Nang makapasok na silang dalawa ay hindi mapigilan ni Chezca ang ma-excite pa lalo dahil gustong-gusto niya talaga magpunta sa Ocean Park simula pa ng mga bata pa siya ni Francine. Nasa seaside na nakaupo sina Keve at Chezca, napagod na ein si Chezca kakalibot sa kung saan kaya ginusto na lamang niyang namatili do'n at sumang-ayon naan si Keve. "Alam mo Keve, kung nahahalata mo ay malayo ang mga hilig namin ni Francine. Ayaw kasi no'n maingay, pero kapag ako ang nangulit sa kan'ya ay wala soyang magagawa dahil hindi ko siya titigilan," natatawang kuwento ni Chezca kay Keve na nakikinig na lamang rito. "At ito pa! Mahilig siyang magbaked lalo na mga sweets na 'yan pero kung pakakainin mo siya niyan ay hindi siya mahilig, ang ending ay ako ang palaging lumalantak sa mga niluto niya," naa

