Fourteen: Don't want him back

1460 Words
Fourteen 5 years later Jewel Salazar's point of view "Faye naman, eh! Amina kasi!" Napairap na lang ako dahil imbes na sumuko si Faye sa pagtakbo at pagtawa ay mas lalo lang itong dumoble. "Kaya ka walang jowa, eh!" Agad siyang napatigil saka nagtapon ng matalim na titig sa akin. Nah, sa ngayon kailangan ko nang ihanda ang mga paa ko sa pangmalakasang takbo dahil napindot ko ang destructive mode ni Faye. "Takbo!!" Parang kaming mga batang naglalaro sa park, iyan ang unang iisipin ng iilan kung may makakakita man sa amin. Paano ba naman, dinaig pa namin si Jihan na busy na kakacellphone sa isang sulok. Napasinghap ako nang bigla na lang akong inakbayan ng kaibigan. "Pagod na 'ko masyado, Je. Dadaan pa naman ako sa club later–" Awtomatiko siyang napatigil nang tinitigan ko ito. "Faye Angeles, ilang beses ko na ba sinasabi sa'yo–" "Na walang true love sa club-club na 'yan!" tinapos niya pa talaga ang sinasabi ko dahil mukhang memoryado na niya. "Pupunta ako sa trabaho okay?" Makahulugan ko siyang nginisian. "'Yan, sa office niyo may true love. Tingin ka lang sa boss mo." Huli na para mapigilan ang sarili lalo pa't para na namang binuburan ng asin si Faye sa sobrang pagwawala dahil sa sinabi ko. Ayaw na ayaw niya kasing inaasar niya sa peste niyang boss. "Kayo, saan na kayo pupunta pagkatapos nito?" Napalingon ako sakanya saka mabilis na itinuro si Jihan. Para ngang kaming dalawa na ni Faye ang nagsilbing nanay ni Jihan simula pa noon. Noong nagtuloy-tuloy kasi ang treatment ko, siya Faye ang nag-alaga kay Jihan. Pwede naman sana kaming kumuha ng pupwedeng mag-alaga sa anak ko pero nag-iinarte lang tong si Faye dahil gusto niyang siya ang maging pansamantalang nanay ni Jihan habang ginagamot ako. I've been admitted at a mental institution... for real. Talagang naranasan at nagawa kong makita ang lahat pero dahil hindi kayang tiisin ni daddy na makita niya ako sa ganoong ayos ay pagkatapos lang ng dalawang linggo ay dinala niya ako sa bahay — dinala rin nito ang lahat kulang na lang ang buong institution. Naghire siya ng mga taong makakapag-alaga at makakapagbantay sa akin. Halos kumpleto ang lahat maging ang gamit sa isang malaki at bakanteng kwarto sa bahay. Iyon ang naging lugar ko sa tatlong taon. Iyon na nga halos ang nakasanayan ko kaya noong tuluyang maging maayos ang lahat sa akin, hindi na rin ako halos maalala ni Jihan. Siguradong hindi niya rin maiintindihan ang nangyari sa mommy niya kaya hindi na rin namin sinabi ang totoo. Ang alam ni Jihan ngayon ay galing akong ibang lugar para sa trabaho. Hindi na rin naman siya nagtanong at naintindihan na lang dahil may mga kaklase rin naman daw siyang nagpupunta ang mommy sa ibang lugar para magtrabaho. Hindi naging mabait sa akin ang tatlong taon. Kung hindi ako magwawala ay madalas namang wala akong malay. Kadalasan pa ay nalalaman ko na lang lahat tuwing papanoorin ko ang cctv sa kwartong iyon sa loob ng tatlong taon. Sadyang magagaling din ang mga taong nakuha ni daddy kaya sa tingin nila ay naging madali pa ang tatlong taon. Buti na lang daw at matapang din ako para lumaban dahil kung hindi ay paniguradong matatagalan pa ang paggaling ko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin naipapasok sa sistema ko ang lahat ng nangyari. Parang ang hirap paniwalaan. Parang isang panaginip lang ang tatlong taong sinasabi nila, parang bigla na lang ako nagising isang araw na kalmado na ako — na tanggap ko na ang mga nawala at umalis. Si mommy... hindi na siya muling nagpakita sa akin pagkatapos noon pero alam kong tinulungan niya rin ako para gumaling. Alam kong hanggang ngayon ay binabantayan niya pa rin ako dahil mahal niya ako. Si Rod... wala na rin ako ni isang ideya kung nasaan na ang lalaking iyon. Hindi ko alam pero naging okay na ako kapag pinag-uusapan ang lalaki. Kaya lang, ayaw na ayaw pa rin ni daddy na maririnig ang kahit pangalan nito. Natanggap ko na rin ang pang-iiwan niya. Natanggap ko nang hindi nito tinupad ang pangako nitong hindi niya kami iiwan ni Jihan. Dahil medyo may kamalayan na si Jihan noong iniwan kami ng papa niya ay madalas niya itong hinahanap sa amin ni Faye pero katulad namin hindi rin niya ito binibanggit tuwing kaharap ang lolo niya — si daddy. Naniwala naman ito nang sabihin naming nagtatrabaho ang papa niya sa malayong lugar. Nakuntento na ako sa anak ko kasabay ng pagmamahal at pagsuporta ni Faye at ni daddy. Si daddy... tinutuo niya ang sinabi nitong babawi siya. Malayong malayo na siya ngayon sa amang kinalakhan ko. Ang bahay ay hindi na katulad ng magulo at maingay na bahay noon. Nakakapagtaka ring hindi ko na kinakikitaan ng babae si daddy — nabagok din siguro ang ulo. Parang impyerno ang kinalagyan ko sa loob ng tatlong taon pero nagbunga ang lahat ng iyon ngayon. Dalawang taon ko na ulit kasama ang anak. Noong una, medyo naninibago pa ito at laging nakadikit kay Faye. Mabuti at noong makausap nang masinsinan ay agad niyang naintindihan. Well, matalino talaga ang anak ko. "Magpupunta kami sa depatment store, hahanapan ko ng maisusuot bukas." sabi ko kay Faye habang nagsisimula na rin sa pag-aayos ng mga ginamit at pinagkainan doon. "Bukas na ba 'yun?!" Mabilis na tinakbo ni Faye si Jihan na hanggang ngayon ay busy sa pagdradrawing sa cellphone. "Junak! Congratulations! Ang galing-galing mo talaga. Buti na lang at hindi ka nagmana sa mommy mo," natatawang sabi nito habang nakatingin sa akin at nang-aasar. "Hoy! Excuse me?" nahawa na rin ako sa pagtawa nito saka sinugod ang dalawa. ••• "Jihan! Halika nga rito!" Ito ang pinakaayaw ko tuwing kasama ang bata sa pailibot sa mga mall. Masyadong maligalig at kung saan-saan nagpupupunta. Natatawa itong muling lumapit sa akin habang nakatakip na ang mga tainga. He knows the drill, alam niyang tainga niya ang pupuntiryahin ko tuwing nagpapasaway siya. "Babayaran ko na 'to then after we will go home. Utang na loob naman Jihan, umupo ka lang dito. Hindi ka pwedeng madapa, hindi ka pwedeng masugatan. Aakyat ka sa stage bukas. Naiintindihan mo ba si mama?" "Yes ma'am!" malakas na sabi nito habang sumaludo pa na parang naglalaro lang palagi. Napailing na lang ako at napangiti sa sobrang kacute-tan ng anak. Siyam na taong gulang pa lang at magtatapos sa ikatlong baitang bukas pero matangkad ito. Kung hindi mo nga lang siya makikitang kumilos at magsalita ay hindi mo aakalaing bata pa. Pakiramdam ko mas mukha itong twelve na nagbibinata na. Agad akong pumila sa counter sa lugar, mabuti nga at kahit linggo ay medyo kakaonti ang mga tao. Hindi kami matatagalan ni Jihan kaya paniguradong sa bahay kami makakapagdinner. Nilingon ko pa ang batang prenteng nakaupo ng di kalayuan sa lugar ko. May maliit kasing bench doon na parang upuan ng mga taong bibili at magsusukat ng sapatos. Binayaran ko ang polo at ang slacks na si Jihan mismo ang pumili. Hindi ko nga lang masyadong gusto ang kulay pero dahil iyon naman ang gusto niya ay hindi ko na nagawang matutulan. Nang makapagbayad ay mabilis kong tinungo ang lugar ng anak pero wala na ni anino ni Jihan ang bumungad sa akin. "Jihan?!" Binalot ng pagkataranta ang sistema ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang tumakbo para maghanap. Agad kong tinungo ang sulok sa palapag na iyon kung saan naroon ang mga stuffed toy na kanina pa niya binabalikbalikan. Sinisilip ko ang bawat lugar na pupwede niyang pagtaguan pero wala akong nakita. Malalamig na ang pawis na tumutulo sa may sentido ko. Nakakatakot, hindi ko alam kung kanino marahil ako hihingi ng tulong. Nang nakakita ako ng gwardya sa hindi kalayuan, onti-onting nabuo ang pag-asa kong makita ang anak. Finally, the right person that I can ask for help– "Mama!" Para akong tinggalan ng tinik sa lalamunan nang makita ko si Jihan na patakbo papalapit sa akin. Ngitingi-ngiti ang bata, maya't maya pa ang kaway niya sa akin. Sa isang iglap, nawala ang galit ko. Nawala ang mga salitang gagamitin ko sa pagsesermon sa anak pero isinantabi ko iyon. Mali ang ginawa ni Jihan kaya hindi pwedeng palagpasin ko ang ginawa niya. Nang tuluyan itong makalapit sa akin ay agad akong huminga nang malalim para sa sermong sasabihin pero naunahan akong magsalita ng nakapakasayang anak. "Ma! Ma! Nakita ko si papa, andito na po siya. Nakauwi na siya galing trabaho!" Para akong biglang tinakasan ng lakas. Pagkatapos ng ilang taon, ngayon ko na lang namataan ang sariling mga kamay na sobra ang panginginig. Labis kong pinagsisihan ang pagtaas ko ng tingin para lang maaninag ang taong ginawa akong talikuran — limang taon na ang nakararaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD