Kabanata Sampu

2072 Words
Ang pagbibilog ng buwan ang kanyang inaabangan upang magsilbing tanglaw sa daan kanyang tatahakin na hindi na nangangailangan ng flashlight. Ilang oras nalang ang kanyang hihintayin upang makaahon sa impeyarnong kinalulubluban. Makikipagsapalaran siya, buhay at kamatayan niya ang nakataya dito kaya kailangang maging maingat ang bawat galaw niya. Handa na ang lahat ng kailangan niya ilang gabi niyang pinagpuyatan ang lahat para makumpleto ang gagamitin niya dahil hindi basta bastang makakalabas sa mapanganib na kagubatang kanyang tatawirin sa pagtakas. Hindi naman siya pwedeng tumawid sa karagatan ng walang matibay na sasakyan pandagat. Isa lang tanging daan pumasok sa kagubatan at maki pagsapalaran sa pakikibaka sa mababangis na hayop sa loob nito. Tawirin ang matatarik na bangin. Hindi rin pwedeng sa kabilang gubat dahil sa dulo nuon puro matataas na bundok sa kabila naman nuo'y dagat. Isang lang ang daan kagubatan at bangin. Isang buwang mahigit kong pinag-aral ang paligid. Buti nalang na-trained ako ni Papa. Marami rin lumang gamit na nakaimbak sa bodega na magagamit ko. Yun iba bago pa pero may kunting sira kaya ko naman gawan paraan, madali naman remedyuhan. Sadyang mayaman lang siguro ang may ari kaya kahit kunting sira lang tinatapon na. "Pa, mapapakinabangan ko ngayon yun mga tinuro niyo sakin." bulong niya sa sarili niya. "Kaya lang yun iba nakalimutan ko na sa tagal." kausap niya sa sarili at tumingala pa na para bang makikita niya sa langit ang kausap niya. Lumabas na siya ng silid niya at nagtungo sa kitchen upang ipaghanda ng almusal ang apat na babae bago pa magising ang mga ito dahil masisigawan at sasaktan nanaman siya ng mga ito. Inilabas na niya ang mga kakailanganin niyang sangkap sa pagluluto. Kailangan may nakahain ng pagkain sa hapag ng mesa pagbaba ng mga ito. Bilang din ng mga ito kung ilan at kung anu ano ang mga stock nilang pagkain dahil bawal siya kumain ng mga yun. Tanging tubig lang nakukuha niya duon. "May araw din kayo. Babalikan ko kayo." bulong niya habang naghihiwa ng sibuyas. "Upo na kayo sandali nalang ito." aniya pagkakita niya sa mga babaeng magkakasunod na pumasok sa dining area. Nagtaka pa siya ng walang nagsalita isa man sa mga ito. Mukha din mga zombies. "Anong nangyari" tanong niya sa isip niya. Ginawan nalang niya ng kape ang bawat isa. At hindi na nagtanong baka mapahamak pa siya kung mag-uusisa pa siya. "Iwanan nalang ninyo yan mga pinagkainan niyo mamaya ko nalang liligpitin may lilinisin pa kasi ako." malumanay niyang wika. Sa totoo lang wala naman siyang gagawin magkukulong lang siya sa kwarto para may lakas siya mamaya. Ito na ang matagal na niyang pinakahihintay na pagkakataon. Matapos niyang maligpit lahat ng dapat iligpit. Umakyat na siya sa hagdanan papuntang silid niya nadaanan pa niya ang apat na babae sa sala na tila may pinag-uusapan. Pagpasok niya sa kwarto niya ikinandado niya agad yun. Gusto niyang matulog muna kahit isa o dalawang oras lang para may lakas siya mamaya sa pagsuong sa panganib. Napabalikwas siya ng bangon ng maalimpungatan siya kinusot kusut pa niya ang mga mata at sumulyap sa wall clock 9:23 ng gabi. Naupo na siya sa gilid ng kama, pinakiramdaman niya ang paligid tahimik na. Nabaling ang pansin niya sa gumagalaw na kurtina hindi pala niya naisara ang sliding door kaya tinungo niya ang terrace, humawak siya sa railing at tumingala. Kitang kita niya kabilogan ng maliwanag na buwan. "Ito na ang hinihintay ko. Wish me luck Moon" kausap niya sa buwan at napangiti pa siya. Maingat niyang binuksan ang silid kung saan natutulog ang dalawang babae sinilip niya yun nag masigurong himbing ng natutulog dahan dahan siya pumasok. Nangmakalapit na siya sa kama ng mga ito tinakpan niya ng panyo ang sariling ilong bago inilabas sa bulsa ang isang botelya kinuha din niya sa kabilang bulsa ang bulak saka niya binihusan ng likidong laman ng botelya at itinapat sa ilong ng dalawang babae. Ilang sigundo lang mas lalo pang nahimbing sa pagtulog ang dalawa. Itinaas pa niya ang kamay ng isa saka hinilahila pero hindi nagising kaya napangiti siya at dali daling lumipat sa kabilang kwarto kung saan natutulog yun dalawa pang babae ganuon din ang ginawa niya dito. "Matulog lang kayung mahimbing para bukas pwede na kayung magsaya." kausap pa niya sa mga babaeng natutulog bago pa siya lumabas sa kwarto ng mag ito. Lumabas na siya ng mansyon at nagtungo sa kagubatan isinakatuparan na niya ang pangalawang hakbang niya sa gagawing pagtakas umabot din siya ng kulang isang oras atsaka ng lublub sa ilog na nasa kagubatan. Bago pa siya lumabas ng gubat pabalik sa mansyon kinatikot pa niya ang improvise na gadget niya ng nasiguro na hack na niya ang mga surveillance camera. Patakbo na siyang pumunta sa mansyon kailangan na niyang magmadali. Kailangan ko munang maligo dahil amoy malansa ako. Kinuha ko ang jogging pants, jacket at t-shirt na isusuot ko sa pagtakas. Pagkaligo ko nagmamadali nakong lumabas ng banyo nag maalala yun t-shirt na hinubad ko sa banyo kaya bumalik ako. "Sayang 'to remembrance ko." bulong ko. dahil ito ang t-shirt na pinasuot sakin ng halimaw may tatlong letra sa may kaliwang dibdib "CAV" maganda ang tela kulay puti. Hindi ko na pinag-aksayahan pang itupi basta ko nalang isunuksuk sa backpack na dadalhin ko. Nag nakuha ko lahat ng gagamitin ko nagtungo naman ako sa kusina, kumuha ako ng apat na mineral bottle water at inilagay sa backpack. Tinungo ko ring ang bodega sa likod ng mansyo kinuha ang mga lubid, pana at palaso meron din akung dalang sibat na nakuha dito sa bodega, lahat ng kailangan ko dala ko. Isinuot ko rin ang isang combat shoes na nakita rin dito medyo malaki ito pero ayus lang hihigpitan ko nalang ang tali. Nang masiguro kung ayus na isinarado ko na ang pinto. At nagmamadaling pumasok sa kagubatan minsan ko pang kinatikot ang improvise na gadget ko bago tuloyan tinahak papasok ang kagubatan papunta sa bangin na tangin alam kung daan para makalayo ng tuluyan sa isla. Lakad takbo ang ginawa ko dahil hindi ako pwedeng abutang ng liwanag sa gubat dapat bago pa pumutok ng liwanag malayo na ang narating ko. Maingat ang bawat hakbang ko gamit at isang kahoy upang itaboy kung may ahas man sa daraanan ko. Matalas din ang mga mata ko at pakiramdam dahil ano mang oras maari akung atakihin ng mababangis na hayop gubat. Nag may maramdam akung kaluskus malapit sakin huminto muna ako at nakiramdam iginala ko ang aking paningin. "s**t" usal ko ng makita ang isang kulumpon ng mabangis na hayop agad kong hinila ang pana at nilagyan ng palaso bininit ko na mabuti at pinawalan ng malapit na niya akung dambahin. Isang malakas ng ingik ang kumawala sa hayop kaya sinudan ko ng isa pang tira. Tanging liwanag ng buwan na lumalagos sa maninipis na dahon ng mga puno kahoy ang tumatanglaw sa dinaraanan ko. Mero din akong flashlight na nakakabit sa aking noo pero hindi ko ginagamit dahil baka makatawag pa ng attention ng mga mababangis na hayop. Halos hindi nako tumitigil sa katatabok para marating ko ang bangin. Kailangan kung makababa duon. Hinanap ko agad ang mga batong inilagay ko sa tabi ng bangin bilang palatandaan ko. Ng makita ko ito sinunod kung hinanap ang puno na pwede kung pagtalian ng lubid para makababa ako. Pinagmasadan ko pang mabuti kung paano ako magpapadausdus gamit ang lubid. Maingat at dahan dahan nakung bumaba sa bangin gamit ang lubid kahit nasasabit nako sa maliliit na tuyong sanga ng kahoy binabaliwala ko lang. Kailangan kung makababa agad. Sakton nakatapak nako sa bato ng wala na akong mahahawakan lubid kaya pinatatag ko nalang ang mga paa ko. Binitiwan ko ang kabilang dulo ng lubid saka hinila ang kabilang dulo, para walang ibidensyang makikita. Umupo ako sa batuhan at dahan dahan umuusad pababa dahil sa maling tapak ko lang mahuhulog ako sa matutulis na mga bato sa baba. Malawak na ilog ang bumungad saking pagbaba ko ng mga bato, hindi ko alam kung gaano kalalim ito. Kaya naghanap ako ng madadaanan para makatawid ng ilog. Nagmakita kung may mga malalaking bato sa banda roon kailangan kung puntahan para duon tumawid. Hinila ko ang compass sa leeg ko na ginawa kung kwentas. "East" usal ko, yun ang kailangan kung talutunin. Talahiban naman ang aking tatawirin ngayon kaya isinasangga ko ang isang braso ko sa mukha ko dahil nahihiwa ang balat ko sa talas ng gilid ng dahon ng mga ito. Takbo lang ako ng takbo. Nanalangin na makakalabas ako ng buhay sa masukal at marami din mabanangis na hayup sa kagubatan at kabundukan. May mga ahas din at ibong pang gabi akung naririnig na humuhuni. Narating ko na ang pinaka-tuktuk ng isang bundok. Nangiti ako ng may matanaw na mumunting liwanag na nagsalimbayan sa malayo. Alam kung malayo pa yun dahil sa liit nila na parang mga alitaptap, kaya alam ko na kung anung daan ang tataluntunin ko. Tama ngang East ang pinuntahan ko. Kung mahirap ang umakyat ng bundok mukhang mahirap din bumaba dahil hindi lang basta bundok ito maraming matutulis na bato ang nakabaun sa paligid kunting maling galaw ko lang madadali ako. Paliwanag na ang kapaligiran pero andito parin ako sa kagubatan. Nangmakakita ako ng medyo malinis na lugar nagpahinga uli ako binuksan ko ang backpack kung dala at dinukot ang baon kung inihaw na laman ng gabing nakuha sa kagubatan nuong isang araw. Sa gutom ko naubus ko lahat ng baon ko. Isa pang bundok ang aking kailangan tawirin para tuluyan ng makalayo sa isla. Hindi na mataas ito, kunting hirap nalang. Bago pa ako nakababa ng bundok isa rikwa ng mga unggoy ang na-encounter ko. "Sorry" wika ko dahil apat ang napatay ko dahil wild monkey sila at alam ko na hindi nila ako sasantohin. Meron din mga ahas na muntik muntikanan nakong matuklaw. Mga mababangis na hayop. Naubus ang dala kung palaso maging sibat. Natira nalang ang nakatali sa bewang kung Fox Jungle Bolo Machete Knife nasa binti ko naman ang Jungle Knife-blue at Dragon Claw Crescent Knife na nakasuksuk parin sa mga daliri ko. Para ano mang oras may panang-galang ako. Hinihingal nako sa pagod, gutom narin ako. Pero kailangan kung magtiis, kunti na nalang malaya nako. Mga sugat at galos ang inanani ko sa naging palalakbay ko bago ako nakaratin dito sa kinauupuan ko sa isang nakabuwal na punong kahoy. Mapapalibutan ng mga damong namumulaklak ng kulay dilaw na animo sunflower. Hindi ako madaling makikita dito. May kakapalan ang mga damo sa paligid ko. Tanaw ko na ang isang kalsada ayun sa anino ng sikat ng araw nasa pagitan na ng alas tres at alas kwatro ng hapon. Gutom at uhaw nadin ako ubus na yun tubig kung dala wala nadin akung kakainin. Wala naman kasi akung napansing mga ligaw na prutas o sadyang hindi ko lang talaga nabigyan ng pansin. May isang oras na akong nagmamasid dito sa kiuupuan ko medyo mataas ito dahil baba ito ng isa sa bundok na tinawid ko. Hindi naman ako pwedeng bumaba nalang basta. May natanaw akung mabagal na umuusad na isang truck may lonang pinakabubung sa likod. Huminto ito pag lampas sa kiuupuan ko kaya kita kong bumaba ang may katandaan ng lalake nagtungo siya sa harap at huminto. Maya maya pa kasunod na niya ang isang babaeng halos kaidadad lang niya may dalang itim na payong. Alam ko na kung anong gagawin nila. Nagmamadali akung kimilos nakayuko akung tumakbo papunta sa may likod ng sasakayan nagmakita ko ng natatakpan ng nakabukas na payong ang katawan ng babaing nakaupo habang ang lalaki nama'y lumakad pa palayu sa babae. Nagmamadali nakung sumampa sa likod ng truck, maraming tiklis na walang laman ang nagkalat sa loob ng truck may magulong lona din nakalatag sa pinasahig nito. Dali dali akong pumaloob sa lonang nakalatad hinila ko pa ang isang tiklis at inilagay sa pinakadulo ng lona sa tapat ng ulo ko upang umangat ito at pumasok ang hangin. Hindi ko alintana ang dumi at amoy ng kinahihigaan ko basta ang nasa isip ko makaalis sa lugar kung saan ako ngayon. Naramdam kung umuga ang truck indikasyon nakasakay na ang dalawang tao hanggang umusad ito ng mabangal at bumilis na ng takbo. Nakahinga nako ng maluwag. Tinanggal ko na ang backpack sa aking likuran, dahil sa sobrang pagod at gutom ipinikit ko na ang aking mga mata. . . . . .......................................................... please follow my account ....add my stories in your library.. ........"Lady Lhee"...... .....thanksguys....loveu...lrs..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD