Habang pinagmamasdan ko ang aking anak na masayang kasama ang kanyang ama parang unti-unting naglalaho ang namuong galit dito sa puso ko. Kung dati muhing-muhi ako sa halimaw na gusto kung patayin ngayon napapalita ito ng paghanga dahil sa mga pinapakita niya at sa nakikita kung saya sa kanilang dalawa. Ang mga plano kung paghihiganti bilang kabayaran sa mga natamo kung hirap sa piling niya tila naburang lahat sa isip ko. Parang hindi ko kayan saktan ang importanteng tao sa buhay ng anak ko. Hindi ko maigalaw ang mga kamay ko upang saktan siya, para akung nanghihina para gawin ito. Wala akung lakas ng loob sumbatan siya tulad ng plano ko. Ayokong kamuhian ako ng anak ko pagdating ng araw, pero paano ko bibigyan ng katarungan ang kasamaang ginawa niya sakin. Mananatili nalang bang lihim an

