"Good morning mam Kath"bati sa kanya ng sekretarya ng asawa.
"Good morning Beth"ganting tugon nito.
Naisipan niyang daanan ang asawa sa opisina nito,bago sya pumasok sa trabaho niya.Dirediretso siyang pumasok sa opisina ng asawa.Saglit lang siyang sinulyapan nito at parang walang nakitang itinuloy ang ginagawa.
"Anong kailangan mo at nagpunta ka na naman dito?puwede mo namang itawag o text kung may kailangan ka.Walang ganang sabi ni Marcus.
Ganun si Marcus sa kanya sinlamig ng yelo kung pakitunguhan siya nito.At tanggap naman yun ni Kath,sanay na siya ilang taon na ba silang magkasama 4 years na.
"Tumawag ang mama,gusto nilang umuwi muna tayo ng Batangas sa weekend para sa celebration ng birthday ng Papa "ani ni Kath
"Sila ba may gusto o ikaw?" inis na baling ni Marcus.
Palagi namang ganun si Marcus lahat ay ibinibintang sa kanya.
"Marcus,kung hindi ka makakapunta ako na bahalang magsabi sa kanila" yun na lang nasabi ni Kath.
"Para ano na naman Kath"? para ako maging kontrabida sa magulang ko?Napa buntong hininga lang si Kath...
I'll go with you" inis na sabi nito.
Makakaalis ka na marami akong trabaho"si Marcus na iritado na ang tono ng pagsasalita.
Tumango na lang siya at lumabas na ng opisina ng asawa.Kung tatagal pa siya sa loob ng opisina baka mabulyawan lang siya nito.Saktong nakalabas na siya ng makita niyang may kausap secretary ni Marcus.
"Andiyan ba ang boss mo girl?sabi ng babae na halos lumuwa ang dibdib sa suot nitong fitted hanging blouse.
"Oo,pero andun pa si mam Kath ok" irap ni Beth sa babae.
Nakita na siya ni Beth na lumabas,sinenyasan siya nito dahil sa babaeng naghahanap sa asawa niya. Kilala rin niya ang babae,ilang beses na rin niya itong nakabangga pero makapal talaga ang mukha ng mga kabit na gaya ni Candy.
"Uy andito pala ang legal wife" sabay sabi nito.
"Puwede ba Candy wala akong panahon sayo"baling dito ni Kath.
Ayaw na niyang patulan pa ito,para ano pa para sa huli siya din sisihin ni Marcus.
"Namimiss ko na kasi si Marcus,kahit magkasama lang kami kagabi sabay tawa ng babae na alam niyang nang aasar.
"Anong oras ba siya umuwi sayo Kath" sabi ni pa Candy.
Tinalikuran lang niya ang kabit ng asawa,wala siyang ganang makipagtalo kay Candy.Masakit kasi totoo, harapan na siyang niloloko ng asawa.Pero wala siyang lakas na sumbatan ito.Tinalikuran niya na lang si Candy at tinungo ang elevator.Ayaw niyang narinig ang mga pang iinsulto ni Candy.
"Hi babe" si Candy sabay halik kay Marcus.
"Hi Candy"baling nito.
"Nasalubong ko ang wife mo babe"
Anong sabi sayo ni Kath ?kunot noong humarap si Marcus.
"Wala naman babe,behave na siya ngayon ha"sabay kandong ni Candy ky Marcus.
"Marami akong trabaho Candy,pupuntahan na lng kita pag di na ako busy.
"Babe naman sabi mo kagabi lalabas tayo " maktol ng babae."
Oo pero hindi ko maiiwan muna itong trabaho ko please Candy sa ibang araw na lang ako babawi.
"Promise babe ha"sabay halik ni Candy kay Marcus.Nakaalis na si Candy pero parang nawalan na siya ng gana magtrabaho.Hindi na inaaway ni Kath si Candy parang nainis siyang lalo sa asawa niya nang malaman na wala na itong reaksyon sa kanila ni Candy.Hindi na siya apektado kung ganun na hindi puwede dahil gusto niya nahihirapan si Kath.Kasalanan naman ni Kath lahat kundi siya pinikot ng asawa hindi sana ito nangyayari sa kanya.Mag asawa sila sa harap ng maraming tao masaya sila perfect couple.Bakit hindi matalino si Kath at maganda.Pagmamay ari ng pamilya ng babae ang isa sa sikat na Pharmaceutical company sa bansa.Siya namay ganun din siya ang CEO ng kumpanyang itinayo ng mga magulang niya ang isa sa pinakamalaking Construction firm sa bansa.Pero pag silang dalawa lang ni Kath alam nilang hindi sila perfect couple.Apat na taon na silang nagsasama.Hindi pa rin niya mapatawad ang asawa.Ito ang dahilan kaya siya iniwan ni Shane ang pinakamamahal niya.Kung hindi sana nangyari ang panlilinlang sa kanya ni Kath masaya siguro sila ni Shane ngayon.Sapilitan siyang ipinakasal ng mga magulang niya kay Kath,dahil nahuli silang magkatabing natutulog hindi na rin niya inalam buong pangyayari bakit napunta siya sa kuwarto ni Kath ang alam niya plinano talaga ito ng babae.Parang ikinatuwa pa ng magulang niya ang nangyari dahil kahit naman alam ng mga ito na may girlfriend siya alam niyang boto ang mga ito kay Kath.
"Salamat nakarating kayong mag asawa anak kanina pa kayo hinihintay ng papa mo .
"Puwede ba kaming hindi pumunta Ma,sabay yakap ni Marcus sa ginang.
"Kamusta ka na Kath anak"baling nito kay Kath na hawak ni Marcus ang kamay.Ganun sila ka sweet ni Marcus pag kaharap ang magulang nito o ang mga magulang niya.
"Ok naman po mama, pasensya na po madalang kami makauwi dito marami po kasing trabaho kami ni Marcus.
"Puro kayo trabaho kaya hanggang ngaun wala pa kaming apo "Ang papa ni Marcus na papalapit na sa kanila.
"Bata pa naman kami Pa gusto namin ni Kath na i enjoy muna na kami lang dalawa,sabi ni Marcus sabay yakap ky Kath.
"Hindi ba hon,baling ni Marcus kay Kath.Minsan ayaw na ni Kath matapos ung gnitong moment,Kasi pag ganito lang pagkakataon nagkakaroon siya ng pag asa na mahalin ng asawa.
"Yes hon,sang ayon naman ni Kath.
"Ganda ganda talaga ni ate Kath "si Sofia ang bunsong kapatid ni Marcus.
"Ikaw din naman Sofie you're so beautiful"ganti ni Kath sa bunso nina Marcus.
Totoo namang maganda si Sofie,chinita ito kagaya ng kanyang biyenang babae.Para siyang si Kim Chiu pero di hamak na mas maganda si Sofie sa tingin niya.
"Sus kahit hindi ka mambola bunso may pasalubong kami sau"si Marcus sabay gulo sa buhol ng kapatid.Andun din ang dalawa pang kapatid ni Marcus si Jake at Gabriel."Hi Kath mukhang hiyang ka sa stress ng pagiging may bahay ni Marcus ah,lalo kang gumanda,si Jake kabatch niya ito nung high school at naging kaibigan din Kath"Well mukhang magaling mag alaga si Marcus talaga "gatong naman ni Gabriel sabay tapik sa balikat ni Marcus."Siyempre naman,ani ni Marcus sabay hapit sa bewang ng asawa.Sanay ganito na lang palagi,dahil nakalulunod sa saya ang ganito nasasaisip ni Kath.Pero alam niyang hiram lang niya mga ganung moment.At malayo sa katotohanan ang lahat
Maagang gumising si Kath para magluto ng almusal ni Marcus sa loob ng apat na taon hindi naman niya nakakalimutan ang obligasyon kay Marcus.Wala siyang sawang nagsisilbi dito,kahit madalas hindi sila nag uusap.
Masaya na siya pag nakita niyang kinakain nito ang luto niya.
"Good morning,naihanda ko na breakfast mo"si Kath nasalubong niya si Marcus na patungo na ng kusina.
Para itong walang narinig na diretso lang sa mesa.Ganun naman sila palagi sanay na siya pero masakit pa rin na parang hindi siya nito nakikita.Nagpasya na rin siyang magtungo sa silid dahil may pasok pa sya ngayon.Kailangan naman niyang maghanda para pumasok na din siya.Nagmamadali na rin siya kailangan niyang pumasok ng maaga dahil may importante siyang appointment.
"Aalis ka na,maaga yata pasok mo ngayon" nagulat pa siya ng magsalita si Marcus ng pababa na siya ng hagdan.
Mukhang maganda gising ng asawa at kinakausap siya nito.
"O-oo may may appointment kasi ako ng 9am.sabay tingin sa relos niya kailngan na niya talaga magmadali thirty minutes na lang sana lang ay hindi siya matrapick.
"Mauna na ko Marcus" sabay talikod ni Kath.
Pero mukhang nakatakda siya talagang malate dahil pag bungad pa lang niya sa garahe flat ang unahang bahagi ng kanyang kotse.
Kung tatawag siya ng grab matatagalan pa din siya.Unless pumayag si Marcus na ihatid siya.
Kahit nag aalinlangan kagad syang bumalik sa bahay,nakaupong nagbabasa ng diyaryo si Marcus.
"Ahmm, Marcus pasensya na ha,pero baka puwede mo ko ihatid sa opisina please....lakas loob na sabi ni Kath sa asawa.
"Bakit hindi mo gamitin ang kotse mo,walang emosyon na sabi nito.
"Na flat ung kotse ko,kailangan kong makahabol sa appointment ko ky Mr Tan please...Marcus importante lang.
Tingnan siya ni Marcus bago ito tumayo.
"Okay, tara na bilisan mo bago magbago ang isip ko"sabay labas ni Marcus .
Nagmamadali naman siyang sumunod sa asawa.Malaking bagay sa kanya ang paghahatid na gagawin nito sa kanya.Narating nila ang opisina ng wala silang imikan,salamat na rin at hindi sila naipit ng trapik tumawag na siya sa secretary niya at sinabing maantala siya ng kaunti.
"Salamat Marcus" sabi niya ng makababa siya.
"Okay "walang gana nitong tugon.
Kanina pa nakababa si Kath pero hindi pa siya umaalis sa parking lot ng building.Isang beses pa lang siyang nakaakyat sa opisina ng asawa at first time na nangyari na nagpahatid ito sa kanya kung hindi pa na flat kotse nito. Inaamin naman niya napaka workaholic ng asawa at very hands on sa lahat ng gawaing bahay,ayaw nitong kumuha ng katulong,na mas okay sa kanya mahirap magpanggap pag may kasama silang iba sa bahay.Nagpasya siyang pumunta sa coffee shop sa tapat ng opisina ng asawa.Mamaya na lang siya pupunta ng opisina niya.
"Puwede bang maki share ng table"an babaeng nasa likuran niya. Nilingon niya dahil pamilyar ang boses nito.Ang dating nobya hindi niya namalayan ang paglapit nito.
"Sure Shane"si Marcus na titig na titig sa babae.
"Kumusta ka na Marcus,hinatid mo ba si Kath?
"Sira kasi ang kotse niya"
"Mas gumuwapo ka yata ngayon ah,mukhang magaling mag alaga talaga ang kaibigan ko"si Shane na may pait ang mga salita.
"Bakit ka nandito Shane kelan ka pa dumating ,pag iiba ni Marcus s usapan.
"Last week lang,I'm planning to stay here for good"
"What about your husband? muling tanong ni Marcus.
"Hiwalay na kami Marcus,simula pa lang naman alam mong napilitan lang din akong pakasalan si James pagkatapos mo akong ipagpalit kay Kath"
"Shane"
Napaka suwerte ng kaibigan ko no?lahat na lng nasa kanya".
"Shane alam kong nasaktan kita"
"Mahal pa rin kita Marcus,I don't care kahit asawa ka na ni Kath."
"Shane,masaya ako na nandito ka na ulit,alam ko mahal pa rin kita".
"Marcus,tayo naman dapat ang magkasama tayo dapat ang masaya"
"Kasal ako ke Kath Shane"
"Sa dami ng pera mo ngayon kayang kaya mong ipa annull ang kasal niyo,andito ako Marcus handa akong bumalik sayo.
Buti na lang at pumayag siyang ihatid si Kath kanina dahilan para magkita sila ni Shane.Magkasama silang umalis ng coffee shop,hindi na rin niya naisipang pumasok.Ganun kabilis magkasama sila ngayon at ipinadadama pananabik sa isat isa.Katatapos lang niyang angkinin si Shane.Napaka wild na nitong kasama sa kama,iba sa dating Shane na mahiyain.
Tiningnan niya oras 1am na ng madaling araw andito pa rin siya sa condo ni Shane.
"Babe uuwi ka pa ba?" si Shane na nakamasid sa pagbibihis niya.
"Yes babe dadating bukas si Mama sa bahay,ayokong madatnan niyang wala ako sa bahay, baka biglang makasulpot yun ng umaga.
"Iloveyou babe"
"Iloveyou too Shane, tulog ka na alam kong pagod ka.
"Tawagan mo ko ha"lambing nito kay Marcus
"I will sige na aalis na ko".
Eksakto 2:30 nasa bahay na siya,nadatnan niyang nasa sala si Kath marahil nakatulog na ito sa paghihintay sa kanya.Pinagmasdan niya ang natutulog na asawa.Hindi naman niya din gustong parusahan ito pero sino ba dapat sisihin at nasa ganitong sitwasyon sila?Hindi ba si Kath din dahil naging makasarili ito.
Nakita niyang nagising si Kath.
"Kanina ka pa ba,hindi ko namalayan na nakatulog na ko"
"Hindi ko sinabing hintayin mo ko"singhal niya sa asawa.
"Alam ko pero hindi kasi ako agad nakatulog kanina."
Hindi na siya pinakinggan ni Marcus diretsong naglakad na ito sa silid nila.Nakahiga na si Marcus ng datnan niya mukhang pagod na pagod at nakatulog na agad pagklapat ng likod nito.Maingat siyang nahiga sa kabilang gilid ng kama nila ayaw niyang maistorbo ang asawa.Nakatulog na ulit siya ng mapansin ang cellphone ni Marcus na umiilaw.
Nakasilent siguro ito at may tumtawag hindi na sana niya papansinin pero mayat maya at tawag.Tumayo siya at tiningnan kung sinong tumtawag.Si Shane ang tumtawag sa asawa,tumigil na ito sa pagtawag.Ibig sabihin may komunikasyon sila ni Shane.Ang alam niya nasa Australia ito kasama ng napangasawa nito.O baka nandito na ulit si Shane.Kung sa ibang babae wala ng epekto sa kanya pero iba kay Shane dahil alam niyang mahal ito ng asawa niya.Wala siyang laban kay Shane yun ang alam niya.Hindi na siya nakatulog.Nagluluto na siya ng agahan ng makarinig ng tunog ng sasakyan sa garahe nila.
Ang Mama ni Marcus ang dumating sinalubong niya ito at pinagbuksan ng pinto.Hindi niya alam na dadating ang biyenang babae, siguro ay kay Marcus ito nagsabi at hindi na sinabi sa kanya.
"Masyado akong maaga iha "
"Ok lang po mama"nasurprise niyo po ako sabay halik sa matanda.
"Mukhang puyat ka Kath ,pinuyat ka ba ng anak ko"ang biyenang niya na ngiting ngiti.
Ngiti lang isinagot niya dito,na parang inaayunan na lang ito.
"Good morning Ma"si Marcus na pababa ng hagdan.
"Good morning hon,nagising na din ako agad wala ka na kasi agad sa tabi ko,naglalambing na lumapit sa kanya si Marcus.
Best Actor na naman siyempre ito.
"Alam mo naman hon na maaga talaga ko magising"pang best actress din ang acting niya.
"Natutuwa ako sa inyo mga anak at talagang napaka sweet ninyo ang kulang na lang talaga ay magkaroon ng apo"
"Hayaan mo ma nasa plano na namin yan di ba hon"ani ni Marcus.
"O-oo nga po Ma".
Gusto sana niyang sabihin na hindi dahil ayaw ni Marcus magka anak sila.Lalo na ngayon na may komunikasyon na ulit sila ni Shane malabong nangyari yun.