Nagising akung may mga ngiti sa aking mga labi. Masaya kung pinagmamasdan ang magandang maamo niyang mukha. Himbing pa rin siyang natutulog habang nakayakap sakin. Maingat ko siyang ginawaran ng magaan halik sa noo nag-aalalang baka magising ko siya. Alam kung napagod ko siya kagabi. Hindi ko alam kung ilang ulit ko siyang inangkin. Parang wala akung kapaguran pagdating sa kanya. Parang hindi nauubus ang aking lakas. Gusto kung lagi siyang kayakap at laging nakikita. Kaya hindi ko kakayanin pag nawala siya sakin. Baka ikamatay ko na. Ang anak nalang namin ang tanging kung sandata para manatili siya sa aking tabi sa amin ng anak namin. Nanalangin akung sana ganito nalang kami lagi. Masayang magkakasama. Katabi ko siya sa aking pagtulog at siya rin ang una masisilayan ng aking mga mata pa

