Twenty Ilang beses akong nagbuntong-hininga bago tuluyang pumasok sa kwarto ni Rod. Hindi pa ako halos nasanay sa maraming tubong nakakabit sa asawa kahit ilang linggo na siyang nakaratay roon. Asawa. Ngayon ko na lang halos natanggap. Ngayon ko na lang nagawang lunukin ang mga sinabi ko noon maging ang pagkamuhi. Maaaraming hindi ko siya magawang patawarin dahil sa ginawa nito sa akin pero hindi ko kayang mawala ang lalaki. He was still my savior. Nagawa niya akong iligtas kay daddy, nagawa niya akong ipaglaban kay daddy. Nagawa niyang panindigan ang lahat ng pangako niya at mga pinangarap namin. Hindi ko siya mapigilang sisihin kung bakit. Bakit hindi niya sinabi? Bakit hindi kami nagtulungan para masolusyunan ang problema? Bakit itinaboy niya ako noon? Bakit siya naglihim? Bakit

