"Anak, sabihin man na masamang ina ako pero wala na akong pakialam sa sasabihin ng mga tao dahil pumapayag na ako sa alok ni Luke kung iyon ay sa ikabubuti mo anak," naiiyak na saad ni aleng Fiona. "Inay, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Sa isang iglap ay nabago ang buhay nating dalawa. Hindi ko kayang malayo sa iyo inay pero kung para naman sa ikagaganda ng buhay mo ay kakayanin ko ang lahat inay, " umiiyak nang saad ni Trisha. "Aleng Fiona este pwede ko na rin ba kayong tawaging inay?" nahihiyang tanong ni Luke. "Aba oo naman anak," masayang sagot naman ni Aleng Fiona. "Inay ang pera na ito ay huwag mong isipin na bayad ko sa anak mo. Isipin mo na tulong ko po ito para sa iyo para makapag bagong buhay ka na po at para makaalis ka na sa club na pinag tatrabahuhan mo." In

