Chapter 5 - HOPE

1405 Words
First day of school kaya maagang pumasok sina Chezca at Francine. Excited silang pareho kaya nang makarating sila sa university ay agad na rin naman silang naghiwalay at nagtungo na sa kan'ya-kan'yang department. "Twinny, kita kit's na lang mamaya. See you around?" ani ni Fracine bago sila maghiwalay ni Chezca. "Okay, take care," tugon naman nito sa kapatid. "Bye!" At sabay na silang tumalikod. Habang naglalakad si Chezca ay tanaw niya sa 'di kalayuan si Keve, may kamasa ito at pawang nag-uusap sila. Nang makalapit na siya ay lalagpasan na sana niya ang mga ito nang bigla siyang tinawag ni Keve. "Franchezca, wait!" Napalingon naman si Chezca rito. "Ahmmn..inaabangan talaga kita dito, puwede ba kitang makausap?" Napapakamot pa ito ng ulo habang sinasabi 'yon kay Chezca, halatang nahihiya. "Oh, sure. Ano ba 'yon?" tanong naman ni Chezca. Napapaisip siya kung bakit gusto siyang at gusto niya rin malaman. "Brow, excuse lang ha," paumanhin nito sa kausap. "Chezca, alam mo namang nililigawan ko si Francine 'Di ba? Puwede mo ba akong tulungan sa kan'ya kung sakali?" Nagsalubong naman ang kilay ni Chezca sa sinabi ni Keve. "What do you mean, na tulungan kita?" mang tanong naman ni Chezca kahit na, nahuhulaan na niya ang ibig nitong sabihin. "'Yong ano. Ahmmn..parang tulay, gano'n!" nag-aalangan na tugon nito. "Asus! Bakit mo naman gusto maging tulay, ako? Hindi mo ba kayang manligaw mag-isa? Tsaka 'wag na, uy! Mamaya magalit pa sa 'kin 'yong kakambal ko, eh!" tahasang sagot nito kay Keve. "Exactly! Kaya nga gusto ko sanang tulungan mo ako kasi, mas ikaw ang nakakakilala sa kan'ya, eh!" talagang nagpupumilit ni Keve sa pakiusap nito kay Chezca. "Aba'y natural! Capital T. W. I. N. Kambal! Kambal kami, magkapatid kami, kaya kilala ko talaga!" Naiiritang tugon nito kay Keve. "Exactly, exactly. Your face!" 'Yon lang at tumalikod na ito. "Feeling...sa ganda ko'ng 'to! Gagawin niya lang tulay, mukha ba akong tulay?" Habang naglalakad itong kumikibot-kibot ang bibig ay nasalubong na niya sina Stacey at Jallesa, ang dalawang best friend niya. "Oh! First day of school, bakit mukhang first day of holy week 'yang mukha, mo?" Natatawang sabi ni Jallessa rito. "Paano kasi si Keve. Ang aga-aga sinira ang araw ko! Gusto raw niyang gawin akong tulay sa kanila ng kakambal ko! Mukha ba akong tulay? 'Tong ganda ko'ng 'to?" Sabay turo sa mukha nito. Nagtawanan naman sina Stacey at Jallessa sa sinabi ni Chezca. "Best, gets mo ba 'yong tulay na ibig niyang sabihin?" tanong naman ni Stacey kaya napabaling siya sa kaibigan. "Ano ba kasi 'yon? Ang sabi niya kasi sa 'kin kaya raw ako ang gusto niyang maging tulay dahil mas kilala ko si Francine. Aba'y g*g*! Natural Kilang-kilala ko, kapatid ko 'yon, eh! Maski nga utot no'n kilala ko!" dagdag pa nito. "Ewww! Kadiri ka!" maarteng ani naman ni Stacey. "Ganito kasi 'yon, best. Ang gusto niyang mangyari ay baka puwede mo siyang tulungan para magustuhan rin siya ni Francine. Like, example. 'Di ba sabi niya mas ikaw ang nakakakilala sa kakambal mo? Kaya siguro gusto niya malaman kung ano ang mga gusto at ayaw ni Francine para kung sakali maging aware siya," mahabang paliwanag ni Jallessa kay Chezca upang ipa-intindi sa kan'ya. "Okay, get's ko na," aniya. Natigilan naman sina Stacey at Jallessa sa tipid na tugon ni Chezca. "Gets mo na, 'yon?" "U-huh! Tara pasok na tayo, ayaw ko na munang isipin 'yon!" Hinila na niya ang dalawa na nakamaang lang sa kan'ya. Keve Sinad'ya ko talagang abangan si Franchezca ngayong umaga para Kausapin siya. Habang hinihintay ko ito ay saktong nakita ko naman si Marky kaya nag-usap kami at nag-kumustahan. Maya-maya ay natanaw ko na si Franchezca at kasama niya si Francine, mukhang nagpa-alaman sila sa isa't-isa at bago magsitungo sa kan'ya-kan'yang department. Nang malapit na ito ay nagpa-alam na ako kay Marky. Tinanguan ko ito bago tumalikod saka ko na tinawag si Franchezca no'ng lalagpasan na niya ako. Napalingon naman si Chezca sa 'kin. Napapakamot pa ako ng ulo habang sinasabi 'yon kay Chezca, med'yo nahiya rin naman ako pero baka sakali lang naman sana. Ang kasi ay nakasalubong ang kilay nito. 'Patay! Mukhang hindi rin siya papayag, grabe, naman 'yon! Haayy! Mukhang mahihirapan pa ako kay Franchezca. Pero hindi ako susuko, susubukan ko ulit bukas hanggang sa pumayag siya.' Nagpasya na lamang akong bumalik sa department ko, at habang naglalakad ay panay ang tilian ng mga kababaihan bawat nadatnan ko pero wala akong pakialam. Isa lang ang gusto kong pagbalingan nang pansin, si Francine lang. Umaasa pa rin akong matutulungan ako ni Chezca para na mapalapit ang kay Chin. Francine "Francine," tawag sa 'kin ni Arabella best friend ko. "Hi best, kumusta? Mukhang blooming ka ngayon, ah! Sinagot mo na ba?" biro nito sa 'kin. Siya lang ang nag-iisang best friend ko. Hindi naman kasi ako mahilig makipag-usap sa iba at mas gusto ko ng tahimik lang. "Sira, hindi no! 'Di ba puwedeng maganda lang? Ganern!" Nagtawanan naman kaming dalawa. Wala pa kaming professor ngayon, dahil may biglang meeting raw ang mga ito. Balak ko narin sanang puntahan si Franchezca at yayaing umuwi kaso baka kasama naman nito ang mga kaibigan niya kaya baka mauna na lang akong umuwi. "Best friend, mall tayo. Wala naman na tayong gagawin dito, eh!" aya sa 'kin ni Arabella. "Naku! Alam mo namang hindi ko hilig 'yan, mas gusto ko pang magbasa na lang ng libro," tugon ko. "Sinabi ko ba na kahiligan mo? Sige na, sama ka na, may bibilhin lang ako tapos uwi na tayo," tagalang namimilit ang loka kaya napapayag na rin ako. "Fine! Pero saglit lang tayo, ah! Daanan muna natin si Chezca paalam lang ako." Niligpit ko na ang mga gamit ko at lumabas na kami ng room. "Andaming tao ngayon sa mall, wala pa kasing pasok ngayon eh!" ani naman ni Arah habang naglalakad kami. "Tingnan mo best friend maraming may date ngayon." Tinuro niya ang mga mag-jowa na magkakasama sa bawat sulok ng campus. "Paki ko sa mga 'yan!" anas ko. "Luuuhh! Ang bitter mo, mag-jowa ka na kasi para mafeel mo rin kung ano ang feelings 'pag may Jowa," sabi pa nito sa 'kin. "Wala sa plano ko 'yan, lika na nga! Kung ano-ano 'yang napapansin mo, eh!" Kaya hinila ko na ito nang mapuntahan ko na si Chezca. Pero meron na namang asungot, pasalubong sa amin. Si Keve at nakatingin ito ngayon sa akin. "Uy! Speaking of Jowa, mukhang may isang pursigido talaga–" Siniko ko agad si Ara nang manahimik. "Best, ang sakit no'n...b*w*s*t ka!" Maktol nito habang hawak ang natamaan niya sa 'kin. "Ibigay mo eh!" asik ko sa kan'ya. "Hi Francine, good morning," bati nito sa 'kin nang magkalapit na kami nito sa hallway. "Hello! Nag-eexist po ako dito," sabat naman ni Arah. Nakita kong med'yo nahiya si Keve kaya pinansin ko na lang ito. "Good morning," tugon ko na lang. "Joke lang Keve, 'to naman!" ani naman ni Arah, nahalata niya rin siguro. "Ahmmn... Sa'n ang ang punta niyo? Hatid ko na kayo," prinsinta pa nito sa 'ming dalawa ni Arah. "Naku! Hindi na Keve, thank you na lang. Kay Chezca lang naman kami pupunta," tanggi ko agad rito, ayaw ko kasi talaga dahil baka bigla niyang bigyan ng meaning kapag pumayag ako kahit na isang beses. "Gano'n ba? Sige kung 'yan ang gusto mo," aniya. Pero, bakit parang may ibang ibig sabihin? Nahihimigan ko ng pagkalungkot ang boses ni Keve kaya tumingin ako sa kan'ya. "Oo, eh! Sandali lang naman kasi kami, magpapaalam lang ako sa kapatid ko na mauna na akong umuwi. Alam ko naman hindi pa uuwi 'yon dahil kasama pa niya ang mga friends niya," paliwanag ko. "Sige, una na kami, Keve. But thank you parin sa offer. Bye!" "Bye!" 'yon lang ang tanging naisagot ni Keve saka tumalikod na ito. "Hala… best, naawa naman ako kay Keve, bigla. Sana pumayag ka man lang, hatid lang naman tayo," ani naman ni Arabella no'ng makalayo na si Keve. Hindi ko sinabing naramdam rin ako ng guilt. "Okay na 'yon, at least hindi siya umasa," sabi ko na lang at nagpatuloy na. Hindi naman siguro masamang tumanggi, nagpapakatotoo lang naman ako. Ang lapit lang ng room ni Chezca at hindi naman kami magtatagal kaya hindi na niya kailangan na ihatid pa ako. Isa pa alam kong aasa siya sa 'kin kahit ngayon, alam kong asang-asa siya na payagan ko man lang ang kahit na isa sa pag-imbita nito sa 'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD