ABIGUR POV Masaya ako sa pinakitang lakas ni Ayazairah. Hindi pa nakukumpleto ang lahat ng elemento pero nagawa n’ya na ang bagay na iyon. Malakas at matalino ang babae bilang itinakda ng Elementalia. Gayunpaman alam ko na wala itong magagawa sa aking kapangyarihan. Nakita ko kung gaano s’ya nahirapan makipaglaban sa huli kong kawal. Wala pa sa aking kalingkingan ang lakas nito kaya sigurado ako na hindi ako nito kaya. “Kahanga-hanga ang iyong alaga Frydah.” Naramdaman kong gising na naman ang babae. Tila mas matagal itong tulog ngayon kaya tahimik ang aking buhay. “Anong ginawa m okay Ayazairah.” Madami yatang naipon na enegy ang babaedahil sinisigawan na naman ako. “Naglaro lang naman kami kaya huwag ka masyadong mag-alala.” Pang-aasar ko sa kanya kaya lalo itong nagalit sa akin.

