Sinubukan kong magpumiglas nang maraming beses ngunit sadyang mahigpit ang pagkakatali sa akin. Nakaupo ako ngayon sa isang bangkuan at nakatali sa likod ang aking dalawang kamay, maging ang dalawa kong paa ay ganoon din. Nilagyan nila ako ng panyo sa bibig ngunit hindi nila tinakpan ang aking mata kaya't malaya kong nakikita ang paligid ng kinaroroonan ko. Isa itong malawak na basement. Based sa itsura ay mukhang abandoned na ito, hindi ko lang alam kung basement ng ano ito. Walang tao sa paligid nang magising ako at hindi ko alam kung gaano na ako katagal na walang malay. Maliwanag sa labas. Nalaman ko ito dahil sa maliliit na bintana sa itaas malapit sa kisame. Ramdam ko ang pagpatak ng pawis mula sa aking noo. Masyadong mainit ang lugar na ito. Damn it! Bakit ba ako nalagay sa ganit

