KEIRA was bored to death sa loob ng mansiyon ng buong araw na iyon dahil wala siyang magawa. She only stayed inside her room to avoid Vince. She missed Jeremy so much, dahil simula pa ng huli silang magkita kaninang umaga ay hindi pa rin ito bumabalik. Pasado-alas-onse na ng gabi. She lay down on her bed, covered herself with a blanket and drifted to sleep. Ilang minuto pa lang siguro siyang nakakatulog nang maramdaman niya ang pagtanggal ng kumot na nakataklob sa kanya at ang marahang paghalik sa labi niya. Nagmulat siya ng mata at napangiti nang masalubong ang guwapong mukha ni Jeremy. “I’m sorry to wake you up,” bulong nito. Umupo siya sa kama at tumingin dito. “Bakit ngayon ka lang dumating?” “Come to my room, may ipapakita ako sa’yo,” pagkasabi noon ay nauna na itong lumabas ng k

