Kinabukasan ay sinag ng afaw ang gumising sa 'kin, bukas na kasi ang bintana sa kuwarto namin ni Chezca, nang tingnan ko ang orasan ay alas otso na nang umaga. 'Hala! Tanghali na ako nagising.' Wala na si Chezca sa tabi ko kaya agad naman na akong bumangod at nagtungo sa bathroom upang maligo na. Nang matapos na ako ay nagsuot lang ako ng sipleng bistida tsaka na lumabas ng kuwarto at bumaba na. Siguradong tapos na silang mag-almusal at ako na lamang ang hindi pa kumakain. "Good morning!" Masiglang bati ko sa lahat. Pero wala namang tao. 'Nasaan kaya sila?' Nakarinig ako nang mga boses sa labas na galing sa pool area kaya nagtungo na ako do'n. Nado'n sina mommy, daddy, at Chezca. Mukhang magsu-swimming sila. Napansin naman ako agad ni Chezca kaya tinawag ako nito agad. " Twin! G

