JUSTEEN ISANG malakas na sigaw ang pinakawalan ko sa sobrang takot ko dahil malapit na sila Demo sa akin. Sa mga hitsura pa lang ng mga mokong na iyon ay alam kong may hindi maganda silang gagawin sa akin. Siyemre, nakita ko na nambubugbog sila. Baka patayin nila ako para hindi ako makapagsumbong! Lord! Help me naman po, please! Ayoko pang mamatay. Bata pa po ako! Ilang dipa na lang ang layo nina Demo. Doon ko naisip na talagang mamamatay na ako kung hindi ako kikilos. Huminga ako nang malalim at tinapik-tapik ang pisngi ko. Gising, Justeen! Tama na ang pabebe! Inipon ko ang natitira kong lakas sabay pihit patalikod. Akmang tatakbo na sana ako nang bumangga ako sa isang tao. Natumba ako at pagtingala ko ay nakita ko si Josef. Nakalahad ang kamay sa akin. Para kong nakita si Superman ng

