Sabado ng hapon... Hawak hawak ang card na binigay sa akin ng schoolmate ko, sinusulyapan ko ang bawat gusaling madaanan namin ni Paris. Sinabi ko sa kanya na may bibilhin akong cabinet at kailangan ko ang raptor niya para may magbuhat nito papuntang bahay. Pagkakataon ko ito dahil hindi naman siya pumasok ng trabaho. Ewan ko na lang kung ano ang magiging reaksyon niya pag nalaman niyang tutungo kami sa pregnancy exercise class at hindi bumili ng cabinet. Sa apat na araw na nakalipas, hindi naging madali sa akin ang magpatawad ngunit napagtanto ko kung hahayaan ko ang sarili kong balutin ng kalungkutan hinding hindi ako magiging masaya. Naging matiwasay din ang pagsasama namin, umiiwas siyang makauwi ng hating gabi, marahil iniiwasan na rin si Marisol ngunit sa kabilang banda, ang kagust

