"LUMABAN ka, Aldo!", sigaw ni Josh. Panay lang ang sangga at ilag nito sa pag atake niya. Hindi ito sumusuntok pabalik. NADATNAN ni Ising ang paglalaban ng dalawang lalake. Agad nitong nakita ang nakakalat na dugo sa sahig na nagmumula sa paa ni Geralde. "Hayup ka, Roberto! Bitiwan mo si Senyorito Geralde!", sigaw nito. Gusto mang pigilan si Roberto at tulungan si Gerlade ay hindi naman makalapit. Binalingan nito si Irenea. "Ikaw! Ikaw ang pinagmulan ng lahat ng ito! Kundi ka dumating at nanggulo sa buhay namin ni Senyorito Geralde ay masaya na sana kami at tahimik! Masyado kang harot! Hindi ka pa nakuntento kay Roberto at pati si Senyorito Geralde ay nais mo pang maging iyo! Halika ditooo...!", poot na poot na sabi ni Ising at pagkatapos ay agad na hinablot ang buhok ni Irenea. Hindi

