Franchezca Sa ilang araw ko nang madalas kasama si Keve ay masasabi kong mabait tala siya at gentle man. Hindi rin siya mapatol sa mga babae na kahit jayagan nang ay gusto sa kan'ya ay papatulan niya na agad. Hindi siya gano'n, at masasabi ko na ring seryoso nga siya sa kakambal ko. Pero ewan ko na lang do'n sa isa dahil walang pakialam ang isang 'yon! Hanggang kailan naman kaya susuyuin ni Keve ang kapatid kong may balak pa yang mag-madre. Masayang kasama si Keve at nasasabayan ko rin ang mga kalokohan niya, pero nakakapagtaka na itong dibdib ko ay ang bilis kumalabog sa tuwing napapadikit o mas sobrang lapit niya sa 'kin. 'Weird.' Nakakatuwa dahil nakita ko pa siyang nasimba no'ng linggo at soya lang mag-isa. 'Mabait na bata.' natawa naman ako. Madalang na lang kasi ang

