Chapter Twelve

1111 Words
Her "Wala na bang ibang paraan F-father? I-I mean...hindi ba pwedeng dito na lang sya sa pilipinas magpagamot?" dinig ko ang bawat hikbi ni Ashley sa tanong nyang iyon kay Father Rocco. "She's right Father, baka pwede namang dito na lang sa pilipinas sya magpagamot. Maaalagaan pa namin sya dito.." dugtong naman ni Maple na naiyak na din habang nakayakap sa akin dahil kahit ako ay naiyak na rin sa kaalamang kailangan kong malayo sa tinuturing kong pamilya para makapag pagamot sa ibang bansa. Ayon kay Father Rocco ay nakahanap sila ng sponsor na makakatulong sa akin upang kahit papaano ay malunasan ang karamdaman ko. Lumalala na kasi ito dahil nitong huli nang magising ako ay nasa hospital na pala ako at tatlong buwan na pala akong hindi nagigising. I was also diagnose in a state of coma. Kaya naman pala ganun na lamang ang iyak ni Ashley na syang nagbabantay sa akin noong araw na magising ako. Hindi ko akalain na ang  ganoon na pala ako kahabang nakatulog samantalang ilang ang masamang alaala na iyon ay ilang oras lang ako binisita. **** ****** ****** Sinusubukan kong pigilang umiyak ngunit kusang nag unahan ang mga luha ko ng i-announce na ang oras ng flight ko papuntang Canada kung saan ako magpapagamot. Tanging ang representative ng naturing kong sponsor, na si Ms. Iyana ang maghahatid sa akin doon. Sumasakit ang puso ko nang marinig ko ang paghagulhol ni Ashley at ang mga hikbi ni Maple habang yakap ako. Yinakap ko din sila nang mahigpit hinihiling na sana ay kahit papaano mapakalma sila nang mga yakap ko dahil kahit ako mismo ay nahihirapang iwanan sila. Sila na kasi ang pamilya ko, pati na rin ang mga tao sa simbahan. Nandito ang tahanan ko pero kailangan kong umalis para na rin sa ikapapanatag ng puso nila sa pag-aalala sa akin. "Tatawag kami palagi sa'yo kaya magpatulong ka kay Miss Iyana o kung sino man doon na mapagkakatiwalaan mo para masagot mo ang tawag namin h-ha" bilin ni Ashley sa akin. Tumango naman ako. "Always wear this bracelet. It'll protect you no matter what. Mag iingat ka lagi doon at please lang h'wag nang pasaway ha" tila naging ate si Maple na naghahabilin sa kanyang bunsong kapatid. Medyo naguluhan pa ko sa mga una nyang sinabi pero ipinagsawalang bahala ko na lang at pinakaingatan ang kanilang mga habilin. Muli akong tinawag ni Miss Iyana at inakay na nya ako papunta sa eroplano aming sasakyan. Pahabol ko silang yinakap muli bago ako tuluyang nagpaagos sa bagong mundo na aking gagalawan. Mahigpit ko rin hinawakan ang rosaryong binigay naman sa akin ni sister Ally sa loob ng bulsa ng jacket ko. "Tanggapin mo ito Sailey, ang rosaryong ito ang nagsilbing tagapag gabay ko noong nagsisimula pa lang ako sa paglilingkod ko sa Dyos. Ilang beses na akong pinoprotektahan nito at alam kong ganoon din ang gagawin nito sa'yo habang ikaw ay nasa malayo at nagpapagamot. Ingatan mo ito at pangalagaan dahil habang hawak mo ito, parang mo na rin akong kasama. Magpakatatag ka at ingatan mo ang iyong sarili.." Alam kong pilit na pinapatatag ni Sister Ally ang boses nya para di ako mag-alala. Umiyak ako ng umiyak sa kanyang bisig habang walang patid ang aking pasasalamat sa lahat ng kabutihang binigay nila sa akin. Kung hindi dahil sa kanila ni Father Rocco ay hindi ko na alam kung saan ako pupulutin noong mga oras na halos akala ko ay kinalimutan na ako nang aking pananampalataya. Sila ang nagmulat sa akin na may pag-asa pa sa kabila ng ilang pagsubok na ating tatahakin. Sa bawat desisyon na ating pipiliin. At sa bawat Kanyang pagsubok ay may kaakibat na aral. Aral ukol sa buhay at kung paano mo gustong harapin ang buhay. It's been three days nang makarating ako dito sa magsisilbi ko daw na kwarto at ayon kay Ms. Iyana, mukhang bahay na ito dahil sa kabuuan nitong kwarto ay halos kumpleto na ito sa gamit ayon sa kanyang paglalarawan. Nakalagak ito sa loob ng nasabing ospital na magsusuri sa akin. Tuwing umaga ay sinusuri kaagad nila ako kung nagising ako sa alarm na binigay nila sa akin. Aalamin nila ang vital signs ko at iba pa. Sa ngayon ay wala pa silang nakikitang kahina-hinala sa sakit ko. May pinaiinom na din sa akin na mga gamot at nakatulong ito nang malaki sa akin dahil hindi na ko basta-basta nakakatulog nang hindi ko namamalayan. Bitbit ang cellphone na pinahiram sa akin ni Ashley ay hinayaan ko ang sarili kong makapag lakad-lakad dito sa hospital. May gamit naman akong white cane, which I can use to scan my surrounding despite my visual loss. "What are you doing here in this late hour, young lady?" Tila tumigil ang inog ng mundo ko ng marinig kong muli ang kanyang tinig. Sadyang kay liit nga naman ng mundo dahil kahit anong gawin kong iwas ay pilit pa rin kaming pinagtatagpo ng tadhana. Is this some kind of a prank? Well, its definitely not funny. Naghuhumarintado na naman ang puso ko sa kaalaman na malapit lang sya sa akin. "I'm sorry but I don't talk to strangers S-sir, so will you please excuse me. I have to go." nanginginig na ang mga tuhod ko pero pinilit kong humakbang para makalayo sa kanya. "Hmmm...I thought people who lost one of the five senses will gain extra capabilities to their other four senses. Maybe that theory is wrong because you did not recognize my voice." he huskily said as I heard his voice just on my right side. Nararamdaman ko din ang presensya nya sa tagiliran ko at ang hinayupis mukhang sinasabayan pa nito ang paglalakad ko. Tsk. "Diyos ko naman!... Ano bang kailangan mo?! At teka, did you just insult me?!" hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko dahil sa pinaghalong kaba at inis. "Woah! Calm your horses down there young lady. Tinatanong lang naman kita ng maaayos at natatandaan mo naman pala ako pero you addressed me as a stranger earlier. Tell me, may nagawa o nasabi ba kong mali sa'yo?." Mahinahon nya pa ring sabi at medyo nakonsensya naman ako. Wala naman syang ginagawang masama sa akin pero heto ako, sinisigawan pa sya. I deeply sigh. "okay.. What do you want?" I said in a deadpan tone. Bahala na sya sa gusto nyang isipin basta ba huling encounter na namin ito. "Hmm...coffee?" Nag-aalangan pa ko pero matindi ang kagustuhan kong matapos na lang ito. Hindi ko alam kung kakayanin pa ba ng puso kong makasama sya gayong alam naman nito na hindi na sya naalala ng nagmamay-ari sa kanya. "S-sige." mahinang pagsabi ko na sakto lang para marinig nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD