“Kilala namin ang inyong mga magulang at nakausap namin sila.” Tila narinig ni Gaius ang tanong ni Fayeth sa sarili kaya sinagot s’ya nito. “Nag-alala sila dahil sa biglaan n’yong pagkawala kaya nasabi nila sa amin ang tungkol sa inyo.” Paliwanag din ni Fleur. “Kakaiba na talaga mag-isip ang mga batang elementalist ngayon.” Mapanukso ang pagtawa ni Gaius habang nakatingin sa mga prinsesa. “Naku hindi ka nagkakamali d’yan Gaius.” Sang-ayon naman ni Tita Frydah sa sinabi ng lalaki. Tila masaya sila sa takbo ng usapan ngunit kami naman ay naguguluhan. “Nagawa kong magpaalam noon kahit alam ko na hindi ako papayagan sa aking pag-alis pero ang mga batang ito ay bigla na lamang naglaho sa kaharian ng walang nakakaalam.” Hindi mo alam kung natutuwa o nang-aasar si Fleur. Nang marealize a

