“Tama ang inyong naiisip dahil hawak na ngayon ni Ayazairah ang elemento ng Geokinesis.” Si Tita Frydah ang sumagot sa kanilang mga tanong sa sarili. Tumango naman ako at nagulat pa ng sumigaw si Fayeth. “Isa nalang ang kulang Ayazairah at makukumpleto mo na ang lahat ng elemento.” Masayang yumakap pa ito sa akin. Napangiti naman ako dahil malapit na akong makabalik sa Elementalia kapag nangyari iyon. Hindi na ako makapaghintay na makumpleto lahat ng elemento. Excited na din ako sa bagong kapangyarihan. Sa tingin ko ay hindi na ako makakapagpahinga nito dahil magsasanay na din ako ng elemento ni Tenanye. “Anong nangyari?” Narinig din pala ng mga lalaki ang sigaw ni Nixie kanina kay nandito na din sila ngayon sa amin upang alamin ang nangyari. “Nawalan ng malay si Tenanye kaya napasi

