Naluluha ako habang pinagmamasdan ko ang mag-aama na tuwang-tuwa. Alam kung eto ang pinakahihintay nilang mag-ama ang unang paghakbang ni Wyatt. "One more step young fellow." utos ng kuya Franz niya na nasa may likuran nito habang nasa harap naman si Clark na may malawak na ngiti. Ang mga pangarap niyang madinig ang anak niya sa unang salitang lalabas sa labi nito ay narinig niya na nagpaluha sa kanya dahil tulad ni Franz nuong baby siya "Da.. da" ang unang sinambit nito. Nakita din niya maging ang una nitong pagdapa na awang-awang pa siya dahil nahihirapan daw ito. Ngayon ang una nitong mga hakbang na walang umaalalay. "Kung nabubuhay lang si Daddy alam kung matutuwa siya sa mga apo niya lalo na sayo. Dahil kasama na kita." saad niya na ipinagtaka ko. "Higit pa sa hinihiling niya ang n

