My Not So Secret Fiance
SA ISANG BABY CRIB NAKATUNGANGA ang isang batang babae namay isang taon pa lang, nakakapit sa gilid na railings ng crib, pilit na tumatayo at inaabot ang maliit na rattle na hawak-hawak ng isang may walong taong batang lalaki. Nagbe-baby talk ang batang lalaki, mukhang giliw na giliw sa reaksiyon ng maliit na baby na may manipis na buhok na tinali sa ribonette. “Baby, baby, kunin mo to ohh. Waahhh!”
Tumawa ang baby, lumabas ang may dalawang iping maliit na nasa gitna. Inilapit ni William ang rattle, at makukuha na sana ng kamay ng bata ng bigla nitong bawiin. “Waaah!” Mukhang hindi nakuha ang gusto napa-atungal ang bata. Nabitiwan ng dalawang palad ang railings at dahil hindi pa masyadong makatayo ay napahiga pabalik sa crib. Akala ni William, iiyak lang doon ang bata, ngunit parang nagulat lang ang bata, tumigil sa pag-iyak at pagka’y gumapang ulit.
Napapunta sa gilid at pagka’y unti-unting tumayo gamit ang suporta ng railings. Nagtaka ang batang si William, at pagka’y parang nanggigil ay inulit ang ginawa kanina. Sa pagtataka niya, hindi na ito umiyak, sa halip, ay parang pinapanuod siya ng maliliit na mga mata nito, ngumiti ito at tumawa.
“Walong taon lang naman Amy,” higop ng kape ni Antonette, nasa veranda at nakatuon ang mata sa glass panel kung saan makikinita ang baby crib ni Jasmine. Pawang mga lawyer ang mga asawa nila, at mag-bestfriend rin ang mga asawa nila Law School pa lang noon.
“Eh’ torpe kasi si Sam, ang tagal nag-propose sayo eh!”
“Torpe nga,” amused na tawa ni Amy, may trenta na ang edad, naalala ang kapanahunan nila noong kolehiyo pa sila. Tuwing nanliligaw si Arthur kay Antonette, lagi nitong alalay si Sam, kaya napipilitan silang mag-partners noon, kasi strikto parents ni Antonette, hindi nakakalabas ng walang bodyguard. Siya ang in-a-alibi noon, ke daw mamamasyal daw sila o gagawa ng project.
Anim na taon na si William, anak ni Antonette at Arthur ng unang magpakita ng motibo si Sam kay Amy. Humigop ng kape si Amy, tsinek ang anak ni Antonette na mukhang giliw na giliw na kalaro si Jasmine. “Actually, hindi ba’t isa sa mga pangarap natin noon na kung may anak tayo, sana’y maipakasal sila sa isa’t-isa, parang ang saya ano? Legal na tayong magkapamilya?”
“Kung ganoo’y tatawagin na ba kitang Kumadre?”
“Gu-gusto mo bang ipagkasundo natin ang mga bata?” maang ni Amy.
Napakibit-balikat lamang si Antonette, ngunit napangiti. “Sasabihin ko kay Arthur mamaya, sasabihin na naman nung wala na naman akong mapaglaanan ng oras ko. Pe-pero aminin na natin Amy, gusto naman natin yun hindi ba?”
Napangiti narin si Amy, “Matatawa na naman si Sam sa pinaplano natin!”
FIFTEEN YEARS LATER
PUTING-PUTING CORSET WEDDING GOWN NA MAY long terrain veil na humahalik sa red carpet sa likod, napakaganda niya, kumikinang sa backlight ng sinag ng araw, habaang nakaayos ang buhok niya sa tiara diamond beaded head piece niya. May Hymnal choir, palapit na siya, palapit ng palapit sa nakangiting iyon, sa napakaguwapong groom na suot-suot ang itim na tuxedo…
“I do…” halinghing niya at kumibot ang labi, mataas na mataas yung kibot ng labi. That guy’s head bended at mas ikinibot niya ang labi. May humalik sa kanya, malakas.
Hmmm. Plak! Umulit yun, pero masakit na. A-aray ko po!
Napadilat si Jasmine sa palibot ng malakas na tawanan ng mga kaklase niya. Nakadikit sa nguso niya ang dulo ng isang mahabang ruler. “Miss Ferrer! Senior ka na, pero mukhang day one ay plakadong-plakadong valedictorian ka na sa pagtulog at pag-de-daydream!”
Kukunot-kunot na naman tong face ni Miss Minchin! Kasi naman, pati sa bangungot ay wala ata kasing mayplanong humalik dito.
Napasimangot si Jasmine at biglang inayos ang mahabang buhok na may ilang strands na nakadikit sa gilid ng labi niya, mukhang nadikit dahil sa laway. Kinalabit siya ng nasa gilid niyang si Nichola.
Ano ba naman itong bestfriend ko?! Hindi ako ginising.
“Sorry, nag-de-daydream rin kasi ako. Nagsusulat ako ng lovestory niyo ni William-“bulong nito, itinaas ang isang may feathers na ballpen.
“Ms. Ferrer, tumayo ka! Sagutin mo yung equation sa blackboard, within one minute, dali!”
Kumibot ang labi niya. Ang malas naman oh! Napatitig siya sa blackboard. Ting! Wala. Ba’t kasi titig siya ng titig kay William kagabi sa Wedding anniversary celebration nila Tita Antonette. Halos macaroni lang kinain niya kakatunganga sa lalaki, pero yung macaroni tidbits na lang nginunguya niya, wala pa kasi sa ngipin niya eh’ wasak na ng tinidor niya, dinudurog niya ng tinidor habang nalipat yung tingin niya kay Amber, bestfriend ni William na daig pa ang haliparot sa pagbulong-bulong sa lalaki. Ayaw sana siyang ipasama ng Mama niya, pero sinabi niyang nalipat ng sched ang Exercise exam nila sa Math.
Ang sagip niya, ngayong tapos narin ang Masteral ni William na kinuha nito matapos grumadweyt ng ilang taon na ang nakakalipas noon, binibingwit na ito bilang panibagong propesor sa University kung saan ito grumadweyt rin bilang Summa c*m Laude. Ang pagkakaalam niya…Grumadweyt si William sa…
Waaaaah! Napatayo siya. Napatili. Alam na niya! Magko-kolehiyo siya kung saan ito magtuturo! Ang galing-galing talaga niya!
Magte-take siya ng Entrance exams sa University na yun!
Napatitig siya ulit sa blackboard.
Medyo may kahinaan pala utak niya. Hindi siya papasa ever, sa University na yun! Napatili siya ulit sa harap ng titser nila ng ma-realize yun.
Umatungal ng malusog na tawa ang buong klase. Napatigil lang ng mapataas ng kamay si Darren, ang maangas na bad boy ng seksyon nila at knight-in shining armour niya.
“Ma’am! Sasagutin ko na lang po ang equation para kay Jasmine-“ maangas nitong anunsiyo sa klase. Napasipol ang mga fans nila.
Ang asungot! Nakikialam na naman!
Infairness, kahit mukhang kahit gabi-gabi ay nakikipagsuntukan ito sa kung saang abandonadong warehouse ay lumalabas na ito parin ang pinakamataas sa mga exams, Valedictorian nila saklase. Ang tsismis, genius daw talaga itong si Darren, Promil kid ika nga, talagang naduslak lang talaga sa paglaki ng ulo nito at mukhang nagoyo ng mga kabarkadang pasaway.
Wala pang isang minuto, puno na ng equation ang buong blackboard, naghiyawan ang lahat, pwera sa titser nila. “Ms. Ferrer, mabuti’t may tagapagligtas ka ngayon, pero sigurado ka bang ga-gradweyt ka sa haiskul? Sigurado ka bang papasa ka sa final exams?!
Eh, nagpapatawa pala itong tiser na ito? Binugahan niya ng hangin ang bangs niya. Ga-gradweyt ako. Oo, ga-gradweyt ako dahil kelangan kong magkolehiyo!
“Tsupe! Darren, akin na yan!” inagaw niya ang libro niya sa Physics na di naman niya binabasa. Palamuti lang sa locker niya.
“Sinabi ko naman diba, pwede mo kong i-hire na tutor. Libre yun. Walang bayad, aminin na natin Jasmine, kelangan mo ko.” Napatawa ito. Napakamot sa ulo, matangkad ito, moreno at may mga tatlong piercing sa tenga. He looked brooding and carries his signature foxy smile, ibang-iba kay William. Hindi niya alam kung anong nakita ni Darren sa kanya, siguro, siya lang kasi ang hindi nahuhulog sa mga pampapakyut nito, at bukod sa bestfriend niyang si Nichola, siya lang ang hindi naaapektuhan sa galaw nito.
Hindi naaapektuhan, kasi obvious naman, may laman na itong musmos niyang puso, at kahit rolyohan pa siya ng mata ng iba, may gusto na siya kahit noong nagsimula pa siyang rumecite ng ABCD. Si William. Ang secret fiancé niya.
Oo, fiancé niya. Alam niya, bata pa siya noon, mga Grade five ng hindi niya sinasadyang marinig ang usapan ng mga magulang niya sa kusina, hatinggabi na iyon at lihim siyang bumaba para magnakaw lang ng ice cream sa ref. Ayun, may usapan na pala ang dalawang pamilya na baka raw ipagkasundo silang dalawa pag nasa tama na silang edad, pero lumaking matalino si William at umaarangkada sa academics, kaya’t ayaw munang istorbohin o takutin nila Tita Antonette. Narinig pa niya ang mommy niya na kung may mamanugangin man lang daw ito, pangarap nito na si William na iyon. Bawat bisita ni William noon sa bahay nila, mapa-pasko o New Year o birthday niya, puring-puri ito ng mama niya.
Noong una, siguro nung Grade one pa lang siya, naaalala niya noon na parang asong ginugulo pa ni William ang buhok niya pag binibigyan siya nito ng malaking lollipop. Pero ng lumaon, parang anlaki na ng pinagbago nito, lalo na nung naging bestfriend nito si Amber, nung minsan ngang bumisita si William, dala dala na nito si Amber. Napalapit pa noon sa kanya ang dalaga, sinabing ang ‘kyut’ niya daw at inutusan siyang tawagin daw itong ‘ate’.
Never! Ikaw kaya mag-ate sakin?! May isang taong tanda si William kay Amber, kaya’t magiging ate narin siya pag asawa na niya si William. Gusto na niyang lumaki, gusto na niyang mag-debut. Gusto na niyang tingnan siya ni William bilang dalaga. Gusto na niyang bumilis ang oras, kasi noong malaman niya ang plano niya, wala na siyang inisip kundi kelan siya madadapuan ng pansin ni William.
Kaya pinagbuti nga niya ang sarili niya. Hindi nga lang sa academics o para sa pansarili niya. Lahat ng cookbooks binabasa niya, may skill rin naman siya kahit papano at yun na nga, pagluluto at paglilinis ng kuwarto niya, lahat ng Health and Home Section sa mga bookstores at magazines tungkol sa relationships magiliw niyang binabasa. At lahat yun, paghahanda para sa taong pinapangarap niya!