Keve Lunch time at ngayon ay hinihintay kong dumating sina Chin at Chezca, sina Jerome at Giovan naman ay pina-order ko na nang pagkain namin, gusto kong sabay-sabay kaming lahat na maglunch ngayon. Saktong pumasok naman sina Stacey at Jallessa pero nakapag-tatakang wala si Chezca, hindi nila ito kasama. 'Saan ba nagsususuot ang isang 'yon?' Nilapitan ko ang dalawa na mukhang bibili na ng makakain. "Guys, where's Chezca?" "Ah, nando'n lang. Ayaw raw niya kumain dahil busog pa siya kaya kaming dalawa na lamang ang kakain," saad naman ni Stacey. 'Ano? Anong ka artehan naman kaya ang ginagawa nito.' Palabas na akong nang masalubong ko na sina Chin ay Arabela. "Oh, Keve saan ang punta mo? tinanong ako ni Arah. "Ah....mauna na kayo sa table, wash room lang ako," pangungumbinsi ko pa sa

