JUSTEEN
MAAGA pa lamang ay gising na ako. Halos hindi na nga ako nakatulog dahil sa kaba ko. I was worried lang talaga kung magugustuhan ba ni Josef ang chocolate cookies ko. Kinakabahan din naman ang mga beauty queen na katulad ko sometimes.
After kong maayos ang sarili ko at mag-breakfast ay pumasok na ako sa school. Kaunti pa lang ang tao sa room dahil medyo napaaga talaga ako. Nag-f*******: muna ako sa phone ko para pampalipas ng oras. Nang magtilian ang mga babae sa room ay alam ko nang dumating na si Josef. I don’t know why pero nang makita ko siyang naglalakad papunta sa kanyang seat ay bumilis ang aking hearbeat at ang paggalaw niya ay parang naging slow motion. Ghaaad! Ano itong nafi-feel ko?
Maybe, crush. Yes. Crush lang ito. Nothing more.
Mabilis na lumipas ang oras at dumating na ang perfect time para kausapin ko si Josef. Of course, nagpasama ako kay Mocha para may support. Tatayo na sana si Josef sa kanyang upuan para lumabas dahil break time na nang lapitan ko siya. Napansin ko agad ang pagbusangot ng mukha niya nang makita ako. Smile naman agad ako. Dapat kong suklian ng positive vibes ang negative vibes niya sa akin.
“Hi, Josef! My name isa Justeen Papio ang this is my friend Mocha—“
“I know you.” Nakakatakot naman ang kaseryosohan ng boses niya.
“Ah, talaga? Hmm… Gusto ko lang sanang mag-sorry sa mga disaster na dinala ko sa’yo these past few days. I am so sorry talaga, Josef…” Sincere naman ako sa sorry ko.
Hindi siya umimik. Nakahalukipkip lang siya sa amin ni Mocha.
“W-wala ka bang sasabihin?” tanong ko.
“Wala naman. Ikaw, may sasabihin ka pa ba? Kung wala na ay aalis na—“
“Ay, wait!” Sa kagustuhan ko na mag-stay siya ay automatic na nahawakan ko siya sa braso. Nabitiwan ko naman iyon agad dahil na-awkward-an ako. Saka parang may nar-feel akong electric current na dumaloy sa kamay ko nang mahawakan ko siya. “May ibibigay ako sa’yo. Oo, tama!” Medyo natataranta kong sabi.
Ano ba ito? Bakit feeling pressured naman ako? Hindi dapat ganito. A true beauty queen is always on poise!
Inibot ko sa kanya ang maliit na paperbag na naglalaman ng chocolate cookies. “Pinag-bake kita ng chocolate cookies para malaman mo na sincere ako sa sorry ko sa iyo, Josef. I personally baked those cookies for you!” `Ayan na nga. Dumada-moves na ako ng slight.
Nag-aalangan na tiningnan niya ako sabay kuha ng paperbag. Inilabas niya doon ang box ng cookies. Tama ba itong nakikita ko? He’s smiling?
“Actually, naiinis ako sa’yo, Justeen, pero thank you dito sa cookies. I love chocolate cookies, by the way.”
“Talaga?!”
Masaya kaming nagkatinginan ni Mocha. Yes! Mukhang magwo-work ang suggestion ng bes ko, ah.
Binuksan niya ang box at kumuha ng isang cookie. Inamoy niya iyon habang nakapikit siya. Shemay! Ang gwapo talaga ng lalaking ito. Nang magsabog yata ng kagwapuhan ang Diyos ay may dala itong sako kaya maraming nakuha. Napalunok ako nang marahan niyang dalhin sa bibig niya ang cookie at kumagat doon. Nginuya niya iyon. Inaasahan ko ang papuri niya dahil sa masarap kong cake pero iba ang nangyari. Napangiwi siya sabay luwa ng cookie.
Umubo siya nang umubo hanggang sa mamula na ang buong mukha niya.
Hinimas ko ang likod niya sa sobrang pag-aalala ko. “Josef, bakit? Anong nangyari?” Sa sobrang sarap yata ng cookie ko ay hindi niya kinaya.
Tinabig niya ang kamay ko at galit na sinigawan ako. “Papatayin mo ba ako?! O nang-aasar ka talaga?” Nagtataray na naman siya gaya ng sabi ni Mocha kahapon.
“What? Ano bang—“
“Ilang kilong asin ba ang nilagay mo sa cookies na `yan?! Sincere ka pala sa sorry mo, ha? You can’t fool me now, Justeen!” aniya. Ibinalik niya sa papaerbag ang box ng cookies at ibinagsak iyon sa sahig sabay walk-out.
“Hala ka, bes! Ano bang nilagay mo sa cookies mo?”
Dinampot ni Mocha ang papaerbag at kumuha siya ng cookie para tikman. Katulad ng reaksiyon ni Josef kanina ang naging reaksiyon niya. “Pwe! Bes, ang alat!” Nagkanda-ubo rin ito.
Tumikim din ako at doon ko nalaman na totoo nga ang sinasabi nila.
Nanlulumo na napaupo na lang ako. “Napagkamalan ko sigurong sugar iyong salt… Hay! Ang tanga ko!”
“Dapat kasi tinikman mo muna. Tingnan mo ang nangyari.”
“Alam mo naman na kapag pinagbe-bake ko ang ibang tao ay hindi ko tinitikman. Ritual ko na iyon, bes…”
“Eh, paano na iyan? Imbes na mapaamo mo si Josef, lalo pa siyang nagalit sa’yo. Mahihirapan ka na talagang maging kayo.”
“Bes, help me…” Nagsusumamo kong sabi.
“Hay naku, bes. Sa ngayon, palipasin mo muna ang galit ni Josef sa’yo bago ka ulit kumilos.”
Mocha is right. Baka mas lalong magalit sa akin si Josef kapag kinausap ko siya ngayon. Ang tanga ko kasi. Aminado naman ako. Antok na rin kasi ako kagabi habang gumagawa ako ng cookies kaya hindi ko napansin na asin pala ang nailagay ko imbes na asukal. Haay… Paano na ang pagganti ko nito kay Lucky?
MAGHAPON kong inisip ang naging problema ko kay Josef hanggang sa uwian na. Feeling ko tuloy ay hindi ako makakapag-concentrate sa report ko bukas.
“Bes, kailangan ko palang dumaan sa library,” sabi ko kay Mocha habang inaayos ko ang gamit ko sa aking bag. “May mga books akong kailangan para sa report ko bukas. Kung okay lang naman sa’yo, pwede mo akong samahan.”
“Sure, bes. Wala naman tayong assignment today kaya pwede akong gomora sa iyo.”
“Thanks, bes.”
Habang papunta kami sa library ay iniisip ko pa rin kung ano na ba ang magiging next move ko para maging kami ni Lucky. Ang hirap namang mag-isip. Wala talagang pumapasok sa utak ko. Ayoko naman na magback-out na lang sa pagganti ko kay Lucky dahil I believe na kung ano ang sinimulan ko ay tatapusin ko.
Nakasalubong pa nga namin si Josef pero hindi niya ako pinansin. It’s seems na isa akong hangin na dumaan lang sa harapan niya. Inisip niya siguro na sinasadya ko ang mga nangyari lalo na iyong salty cookies na binigay ko sa kanya. Ayoko na nga munang isipin iyon dahil nare-realize ko na tanga din pala ako sometimes.
“HINDI ka pa ba tapos, bes? Seven na ng gabi.” Reklamo ni Mocha sa akin. Hindi pa rin kasi ako tapos sa ginagawa kong pagre-research about sa report ko.
“Sandali na lang, bes. Give me five minutes tapos uuwi na tayo.”
“Aba, bilisan mo na at gabi na. Alam mo naman na dangerous ang panahon ngayon.”
“Oo na, bes. Kalma ka lang, ha?”
Binilisan ko na nag pag-copy ng mga kailangan kong details para makauwi na rin kami. Tinext ko naman si Mama Jolina na male-late ako ng uwi dahil dito para hindi siya mag-alala.
At sa wakas ay natapos na ako sa ginagawa ko. Lumabas na kami ng library at naglakad na pauwi. Hindi naman ganoon kalayo ang bahay namin sa school kaya naglalakad na lang kami. Tipid na sa pera, nakakapag-tsismisan pa kami ni Mocha. Katulad ngayon, as usual ay si Josef ang topic namin.
“Bakit kasi hayaan mo na lang sina Liya at Lucky, bes? Forget about getting even with your ex!”
“Alam mo, bes, hindi mo yata ako naiintindihan. Narinig mo naman iyong sinabi ni Lucky sa akin na hindi na ako makakahanap ng higit sa kanya. Ang gusto ko lang ay ma-prove kong mali siya. And si Josef ang perfect guy na naiisip ko.”
“Si Josef nga pero sa tingin mo ba after ng mga nangyari ay magugustuhan ka pa niya at magiging kayo? Isang malaking good luck talaga, bes!”
Ilang dipa na lang siguro at palabas na kami ng gate ng Benedictine Academy nang may marinig ako. Parang sounds ng isang aso na umaangil. Iyong parang galit na aso na hindi ko maintindihan. Napatigil tuloy ako sa paglalakad at hinawakan si Mocha braso.
“Bakit, bes? May nakalimutan ka ba?” tanong ni Mocha sa akin.
“Bes, narinig mo ba iyon?”
“Alin?”
Nagkatinginan kaming dalawa nang marinig ko ulit iyon. I am sure na narinig din iyon ni Mocha. And this time ay mas malakas siya. Parang nanggagaling sa likuran namin.
Napalunok ako at medyo natakot. “B-bes… Try kaya nating lumingon?” sabi ko.
“P-parang ayoko, bes…”
“Sige na, bes. On the count of three, lilingon tayo sa likod, ha. One. Two. Three!”
At sabay kaming lumingon at napasigaw sa sobrang takot!
Sino ba naman ang hindi mapapasigaw sa nakita naming? Isang lalaking estudyante ang nakita namin sa likod namin na magulo ang buhok nito na kulay red, namumula ang mata at naglalaway. Umaangil pa siya na akala mo ay isa siyang mabangis na hayop. Iyong tingin pa niya sa amin ay parang gusto niya kaming kainin!
“Zombieee!!!” sigaw naming dalawa ni Mocha at mabilis kaming nagtatakbo palabas ng school.
Hindi na namin tinangka na lumingon pa ulit dahil sa sobrang takot namin.