Chapter 24. Patrick's POV "Ate! Yuhoooo. Buksan mo naman ang gate! *Ding dong!* *Ding dong!*" Sumisigaw na ako dito dahil kanina pa kami ni Kuya dito sa labas. Kahit iyong kasambahay namin hindi lumalabas. "Bakit kaya walang nagbubukas? May tao kaya?" "Ano na namang nangyayari sa loob?" Maya maya lang... "Naku Sir, sorry po talaga kung napatagal po. Si Ma'am Ynah po kasi---" "Yrie 'yun. Lagot ka pag narinig kang tinawag mo siya ng ganyan." Naputol ang sinasabi ng katulong namin dahil itinama ko ang sasabihin niya. Napakamot siya sa ulo, "Siya nalang po ang bahalang mag explain sa inyo. Pasensya po ulit..." Pinapasok na niya kami. Parang ang weird niya ah. "Ate, ano bang nangyari kay Yrie?" Tanong ni Kuya sa katulong namin. "Kanina pa po kasi siya umiiyak diyan. Eh, hindi na po

