Prologue
"Anong sinabi mo?!" Awtomatiko akong napaatras dahil sa gulat sa biglaang pagsigaw ng ama. Sinamantala kong itagpo sa graduation namin ang pagsasabi ng totoo sa mga magulang.
Katabi si Rod ay pinilit kong magtapang tapangan. Hindi lang para sa amin kundi para sa aming magiging pamilya.
"Jelo, calm down. Lumipat tayo ng ibang lugar, maraming tao rito," nag-aalangan pang sabi ni mommy na hindi mapakali sa kakalingon sa mga taong naroon.
Hindi na muling nagsalita si daddy pero nagsimula na siya sa paglalakad na parang handang hawiin lahat ng madadaanan. Alam kong nanggagalaiti siya at hindi rin nakalusot sa akin ang pagtingin ni mommy na parang sinasabi nitong bawiin ko ang lahat.
Alam kong magiging malaki ang epekto nito sa pamilya namin pero hindi ko rin pwedeng pabayaan ang magiging pamilya namin ni Rod.
Pagkarating sa parking lot, agad akong pinagbuksan ng Kuya Kiel, ang driver namin pero nang akmang papasok na ako hila hila si Rod ay agad na namang sumigaw si daddy.
"Hindi sasabay sa atin ang lalaking 'yan! Papuntahin mo siya mag-isa sa bahay!"
Walang magawa ay bumaling akong muli kay Rod. Nagsisimula nang mangilid ang mga luha. "Je, okay lang. Ako bahala. Magkita na lang tayo do'n, 'wag ka nang umiyak."
Sa sinabi niya ay mas lalo lang sumikip ang dibdib ko. Wala akong magawa, wala akong magawa para sa amin.
Nang tuluyang magsara ang pinto ng sasakyan kasabay ng pag-andar ng sasakyan ay wala akong ibang nagawa kundi iharang ang mga palad sa bibig na parang iyon lang ang alam kong pinakatakang gawin ng oras na iyon.
Dalawang dekada kong tiniis ang lahat. Ang pagiging mahigpit ni dad, ang pagiging perfectionist ni mommy. Lahat lahat. Pati ang palagi nilang pagkakasakitan – saksi ang mga mata ko roon.
Kung tutuusin, marami na akong paraan para tumakas. Naalala ko noong sampung taong gulang pa lang ako, palaging magulo ang bahay. Iba-ibang babae ang kasama ni dad tuwing umuuwi ito sa bahay. Sakto kasing nagpunta sa Canada si mommy kaya malaya itong makapagdala ng babae sa bahay.
Nang malaman iyon ni Tita Jessie, ganoon na lang ang kagustuhan niyang ilayo ako kay dad. Delikado raw kasi lalo na kapag nalaman ni mommy ang kalokohan ng daddy ko. Pero kahit ganoon, hindi ko tinanggap ang alok niyang umalis. Nanatili ako sa bahay kasabay nang paglimot ko sa nangyari. Hindi ako nagsumbong dahil kahit nasa elementarya pa lang ay alam ko na ang pwedeng mangyari. Pwedeng maghiwalay ang mga magulang ko at hindi ko alam kung saan maaari ako pupulutin.
Nang maging teenager, labing anim na taong gulang ako nang nagsimula ang p*******t ni daddy kay mommy. Wala ni isang nagtangkang magsumbong lalo pa dahil alam nila kung ano na lang ang kayang gawin ni daddy. Nagawa akong kunin nila Lola at ni Tita Jessie sa bahay pero wala rin silang nagawa noong sinugod na sila ni daddy.
Nirerespeto ko ang mga magulang ko. Naiintindihan ko kung nagagawa nila akong paghigpitan noon dahil nag-aaral at bata pa pero akala ko matitigil na iyon agad lalo na kapag nakapagtapos ako.
Hindi ko na halos makontrol ang pagluha kaya ganoon na lang rin ang panlalabo ng paningin ko. Itinulak ko pataas ang aking salamin bago sinundan ang pagbaba ni mommy na kanina pa tahimik sa tabi ko.
Hindi ko alam kung galit siya o kung ano man ang naiisip niya sa akin. Pero nananalangin akong hindi, siya ang gusto kong maging kakampi sa bagay na ito.
Nang makababa ako sa kotse ay ganoon na lang ang naging panlalaki ng mga mata ko nang nakabulagta na si Rod sa labas habang hawak ang pisngi nito. Matikas naman ang tindig ni dad sa harapan nito.
Lalapitan ko na sana ang kasintahan noong harangin din ako ni mommy. Deretso lang ang tingin niya pero naramdaman ko ang panginginig ng kamay nito.
"Tumayo ka, mag-uusap tayo sa loob." malamig na sabi ni daddy bago dumeretso sa loob. Sinalubong siya ng iilan niyang bodyguards pati ang mga kasambahay naming nakikiusyuso.
Nagawa ko lang lapitan si Rod noong tanggalin ni mommy ang pagkakahawak sa akin at sumunod sa ama ko. "Rod, come on. Tell me you're –"
"Ayos ako, Jewel. Tara na, inaantay na tayo ng Daddy mo." nakangiti niyang sabi. Hindi ko tuloy mahulaan kung ano ang totoo niyang nararamdaman.
Kanina pa siya! Kalmadong kalmado ang lalaki kahit alam ko namang nag-aalala rin siya para sa amin.
"'Wag ka masyadong lalapit sa daddy mo, ayokong saktan ka niya ulit, Je."
Muli ko siyang nilingon at saka ako tumango. Kinakabahan man, alam ko sa sarili kong malabo na sa amin ang umatras. Papanindigan namin ang ginawa lalo pa at hindi naman ito naging mali sa paningin namin.
Magkahawak ang mga kamay namin nang dumating kami sa sala. Prenteng nakaupo roon si dad at sarkastikong ngumingiti. Kilala ko na ito, alam kong hindi maganda ang nasa utak niya.
"Rod Antonio," pagsisimula niya habang tinitingnan nito ang boyfriend mo mula ulo hanggang paa.
"Saang business ka ba nabibilang?"
Napuno nang katahimikan ang lugar. Kilala ko si dad, alam ko ang ibig sabihin ng tanong na iyan.
Mariin kong binalingan ng tingin si Rod na malayo ang inuupuan sa akin. He hung his head low. Siguro ay nakuha niya na rin kung ano marahil ang ibig sabihin ng ama ko sa tanong niya.
"Sir, empleyado niyo po ako sa JL Automotives. Isa po ako sa mga maintenance staff–"
Natigil siya ng nakakainsultong paghalakhak ng ama ko. Doon ay mabilis akong napayukom ng kamao. Alam kong may karapatan siyang magalit pero hindi tama ang mantapak ng ibang tao. Hindi tama ang mang-insulto ng ibang tao dahil sa kung ano marahil ang trabaho nito.
"Tingnan mo nga naman, oh. Ano bang ipapakain mo sa anak ko at magiging anak mo?! Pako? Martilyo?"
That's it! Sobra sobra naman ang pang-iinsulto ni dad sa boyfriend ko.
Rod's treating me like a queen, hindi ko rin hahayaang tratuhin siyang iba ng sarili kong ama!
Pinipilit ko ang sarili sa pagtayo pero bago ko pa man magawa ay nakita ko na ang marahang pagtayo ni Rod sa harapan ng ama ko.
"Sir, alam kong hindi ko po maipagmamalaki sainyo ang trabaho ko pero nangangako po akong mas pag-iigihan ko para po sa sarili kong pamilya. Hindi ko po hahayaang maghirap sila sa puder ko—"
"Daddy!"
Nanlalabo man ang paningin ko ay parang malinaw na malinaw kong nakita ang nangyari. Mabilis na tumayo si Daddy mula sa pagkakaupo at malakas na sinampal ang nakatayong si Rod.
Hindi man nagalaw si Rod sa pagkakatayo ay alam kong malakas pa rin ang nakuha nitong sampal galing sa ama ko. Sadyang pinuwersa niya lang ang sariling tiisin iyon.
"Dad, please..." pagsusumamo ko.
Hindi ko kaya ang nakikita pero hindi ko rin magawang makatayo at ayoko ring makisali sa sakitan dahil ayokong madamay ang buhay sa sinapupunan. Hindi ko kayang tiisin pero kailangan ko ring magpakatatag katulad ng ginagawa ni Rod para sa amin.
"Sir, andito po ako para maayos na hingiin ang kamay ng anak niyo. Para maayos siyang maipagpaalam. Pero hindi po ako papapigil na panagutan si Jewel. Mahal ko po ang anak niyo at mahal ko ang magiging anak namin. Maaari niyo po akong saktan, kahit ilang beses pa man po ninyo gustuhin pero hindi niyo po ako mapipigilan."
Akmang sasampalin na naman ni daddy si Rod pero biglang umingos at sumigaw si mommy.
Mas lalo lang akong naiyak. Akala ko ay hindi rin ito sang-ayon. Akala ko ay wala akong kakampi sa pamilyang ito. Akala ko matagal na akong naiwala ni mommy pero hindi. She's always there. Alam kong natatakot lang itong kontrahin si daddy dahil maaari na naman siyang saktan nito.
Nasa likod niya ang mga nanginginig na kamay nang sinubukan nitong tumayo at magtungo sa harapan din ni daddy.
"Paalisin mo na sila, Jelo. Tutal, buntis na ang anak mo. Makakaapekto lang siya sa kompanya! Ano na lang ang sasabihin ng mga kasosyo natin?! May anak kang disgrasyada! Let them leave! Noon pa man, wala ng kwenta ang anak mo."
Gusto kong masaktan sa sinabi ni mommy pero may kung anong pumigil sa akin — iyong nanginginig nitong mga kamay na nakatago sa kanyang likuran. Natatakot siya? Natatakot pa rin siya kay daddy?
Nanginginig ang mga kamay niya sa likuran pero ang nakakatakot na mga mukha lang ang nakikita ni daddy.
Mukha namang madaling sumang-ayon ang ama ko sakanya. Nangingiti itong muli bago magsalita.
"Narinig ninyo ang sinabi ng reyna ko? Leave," matatalim pa rin ang mga mata niya sa kasintahan ko. "Pero tandaan ninyong hindi ko kayo tutulungan, kapag kinailangan ninyo ako. Wala kang makukuha sa akin, Jewel."
Nakakapangilabot. Pero mas tinatagan ko lang ang loob ko. Alam kong hindi lang ito ang susuungin naming laban. Simula pa lang ito.
"Alis! Mga putangina!"
Iyon na ang huling sinabi ng ama ko bago tumayo sa kinauupuan. Inalalayan siya ng mga body guard na kasama paakyat sa kwarto marahil nito.
Agad namang nag-unahan ang mga luha ko sa pag-agos. We were saved by my mom!
Alam kong kung hindi pa siya nakisali ay hindi pa kakalma ang ama ko.
Dali-dali ay agad ko siyang niyakap kaya mabilis din ang naging pagtulo ng mga luha niya.
"You are free, Jewel. Lagi mong tatandaan kung g-gaano ka... kamahal ni mommy," nanginginig ang mga labi niyang sabi.
Samantalang ako, hindi ko na nagawang makapagsalita dahil purong hikbi na lang ang lumalabas sa bibig ko.
"Hindi ko maipapangakong makatutulong ako sa pag-alis mo rito pero masaya ako para sa'yo, Jewel. A-Alam ko kung paano ka nagtiis. Please, take care of yourself." hinarap niya rin si Rod na matiim na nakatayo sa harapan namin.
"Take care of my daughter, p-please..."
Mabilis na tumango si Rod. Katulad ko, wala rin atang lumalabas na salita sa mga bibig niya ngayon. Hindi kasi namin inasahan ang mangyayari.
"Sige na, umalis na kayo."
Madiin kong ipinikit ang mga mata ko, pinipilit ang bibig kong makapagsalita.
"Mom, come with us. H-Hindi mo po kailangang magstay kay daddy—"
"No. I'm staying here. Kapag sumama ako sainyo, hindi titigil ang daddy mo kakahabol sa atin. You wouldn't be free... m-my grandchild wouldn't be free. Madadamay siya, madadamay siya! So please, umalis na kayo. Ayokong magbago pa ang isip ng daddy mo," dere-deretso nitong sabi. Hindi pa rin natigil ang panginginig niya at habang patagal nang patagal ay mas lalo lang akong nag-aalala.
Tumango ako kahit parang pati ang ulo ko ay bumigat. "But promise, Ma, you'll take care of yourself too. Promise me you'll be okay here kasi... kasi babalikan kita, Mommy. Gagawa ako ng paraan, just... wait for me. Be strong, please. Be strong for me and your apo," humihikbi kong sabi. Hinihabol ko pa ang sariling hininga.
"P-Promise..."
Ayoko pa sanang umalis. Ayoko pa sanang iwan ang ina pero nang nakarinig kami ng kalabog ay agad agad na kaming lumabas sa bahay.
Eto na, aalis ako nang tuluyan sa bahay ng walang kahit anong dala. Walang kahit anong hawak kundi ang mga kamay ng taong mahal ko.
"I love you so much, Jewel."
Napatingin ako agad sa lalaki nang magsalita ito. Nangingilid man ang ga luha ay pinili ko siyang ngitian.
"I love you too..."
"Laban tayo?"
Mas humigpit lalo ang hawak niya sa mga kamay ko kaya hindi rin ako nagpatalo. Mas hinigpitan ko iyon kaya sabay pa kaming natawa.
"Lalaban tayo," sabi ko pagkatapos ay sabay rin naming itinaas ang aming mga kamao.