Chezca Nahihiya ako kay Chin sa totoo lang, nahihiya ako dahil nahulog ako sa kay Keve ay naging sila pa. At sinabi niuang hindi man lang siya nagalit sa 'kin. Grabe, sobrang bait ng kakambal ko. Kaya nakapag-desisiyon akong kahit na manligaw si Keve sa 'kin ay hindi ko ito sasagutin kahit na may gusto ako sa kan'ya. Aalamin ko muna sa sarili ko kung gusto ko nga ba talaga siya, bibigyan ko ang sarili ko upang makapag-isip. Ayaw ko ring masaktan pa kung maaari, ngunit alam kong imposible rin naman talaga. Masasaktan at masasaktan ka talaga kapag nagmahal ka, hindi puro saya lang. Pangit man ang masaktan ka pero ito 'yong nagpapatibay ng pagmamahalan ng dalawang tao. Depende na lang kung paano mo niyo ito lalagpasan at kahaharapin ng magkasama. Ang iba kasi ay bigla na lamang sumusuko

