"You b***h patay ka na bakit bumalik pa kayo? Bakit hindi nalang kayo magtago sa lungga niyo at huwag ng manggulo pa samin ni Clark. O baka gusto mong ako ang pumatay sayo para wala ng pe-peste sa relasyon namin ni Clark." Asik niya pagtapat ko sa kanya. "Huh?" tanging lumabas sa bibig ko dahil hindi ko inaasahan ang mga salitang yun na maririnig sa kanya. "Layuan mo si Clark kung ayaw mong pagsisihan kung bakit kapa nagpakita sa kanya. Lumayas na kayo ng anak mong bastardo dito at bumalik sa impeyernong binanggalingan niyo." mariing saad niya at namiywang pa siya. "At sino ka naman para utosan ako? Baka hindi mo alam kung kanino isla ang kinatatayuan mo? Kilalanin mo muna kung sino kinalalaban mo bago ka magyabang. Siguraduhin mo rin kaya mo ako dahil kung hindi ako mismo magbabaun sa

