Chezca Katatapos lang naming maghapunan at parehong narito na kami ni Chin sa kuwarto namin. Hindi pa naman ako inaantok kaya kinuha ko na lang ang cellphone ako at nag-online. Bigla naman ako kinausap ni Chin, nakangiti itong naupo sa tabi ko. "Twinny, palagay mo tama lang na bigyan ko nang chance si Keve? These past few days kasi, natutuwa na ako sa mga ginagawa niyang effort at sa mga gifts na binibigay niya sa 'kin. Lahat nagustuhan ko," masayang niyang kuwento sa sa 'kin. Talagang tumalab nga ang mga efforts ni Keve. "Talaga? Eh, 'di ayos 'yan!" pinasigla ko ang boses ko para hindi niya mahalata na hindi talaga ako gaanong masaya. Alam ko naman na gumaganda na ang samahan nilang dalawa pero iba pa rin pala ang dating kapag sa 'yo mismo sinabi ang katotohanang 'yon. "Oo, hindi

