Episode 15

590 Words
Two weeks nang nakalabas ng ospital si Kath. Pero lagi pa rin siyang umiiyak at tulala.Palagi lang siyang nakakulong sa guest room nila.Hanggat maari ayaw niyang makaharap ang asawa. Mataman niyang tinitigan ang sarili sa salamin.Halos hindi na niya makilala ang sarili niya.Malaki na rin ang ipinayat niya.Nagsisimula na namang pumatak mga luha niya. "I'm sorry baby ko,hindi man lang kita naalagaan dapat baby hindi ko na lang inistress ang sarili ko dapat hinayaan ko na lang silang lokohin ako,tutal sanay naman ako"mahinang hikbi ni Kath. Mabilis na pinahid ang mga luha niya,kailangan na siguro niyang isalba ang sarili niya,panahon na siguro para putulin ng tuluyan ang pagsasama nila ni Marcus. Kailangan na niyang harapin ang totoo.This time for real na,ipinahanda na niya annulment papers na kailangang pirmahan ni Marcus bago siya umalis.At ngaung araw dadalhin yun ni attorney sa kanya. "Kath iha may bisita ka si Attorney"si Manang "Susunod na po ako Manang" Mabilis na inayos niya ang sarili bago bumaba.Ayaw din niyang paghintayin ng matagal si Attorney. "Good morning iha,andito na mga documents mo,at ang annulment papers" "Salamat attorney" "Sure ka na ba dito iha?" "Yes po,thank you attorney " "You're welcome,mag iingat ka,give my regards to your parents.Tutuloy na ko iha". Kanina pa nakaalis si Attorney nakatulala pa rin si Kath habang hawak ang mga papeles niya at ang annulment papers nila ni Marcus. Naisipan niyang pumasok sa kuwarto nilang mag asawa tutal wala pa naman ang asawa for the last time gusto niyang gawin ito. Pinagmasadan niya ang kabuuan ng silid na matagal niyang naging kakampi sa saya at lungkot.Kahit pala gaano mo kamahal ang Isang tao darating ang oras na makararamdam ka din ng sobrang pagod,lalo nat hindi naman pala totoo ang pinanghahawakan mong pag asa. Napaupo si Kath sa kama nilang mag asawa,ayaw na niyang umiyak pero ung mga luha niya naman nagkukusang kumawala. Hindi na alam kung gaano siya katagal na nakaupo sa sahig habang nakasubsob sa kama,hindi na niya namalayang nakatulog na siya. Nagising siyang nakahiga sa kama nila,tiningnan niya ang oras gabi na pala.Pero hindi niya natatandaang humiga siya kanina.Dali dali siyang bumangon nang maalalang darating na si Marcus o baka nandito na nga ang asawa niya. Pero nang hahawakan na niya ang pinto sabay luwa naman nun si Marcus,nakapambahay na ito meaning kanina pa ito. "Ready na dinner hon"akmang hahawakan siya nito pero mabilis siyang nakaiwas. "I need you to sign this"walang emosyon na sagot niya kay Marcus. "Don't you think papayag ako?nakita ko na yan kanina nung tulog ka" Tinitigan niya siya Marcus,kasabay nun ang walang patid na pagpatak ng luha niya. "This time magmamakaawa ako sayo Marcus,please I want an annulment,hindi ko na kayang makasama ka,sobrang wasak na wasak na ako"kasabay ng paghagulhol na ni Kath. "Don't you love me"malungkot na tinig ni Marcus. "From the very start you know how much I love you,pero nang mawala ang anak ko pinagsisihan kong minahal kita ng sobra sobra Marcus" "Kath,hindi ko ginustong maglihim sayo" "I don't need your explanation Marcus,hindi na magbabago kahit magpaliwanag ka,niloko mo ko,this time ibigay mo ang kalayaan ko,hindi ko na kayang makasama ka pa". "Puwede namang bigyan lang kita ng oras na mag isip hon papayag ako kung gusto mong pumunta muna kina mommy sa America." "No Marcus,gusto ko nang kalimutan lahat,yung wala ka na totally sa buhay ko,ayoko nang maging asawa mo Marcus dahil yun pinakapinagsisihan kong desisyon sa buhay ko ang pinilit kang pakasalan ako." Tinalikuran na niya si Marcus at mabilis na pumasok sa kuwarto niya duon siya umiyak ng umiyak
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD