Nine: Truth

1766 Words
Nine Sa mga sumunod na araw ay mas lalong nakapagpabigat lang ng loob ko. Hindi rin nakatulong na palagi kong nakikita si Rod sa opisina dahil mas lalo lang akong hindi nakakakilos nang maayos. Pati sila mommy, nag-aalala na. Gusto ko man sulitin ang mga oras na kasama siya ay hindi ko na rin magawa madalas. May ibang pamilya ang asawa ko... o naging asawa ko ba talaga siya? Hindi ko na alam kung ano ang totoo sa panaginip. Pero siguro kung malaman ko man ay paniguradong hindi ko rin kayang tanggapin. Naiwala ko ang atensyon sa ginagawa nang may nagsisisigaw mula sa labas ng opisina. Agad ko itong pinuntahan at ganon na lang ang gulat noong nakita ko si Rod na nakayuko lang hahang pinagsisigawan ng isang empleyado ni daddy. "Tatanga-tanga ka kasi! Ang simple simple lang ng utos ko hindi mo pa magawa! Alam mo, hindi ko nga alam kung bakit tinanggap ka pa dito ng boss natin. Wala namang lugar ang kompanyang ito para sa mga highschool graduate na katulad—" "Mrs. De Castro, sabihin mo kay daddy na tanggalin ka na niya sa trabaho." Natahimik ang mga taong naroon. Maging ang mga empleyadong nanatili sa lugar nila pero nakikitsismis sa nangyayari. Gulat na gulat rin ang mga matang tumingin sa akin si Mrs. De Castro. Hindi ko siya kilala pero mabuti na lang ay malinaw kong nakita ang ID nito bago magsalita. "A-Ano–" "Ano? Hindi mo nakuha 'yung sinabi ko? Tatanga-tanga ka kasi! Ang simple simple lang ng utos ko hindi mo pa magawa! Alam mo, hindi ko nga alam kung bakit tinanggap ka pa dito ng daddy ko. Wala namang lugar ang kompanyang ito para sa mga feeling superior porket nakatapos ng pag-aaral kahit wala namang modong katulad mo," dere-deretso kong sabi na ginaya-gaya pa ang iilang linyang tinapon nito kay Rod kanina. "And please, don't tell me to show some respect. Kahit sabihin mong mas matanda ka sakin, don't teach me to respect people like you. Hindi ito tungkol sa edad, this is a give and take process... learn to respect other people then I'll tell you if you deserve some respect." Nang matapos akong magsalita ay binalingan ko si Rod na nanginginig na ang mga kamay pati na rin ang iilang mga nandoon. "Bumalik na kayo sa pwesto niyo," sabi ko saka tinungo muli ang daan pabalik sa sarili kong opisina. Alam kong mali ang gamitin ang kapa kapangyarihan ko bilang anak ng may-ari ng kompanya pero hindi ko rin alam ang nangyari sa akin. I just felt the urge to do that lalo na at si Rod ang ginaganon. Pakiramdam ko, kailangan ko siyang ipagtanggol. Does he get that a lot? Madalas rin ba itong naiinsulto at minamaliit noon dahil sa trabaho? Wala man lang akong alam tungkol doon. Alam kong mas mahirap pa ang pinagdaanan niya dahil papalit-palit siya ng trabaho dahil wala halos gustong tumanggap sakanya. Nang makaramdam ako ng pagkalam ng tyan, mabilis kong kinuha ang pitaka ko at ang cellphone saka bumaba. Wala kaming usapan nila mommy ngayon dahil masyado raw silang busy kaya wala akong choice kundi kumain mag-isa sa labas. Pero nang malapit na ako makalabas ay agad akong nilapitan ng gwardyang naroon at inabutan ako ng maliit na paper bag. "Pinabibigay lang ho, Ma'am." Marahan akong magpasalamat at sinilip ang loob noon. Tumambad sa akin ang maliit na papel na may sulat. "Hindi ko ho sigurado kung nagugustuhan niyo ang ganitong mga pagkain pero salamat po, Ma'am. Hindi ko po alam kung saan ako pupulitin kapag natanggal ako sa kompanya nito." Binasa ko ang kung anong nakalagay sa sulat. Galing na naman ito kay Rod. Hindi na naman tuloy magkamayaw ang kung ano sa sistema ko. Palagi siyang ganyan. Palagi niya akong iniisip kahit pa hindi na niya ako magawang maalala ngayon. Naaalala ko noong graduation ko sa kolehiyo at nagkagulo sa bahay. Malugod niyang tinanggap at sinabi kay daddy na wala siyang problema kahit tanggalin siya sa kompanya. Hindi raw iyon makapipigil sa paglaban niya sa akin. Pero ngayon, ni hindi niya maimagine ang sarili niya kapag tuluyan siyang tinanggal ni daddy rito. He loves me. Alam kong mahal niya ako at hindi iyon basta panaginip lang. Mahal ako ni Rod. Mahal niya ako... "Ma'am! Ano hong ginagawa niyo rito?" Sunod kong namalayan ang sarili ko sa tapat ng maintenance office. Hindi katulad sa una kong pagpunta, mas kaonti ang tao ngayon. Abala ang lahat sa pagkukwentuhan. Sa gilid ay nakita ko si Rod na parang walang kamalay malay sa nangyayari sa paligid niya. Nakatingin lang ito sa hawak niyang picture na parang iyon lang ang mahalaga para rito. "P-Pwede ba akong pumasok?" Narinig ng iilang mga tao sa loob ang sinabi ko kaya mabilis silang nag-ayos ng upo. Hindi pa kasama roon si Rod na talagang busy sa tinitingnan. "Nako, Ma'am. Wala hong problema, pagpasensyahan niyo na lang po kasi medyo magulo." Tumango na lang ako at nagpasalamat saka giniya niya ako sa loob. "Hoy, Rod. Umayos ka ng upo, andyan si Ma'am Jewel!" Gusto kong matawa sa nakita. Gulat na gulat kasi si Rod at nagkukumahog itong ayusin ang sarili. Umupo ako sa isang plastic na upuan saka inilibot ang paningin sa lugar. Okay naman ito, kaya lang may kaliitan para sa halos dalawangpung taong nakita ko noong nakaraan. "Kumain na ba kayo?" Natahimik ang lahat at nagtitinginan. Ako na lang tuloy ang pumansin ng mga plastic na lalagyan ng pagkain na nasa gilid pa at mukhang hindi pa nabubuksan. "Let's eat together! Then, we'll order some desserts after. Sayang kasi niyang baon niyo kung oorder pa tayo ng for lunch," sabi ko habang nakangiti. Nagpakurap-kurap lang sila. Bumaling ako kay Rod na parang hindi rin makapaniwala sa sinasabi ko. Nang mapansin nito ang pagsulyap ko ay agad nitong nakuha ang senyas. "Totoo sinasabi ni Ma'am. Sabay sabay na tayo kumain tapos saka kayo magdemand nung halo-halong gusto niyo," sabi naman niya saka ngumiti sa akin. Napakagat tuloy ako sa labi para pigilan ang baliw na ngisi. Bakit naman kasi nginingitian pa ako ng isang yan? Natawa na lang ako sa sarili. Agad-agad namang nagsigawan ang mga tao roon, kanya kanyang kuha ng baong pagkain at nagsabay-sabay nga kaming kumain. Ilang minuto lang halos ay parang nawala ang pader na mayroon sa pagitan ko at nang mga taong naroon. Kanya-kanya na silang kwento. Madalas ay ang interaction nila sa Jewel na kilala nila ang kinukwento sa akin. "'Di lang ako makapaniwala, Ma'am! Noon nagalit ka sakin kasi medyo malapit ho ako sainyo. Ang sabi niyo sakin 'wag akong lumapit kasi mabaho ako," pagkukwento naman ng isang lalaking naroon na tinatawag nilang Billy. Bahagya naman akong nagulat doon. Talaga bang ganoon kasama ang ugali ko? Nginitian ko lang siya at nagpeace-sign kaya nagtawanan ulit ang mga naroon. "Hindi ka naman mabaho. Baka meron lang akong dalaw non, kaya masungit." paliwanag ko pa. "Edi araw araw ho kayong may dalaw, Ma'am?" Natigilan ako bigla maging ang iilang lalaking naroon. Sabay-sabay kaming napalingon kay Rod na mukhang hindi rin inaasahan ang nasabi. Ilang segundo lang nagpakiramdaman bago bumungkaras sa tawa ang lahat. They are actually the best people. Hindi mo sila kakikitaan ng pagkamataas at kasamaan. Iyong alam mong wala silang gagawing kahit ano dahil malinis ang intensyon nila sa lahat. Pagkatapos kumain ay saka na rin dumating ang kaninang in-order kong mga halo-halo at ice cream. Napuno ang sigawan sa loob na halatang masayang masaya. Akala mo mga bata na gustong gustong makakain ng sorbetes. I stayed with them hanggang sa matapos ang lunch. Parang nawala na ang kahit anong naiisip kong problema. Sandali kong nakalimutang hindi ito ang mundong alam ko. Noong kailangan na ng iilan ang bumalik sa tinatrabaho ay nagpaalam na rin ako. "Ma'am!" tawag ni Rod sa akin nang papalabas na ako sa pinto ng maintenance office. Mabibigat ang paghinga ko siyang nilingon. "Ma'am, maraming sa lahat po ng tulong ninyo. Mahalagang mahalaga lang po sa akin ang trabaho ko... para po sa pamilya ko." Hindi ko maiwasang ilagay ang sitwasyon sa nangyayari sa amin noon. Gusto kaming bigyan ni Rod ng magandang buhay. At kung napagod man siya o kinain siya ng insecurities ay dapat mas inintindi ko pa siya. Dapat mas naisip ko ang lahat ng hirap na nararanasan niya sa trabaho. Ngayon malinaw na sa akin ang lahat. Kung mayroon akong pinagsisisihan... iyon ay ang hindi ko pag-intindi sa asawa ko noon. Siya iyong madalas na magtanong sa akin kung kumusta ako, kung kumusta ang araw ko. Pero ni minsan, hindi ko man lang siya natanong kung kumusta siya. Hindi ko man lang naisip na magpresintang masahiin ang mga paa niyang maghapon sa pagtatrabaho. Agad na nanlabo ang paningin ko dahil sa pangingilid ng luha pero pilit ko iyong tinatakpan ng ngiti. Hindi ako pwedeng umiyak sa harap ng lalaking ito. Ako naman ang may kasalanan sa nangyari kaya wala na akong karapatan pang balik-balikan iyon. Simula ngayon, ituturing ko na lamang ang nangyari sa apat na taong iyon sa isip ko bilang isang magandang panaginip. Nanginginig man ang mga kamay ay pinilit kong ilapat ang mga ito sa balikat niya. Mahina ko itong tinapik. "'W-Wag kang mag-alala. Alam ko kung gaano mo pinaghihirapan ang trabaho rito. I'll make you stay here for as long as you want... p-promise." Ilang beses ko pang pinigil ang nagbabadyang mga luha pero sa huli ay hindi ko nagawa. "Excuse me." Nang makatakbo ay agad kong tinungo ang parking lot at mabilis na hinanap ang kotse. Doon ay mabilis kong pinakawalan ang mga luha. Ang sakit... ang sakit sakit. Hindi ko matanggap na nasasaktan ako sa isang bagay na hindi ko alam kung totoo bang nangyari. Totoo ba ang apat na taong iyon? Totoo bang naging asawa ko si Rod at totoo ba si Jihan? Totoo ba ang anak ko? Dahil kung hindi, bakit masakit? Bakit nasasaktan ako? Bakit nasasaktan ako sa katotohanang may ibang pamilya si Rod habang ako ay naipit sa sitwasyong ako lang ang nakakaalam? Sinandal ko ang buong bigat sa upuan ng sasakyan. Gusto kong magwala, gusto kong pagsususuntukin ang manibela pero ni hindi ko magawang ikilos ang mga kamay sa labis nitong panginginig. Maya maya pa ay nakarinig ako ng mahinang katok mula sa labas ng sasakyan. Nang bumaling ay nakita ko ang mukha ng alalang-alalang si Rod na naroon sa labas at mukhang inaantay ang pagbukas ko ng pinto ng sasakyan. "Rod... totoo ka ba?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD