PART 6

939 Words
"Demonyo! Demonyo ka kung sino ka man! Hayup! Bakit ang anak ko pa na walang kamuwang-muwang?! Hayup ka! Mamatay ka sana! Hintayin mo ang iyong karmang hayup ka!" malakas na malakas na paulit-ulit na sigaw ni Aling Vergie. Umaalingangaw ang boses niya sa bakuran nila kaya dinig na dinig siya kahit ng mga malalayong kapitbahay nila. "Ey! Ey!" Umiiyak naman si Erlie. Siguro ay dahil nakikita nito ang ina na labis-labis ang iyak kaya nadadala rin ito. Minsan ay parang may isip pa ang dalagita na niyayakap ang ina. Na parang pinipigil nito ang ina sa pagwawala. "Hindi ka patatatahimikin ng konsensiya mong gag* ka! Sana sa semento mo na lang kinaskas 'yang p*tang ina mong libog na 'yan! Hayuuuuppp kaaaaaa!!" Subalit 'di talaga mapigilan ni Aling Vergie ang matinding galit. Sumabog na talaga siya. Napakahirap ang kalagayan ni Aling Vergie dahil hindi niya alam kung kanino siya magagalit. Hindi niya alam kung kanino niya ibubuhos ang sama ng loob. Sapagkat kahit ang mga pulis na nag-imbestiga sa kaso ni Erlie ay walang nagawa. Ang sabi'y ang tanging pag-asa raw para maipakulong ang gumahasa sa dalagita ay isang saksi. Subalit walang sino man ang nagsalita kung may nakakita sa ginawang panghahalay kay Erlie, walang nakakita, walang saksi. Gulat na gulat nga ang lahat nang kumalat ang balita na ginahasa raw dahil buntis daw ang special child na anak ni Aling Vergie. "Diyos ko, kahit ako man ay magwawala talaga kung anak ko si Erlie. G*gong lalaki kasi 'yon kung sino man siya," saad ng isang ginang na awang-awa sa pinagdadaanan ngayon ng kapitbahay nilang si Aling Vergie. 'Di nito napansin ang asawa na parang hindi mapakali sa isang tabi. 'Di nito alam na isa ang asawa nito sa lumapastangan sa dalagita. "Tahan na, Vergie! Tahan na!" pag-aalo nang naglakas-loob na isa ring ginang na lumapit at nakisimpatya sa nagwawalang si Aling Vergie. "Hayup siya! Hayup siya, Maria! Bakit ang anak ko pa?! Bakit?!" Yumakap si Aling Vergie sa ginang na iyon. Ragasa ang luha niya sa mga mata. Ang sakit-sakit ng pakiramdam niya. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. "Tahan na. Kumalma ka. Baka kung mapa'no ka. Hayaan mo na ang Diyos na magparusa kung sino man ang gumawa niyan kay Erlie. Ipagpasa-Diyos na lang natin ang lahat, Vergie." "Mamatay siya! Mamatay sana siya!" Subalit patuloy pa rin ang iyak ni Aling Vergie. Masama talaga ang loob niya. Hindi niya matanggap ang ginawa nila kay Erlie. Sa kasamaang palad kahit anong kagustohan ni Aling Vergie na parusahan o papanagutin ang gumahasa sa anak niya ay wala siyang nagawa. Wala kasi talagang paraan daw kung paano makikilala ang rapist. Sinubukan ulit ng mga pulis na imbestigahan ang nangyari sa request nila ni Aling Agnes. Ngunit sa pangawalang pagkakataon ay bigo pa rin ang mga pulis. Wala pa rin silang nakalap na impormasyon para magdiin kung sino ang rapist. Kaya lumaki na lamang ang tiyan ni Erlie na hindi pa rin nakukulong ang gumahasa rito. "Huwag, Erlie! Huwag mong paluin ang tiyan mo! May baby ka riyan!" saway ni Aling Agnes sa pamangkin. Simula lumaki ang tiyan ni Erlie ay panay na ang pagbisita nito sa bahay ng pinsan. "Paano na, Agnes? Paano kapag nanganak si Erlie? Alam kaya niya ang gagawin niya?" Puno ng pagkabagabag ang dibdib ni Aling Vergie dahil ngayon pa nga lang ay hirap nang ipaintindi sa dalagita ang pagbubuntis nito. Kung wala sila na laging tumitingin nga ay baka nalaglag na ang bata sa sinapupunan ni Erlie. Kasi andiyan 'yong nagtatalon pa rin ang dalagita at nagtatakbo dahil sa paglalaro. Minsan nga ay nadulas ito pero buti na lang at makapit ang bata sa sinapupunan ni Erlie. "Magdasal tayo na kakayanin niya, Vergie. Magdasal tayo." "Sana nga makayanin niya, Agnes." Sa pagtutulungan ni Aling Agnes at Aling Vergie ay napangalagaan nila ang magiging apo nila sa sinapupunan ni Erlie. Mahirap. Napakahirap talaga dahil hindi naman nila makuntrol ang isip ni Erlie. Pero ginawa nila ang abot ng makakaya nila. Kaya no'ng malapit na ang kabuwanan ng dalagita ay excited na ang dalawa na makita ang apo nila. Kahit paano ay nakalimutan nila konti ang sama ng loob sa lumapastangan kay Erlie. Gayunman pinagdadasal pa rin nila na sana mahuli pa rin kung sino man ang rapist. "Talaga po?! Aba'y ipapadala ko na pala ang mga pinamili kong gamit ng baby, nay. Para kapag nanganak na si Erlie ay magamit niya agad." Si Gina, magkausap sila ni Aling Vergie sa telepono. Ito man ay excited na rin na makita ang pamangkin kahit na galit na galit din ito noon. Muntik pa nga itong umuwi noon pero pinigilan lang ni Aling Vergie. "Mabuti pa nga, anak. Kasi baka hindi na abutin ng katapusan ang panganganak ng kapatid mo." "Sige po, nay. Sa day off ko. Ipapadala ko na. Kumpleto naman na po ito." "Salamat, Gina... anak." "Walang ano man, nay. Saka, nay, alam ko na kung ano'ng ipapangalan natin sa bata. Babae siya 'di ba?" "Ano'ng ipapangalan natin?" "Ronalie, nay! Di 'ba ang ganda? Katunog po sa pangalan ni Erlie." "Maganda nga!" Natuwa si Aling Vergie dahil kahit sa pangalan niya ay katunog sa pangalan ng magiging apo niya. Hindi nga nagtagal ay iniluwal na ni Erlie si Baby Ronalie. Naging mahirap man sa dalagita ang pagle-labor ng normal ay awa ng Diyos nailuwal nito ng maayos ang sanggol na pinangalanan nga nilang Ronalie. "Ang cute ng baby mo, Erlie! Ang cute ni Ronalie!" maluha-luhang saad ni Aling Agnes. Ito agad ang unang kumarga sa baby nang maayos ito ng nagpaanak. Sapagkat natulala na sa sobrang kasiyahan si Aling Vergie nang masilayan ang panganay na apo niya.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD