AYAZAIRAH POV Napamulat ako ng mata nang marinig ang pagtawag ni Hreidmar sa akin. Napansin ko din na nabasag na ang barrier na ginawa ko kanina. Sa pagkataranta ay nagkamali ako ng nagawa dahil sa halip na barrier para sa sarili ang gawin ay naging barrier iyon kung saan kasama ko ang kalaban na nilalang. “Ako ang harapin mo!” Galit na galit ang lalaki at napakalakas ng pinakawalan nitong elemento para paslangin ang kalaban na nasa aking harapan. Pinagsama-sama nito ang mga elemento kaya naman madaming kulay ang lumitaw na tuluyang pumaslang sa buhay ng kalaban. Naging abo ito nang mapaslang at tuluyang naglaho. Napaupo ako ng wala sa oras tila nanghina ang aking tuhod sa nangyari. Nag-aalalang lumapit si Hreidmar sa akin at napayakap agad ako sa lalaki. “Hindi ko alam kung anong ga

