyang dapat ihingi ng tawad dito. At hindi pa huli ang lahat para itama ang mga nagawa niyang pagkakamali at mga masasakit na salita sa ama. Hindi man siya sanay na magsabi ng sorry pero iyon ang gagawin niya. Hihingi siya ng kapatawaran sa ama dahil iyon ang tama. Nagpakawala muna siya ng malalim na buntong hininga at may ngiti sa labi bago binuksan ang pinto kung saan nandon ang daddy niya. Good thing wala doon ang mga asungot na mag-ina. Sabi ng tauhan niya kanina pa daw hindi nagpapakita ang mga pesteng iyon sa buhay nila ng daddy niya. Pagkabukas niya ng pinto ay napako siya sa kinatayuan. Para siyang

