Chapter Fourteen

1264 Words
Her "She's the girl I'm talking about! the girl that Doc Raven carried last night." "Oh! Is that so? She's a trying hard b*tch that took advantage of her vulnerability to make Dr. Raven fall in her schemes..." "How pathetic. Pretending to be innocent but in reality..she's a cunning slut!" Bulag lang ako pero di ako bingi. These nurses can't even tone down their voices considering that the one they keep on gossiping about is just a few meters away from them. 'Baka sadyang nagpaparinig' my subconscious mind said. Tsk! Kahit pala dito sa Canada ay talamak ang chismosa! Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko dahil bawal sa akin ang magutom lalo na't mataas ang dosage nang mga gamot ko. Nakakapanghina pa nga  minsan lalo na kapag hindi ako nakakain. Matakaw ako pero sobrang bagal ko tumaba, they say I'm lucky by that kind of ability pero sa totoo lang mahirap din maging payat. Minamaliit kasi ang kakayahan naming mga payat tapos hindi pa ko pinagkalooban ng tangkad. Saklap. Naubos ko naman ang kinakain ko kahit nakakawalang gana ang mga chismosang nurse dito. Nabusog man ako ay hindi ko pa rin lubos maisip na si Raven ang nagdala sa akin sa mismong kwarto ko dito sa hospital kagabi. Dahil sa sobrang antok ko kagabi ay hindi ko man lang napigilan ang makatulog sa cafeteria at dahil sya lang ang kasama ko noong mg oras na iyon ay nagboluntaryo na syang buhatin ako at ihatid sa aking kwarto. My cheeks instantly burned with that thought. Ini-imagine ko pa lang ang itsura ko habang buhat nya ako ay tila papanawan na ko ng ulirat sa sobrang hiya! "Hey there sleepy head!" Biglang bati ng lalaking kanina pang ginagambala ang isip ko. "Ay binuhat!" Gulantang kong sabi and I swear narinig ko ang mahina at mapang-asar nyang tawa. "P-pwede ba, h'wag kang ngang nanggugulat! Kita mo na ngang bulag yung tao e!" singhal ko dito para lang maitago ang kaba ko dahil malapit na naman sya sa akin. "Sorry.. I didn't mean that." paghinging paumanhin nito. "I'm just both surprised and glad that you are here. And I'm also searching for you 'cause you didn't answer my quest last night." He added. Natigilan ako sa sinabi nya, hindi nya daw ako kilala eh samantalang mas kilala pa nga nya ko kaysa sa sarili ko. Nang hindi ako nagsalita ay sya naman pagbuka muli nang bibig nya. "You forget what I ask did you? Hmm. So lets start from the beginning like a usual civil who met each other. I'm Dr. Raven Heart Southwood. A certified opthalmologist and an entrepreneur, plus a fvckingly handsome man." he playfully said. I snorted to suppressed my laugh. He's still the same person I knew. Palamura pa din sya sa kabila ng napili nyang propesyon. Namalayan ko na lang din na binibigay ko na rin ang pangalan ko sa kanya. "Lavander Sailey Torres. Sailey for short. " I nonchalantly said to him before I sipped again to my drink. "Lavander-Sailey-Torres-Sailey-for-short. Wow. That's a really long name!" patawa-tawa nyang sabi. My heart swarmed in delight hearing his laughs. How I wish I could record it right now so I could replay it again and again whenever I feel alone or missing him so much. "Haha..." I sarcastically laugh at him to hide my pain. Lalo pa syang natawa and this time it boom in all corners of this cafeteria. "You really are something sweet pea. I never laugh like that since ages ago, until you came. I hope we could be friends or even more than that." I gasped as I heard him being straightforward. Tila nagbago ang atmosphere sa loob nitong cafeteria dahil kahit naka full air-conditioned ang buong hospital ay di ko pa rin maiwasan ang pagpawisan dahil lang sa sinabi nya. Jusko! Ano bang dapat kong isagot?. Nakakabigla naman kasi itong doktor na ito. "Doc, you need to do your rounds for today at 32nd floor." dinig kong biglang pahayag ng isang babae na sa tingin ko'y may edad na dahil sa garalgal nitong boses. "Okay nurse Lea, thank you for informing me." Magalang nyang sagot dito. " I'll get going then, mamaya na lang ulit, sweet pea." He suddenly said and got up from his own chair. Kanina pa 'yang kakatawag nya sa akin ng sweet pea. Mukha na ba akong letsugas?! Sa pagkakatanda ko naman ay kakabigay ko lang ng pangalan ko sa kanya kani-kanina lang pero bakit kailangan nya pa kong tawagin ng gano'n? Tsk. Panay ang pagdagundong ng puso ko at pilit ko naman itong pinapakalma. Hinawakan ko ang kaliwang dibdib ko at ramdam ko sa aking palad ang bilis ng pagtibok nito. I deeply held my breath and let it out in a soft sigh. Unti-unti na ulit syang pumapasok sa buhay ko at alam kong mali ito. Alam na alam kong hindi maganda ang kalalabasan nito pero heto ako pinapakinggan pa rin ang ninanais ng puso ko. Pinipili pa rin nyang masaktan kahit na may sugat pa. Pinipili pa rin nyang magmukhang buo kahit ang nasa loob ko nito ay pira-piraso na. Siguro nga tanga ako gaya nang sinabi sa akin Maple dati. Pero gusto ko ulit huminga. Gusto ko ulit na makaramdam, kahit na alam kong magiging masakit ang kapalit. At least masabi ko man lang sa sarili ko na ginawa ko naman lahat at hindi ko sya basta na lang isinuko. Magiging makasarili muna ako kaysa may pagsisisihan ako sa huli. ****** ******* ********* Naglakad-lakad ako sa may hallway ng ospital kahit na hindi ko naman alam kung saan ko nais pumunta. Mas mabuti na ito kaysa sa magkulong lang ako sa kwarto ko buong maghapon at baka kung anu-ano nanaman ang pumasok sa isip ko. Baka maisipan ko pang lumunok nang bato tapos sumigaw ng darna! Hahaha Patuloy lang ako sa paglalakad nang may narinig akong isang himig. Kumakanta ito nang Marry Me ni Jason Derulo at ang ganda talaga ng boses nya. Sinundan ko ang malamyos nyang boses hindi alintana na pumasok na pala ako sa isang kwarto nang walang paalam.Tumigil ito sa pagkanta at parang doon lang ako naalimpungatan sa aking kahibangan. "Who are you?" the beautiful voice turns out to be the coldest voice I've ever heard. I suddenly felt fear crawl within my insides. Namawis bigla ang mga palad ko sa sobrang kaba. Sheez! Ano ba naman kasing nangyayari sa akin at pumasok-pasok pa ko dito! Jusko naman Sailey! Ngayon ko pa talaga naisipang maging idol si Dora, kung kailan nabulag ka! "Ah...a-ano...a-ah...ano...." I stuttered. Oh God, wag naman po sana masamang tao ang napasukan ko. "Get out of here!" asik nito at namalayan ko na lang na nakalapit na pala sya sa akin saka nya ko pinagtulakan palabas. "T-teka l-lang..s-saglit naman! Aray!" Angil ko. Ang sakit kasi nya makatulak tapos tumama pa yung siko ko sa may doorknob. Jerk! Tinigil na nya ang pagtulak sa akin ng makalampas na ko sa pinto, palabas. Pabalang nya pang isinirado ang pinto kaya naman napapitlag ako sa gulat. "Bastos! Walang manners! Pinaglihi sa sama ng loob! Tse!." parang bata kong sigaw sabay hampas nang white cane ko na halatang tumama naman sa pintuan nya dahil sa tunog nang paghampas ko dito. Naku~! kung nakakakita lang ako, naipukpok ko na sa bunbunan nya itong patpat na hawak ko. Wala ba syang nanay o kapatid na babae para di nya man lang alam ang magpaka-gentleman o kahit respeto na lang! Tao pa din naman ako kahit may kakulangan ako sa paningin! Kainis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD