CHAPTER 5
Maagang nagising si Louie, gawa ng namamahay siya. Sabihin nang ang ganda ng kwarto niya pero hindi siya sanay, namimiss na niya ang kaniyang higaan lalo na ang kaniyang tiyo Ed. Hindi niya tuloy maiwasan na hindi malungkot. Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya bago niya naisipang tumayo na at pumunta ng kusina.
Goodmorning iha! masiglang bata sa 'kanya nang babe na medyo may katandaan na, kung susumahin mukhang nasa early fifties na ito. Akala pa naman niya siya na ang maagang magising, pero hindi pala.
Goodmorning din po" magalang na bati din niya dito habang nakangiti. Ang aga niya naman po nagising?
Ngumiti naman ito sa 'kanya bago siya siangot. "Ganitong oras talaga ako nagigising, ikaw? ba't ang aga mo? hulaan ko namamahay ka nho.?
Opo eh, namimiss ko ata ang bahay namin, tsaka hindi po ako sanay makitulog sa ibang bahay. paliwanang niya dito.
Ano ka bang bata ka, hindi naman ito ibang bahay, bahay mo na din ito diba?..
Naku, hindi po, kay mister po ito at hindi akin". tanggi niya dito.
Natawa naman ito sa'kanya. Pareho din naman yun, kung ano ang kaniya ay iyo na din, ganoon ang mag-asawa iha. Napangiti naman siya ng mapait. "Yun ay kung totoong mag-asawa kami, kung hindi pilit angg kasal namin. Kaso hindi eh."
"Kanina pa pala tayo nag-uusap pero hindi pa ako nagpapakilala sayo iha, matanda na talaga ako ano? nanginngiti nitong sabi habang naghuhugas ng mga gulay.
Hindi naman po, hindi naman halata. Ay! ako po pala si Louie, pero pwede niyo po ako tawaging Lu na lang. pagpapakilala niya dito.
Ako naman ang nanay Sally mo, matagal na ako dito, halos ako na ang nagpalagi diyan sa asawa mo. Mamaya pag nagising na ang dalawang kasama ko dito, ipapakilala ko din sila sayo.." wika nito.
Tulungan ko na po kayo diyan nay, kesa naman nakikipagmaritessan ako sayo na walang ginagawa. "
Naku huwag na, umupo ka na lang diyan at gagawan kita ng kape pakatapos ko dito.
Ako na lang po nay ang gagawa" sabi niya dito saka mabilis na tumalima at para kumuha ng tasa at magtimpla ng kape niya.
Uhm, nay? kuha niya sa atensiyon nito na agad din naman siyang binalingan.
Bakit po parang hindi maayos ang pakikitungo ni mister sa daddy niya?
Na daddy mo na din" pagtatama nito sa 'kanya. Saka malungkot na tumitig sa 'kanya.
Sa totoo lang iha, sobrang bait ng alaga ko na yan. Pero lahat nag bago dahil kay Bel." wika nito, at nakitaan niya ng galit ang mga mata ng matanda.
"Sino po si Bel nay?
Dating kasintahan ng asawa mo, ang dapat na mapapangasawa niya.
Eh bakit po sila naghiwalay? usisa pa niya. Hindi naman siya chismosa sa lagay ng yun diba?
Ang alam ko mas pinili ng babae ang pangarap kesa pakasalan ang asawa mo. At ang masaklap pa doon, umalis iyon sa araw mismo ng kasal nila.
Tila naman may humaplos na awa sa puso ng dalaga para sa asawa niya. Kaya siguro laging madilim ang mukha nun at kasing lamig ng yelo kung tumitig ang mga mata nito dahil doon.
Noon pa man tutol na ang ama ng asawa mo sa babe na yun, gawa ng may gusto ang Don para sa anak niya, na sa pagkaka-alam ko ay nasa tiyan palang ng mga nanay nila ang mga ito ay naipagkasundo na ng mga magulang nila, pero dahil sobrang mahal ito ng anak niya kaya hinayaan na lang niya ang mga ito hanggang sa nangyari na nga ang nangyari at hindi sinsadyang maisumbat iyon ng ama sa asawa mo.
Yun ang naging ugat ng lahat, kung bakit siya ganyan, at lalong nagkaroon ng harang sa mag-ama ng baliwalain nang asawa mo ang lahat ng pinaghirapan at pangarap niya dahil sa nangyari." malungkot na kwento nito.
Malungkot naman siyang tumango sa nanay Sally niya. Ngayon na niya mas naiintindihan ang lahat. Kaya pala pinakiusap sa 'kanya ng Don na habaan ang pasensiya niya dito.
Ngayon, kahit paano masaya ako na may makakasama na siya sa buhay, kaya sana alagaan mo ang asawa mo ha kahit alam kung pareho kayong napilitan na dalawa. Pero naniniwala ako na mababago mo ang alaga ko." masayang sabi nito sa 'kanya.
Louie just smiled. Hindi niya alam kasi kung ano ang isasagot dito. Ngayon pa lang nga hindi na niya alam kung paano aakto sa harap nito. "hays bahala na". wika na lang niya sa isip.
Kakalapag lang ni Louie ng mga niluto ni nanay Sally sa mesa nang bumaba ang asawa niya kuno. Kaya kahit alangan man ay binati niyo ito.
"Good morning, almusal ka na. . yaya niya dito pero tila ba siya isang hangin na hindi man lang nito tinapunan ng tingin. Feeling niya tuloy ay napahiya siya dun.
"Oh iho, gising ka na pala, samahan mo na ang asawa mong mag-almusal. ' rinig niyang sabi dito ng nanay Sally. "Sorry nay, but I don't wanna eat breakfast." sagot naman nito sa matanda.
"Ano ka ba naman Blaze, araw-ara sa ginawa ng Diyos ay kape lang ang laman ng sikmura mo, alam mo naman na hindi maganda yan sa katawan diba? rinig pa niyang panenermon nito.
"Wala po akong gana nay, isa pa nagmamadali ako at may lalakarin kami ngayon".
Nangunot naman ang noo niya sa sinagot nito. "Lalakarin? natanong na lang niya sa kaniyang isip dahil hindi niya iyon maaring isatinig pa. Isa pa, wala naman siya sa posisyon o karapatan para magtanong dito ng mga ganyang bagay.
Akmang uupo na sana siya ng bigla itong magsalita banda sa may likuran niya.
"Nay Sally, baka po nakakalimutan niyo na hindi ako sanay kumain ng may kasabay" wika nito bago naglakad palayo sa kanila.
Tigalgal si Louie sa 'kaniyang narinig. Ibig sabihin hindi ito kumain dahil andoon siya. Napapitlag siya ng tapikin ng marahan ng nay Sally niya ang kaniyang balikat.
Huwag mo na lang pansinin ang asawa mo, hala, sige na kumain ka na..
Sa...sabayan niyo na po ako nay." nauutal niyang sabi dito. Hindi niya kasi maintindihan ang nararamdaman niya sa mga oras na yun tila kasi may kumudlit sa puso niya sa sinabi ng asawa niya. Sabagay, sino nga ba naman siya para sumabay doon, eh galit nga ito sa 'kanya dahil sa pagpayag niyang ikasal sila. Isa pa, yung mga binitiwan nitong salita nung gabing nagkausap sila na hindi siya ituturing na asawa once na pumayag siya sa kagustuhan ng ama nito. Ito na nga siguro yun.
Pakatapos nilang kumain ay umakyat muna siya sa kaniyang kwarto para maligo at mag-bihis. Balak niyang dalawin ang kaniyang tiyo at pakatapos ay dederetso muna siya sa kaniyang trabaho. Hindi kasi siya nakapagpaalam ng maayos sa boss niya and for sure hahanapin siya nito.
She's working at the hotel as a receptionist at mahal niya ang trabaho niya. After niyang magtapos ng college ay naghanap agad siya ng trabaho para makapag-ipon at makatulong sa kaniyang tiyo. At ngayon nga ay mahigit dalawang taon na siyang namamasukan doon.
Isang sipat pa ng kaniyang sarili sa salamin bago niya naisipang lumabas na ng kwarto.
Wala naman na siyang naabutang tao sa baba kaya hindi na siay nag-abala pang hanapin ang nay Sally at dumeretso na lang siya lumabas ng bahay.
Papara na sana siya ng taxi ng may humintong sasakyan sa harapan niya. Hindi naman niya makita ang nasa loob nun dahil tinted ang salamin ng sasakyan. Ngunit ganoon na lang ang t***k ng puso niya ng biglang bumaba ang salamin ng sasakyan at iluwa doon ang gwapong-gwapong mukha ng asawa. "Sh*t lang! ba't ang pogi".
And where do you think you going? tanong nito sa madilim nanaman na mukha, Anyway, wala namang bago pa dito.
Do I need to repeat it again Miss Pardo? tanong ulit nito sa mataas na tono.
Bibisitahin ko lang ang tiyo ko and dederetso na ako sa trabaho ko'. sagot niya dito na hindi makatingin ng deretso sa mga mata ng asawa. Feeling niya kasi pag tumingin siya dito ay mag-yeyelo siya sa lamig ng titig nito.
And who said na pwede kang bumalik sa trabaho mo? tanong nito na ikinaangat niya ng tingin dito.
"Come again? she asked.
Go back inside at hindi ka aalis ng bahay ko! hindi ka babalik sa trabaho mo! maliwanag ba? I will never give you any single chance para ipagkalat na asawa mo ako? you get me? mariing sabi nito na ikinainit ng ulo niya.
Kung yan ang ikinakakatakot mo, then rest assure na walang makakaalam na asawa mo ako! isa pa, hindi naman ako tsismosa at proud na asawa para ipagkalat ang kasal nating pilit".. mahinahon niyang sagot dito.
Then good! at least malinaw. But I'm warning you, oras na may kumalat na kasal na ako, ikaw ang mananagot saakin. Sabi nito saka mabilis na pinaandar ang sasakyan.
Kuyom naman ang palad ni Louie sa pagpipigil ng galit na namumuo para sa asawa niya kuno. "Bwesit, akala mo naman masaya ako na ikinasal sa 'kanya". inis na sabi niya bago sumakay sa taxi na nakahinto na pala sa harapan niya.