Chapter 26. Paulo's POV *Ding dong!* *Ding dong!* "Patrick, buksan mo nga ang gate." Utos ko kay Patrick. Kasalukuyang nanunuod kaming magkakapatid dito sa sala. Sila tito't tita naman ay tulog. Mga katulong namin ay may kanya kanyang ginagawa pero 'wag kayong mag-alala, gawaing bahay naman 'yun kaya si Patrick nalang ang inutusan kong magbukas ng gate. "Ayoko kuya. Ano ba naman, kitang nanunuod eh. Edi kung gusto mo, ikaw ang magbukas ng gate." Sabi niya habang yakap yakap pa rin niya ang unan sa sofa. Ang tamad talaga nito, naku naman. "Sige na kuya, ako nalang ang magbubukas ng gate." Ynah insisted. Nakakapanibago pati. Dati kasi, hindi namin 'yan talaga makiusapan. Laging galit sa 'min, at lagi kaming binabara. Mabuti nalang talaga at bumalik na siya sa dating siya. "Sure ka ba,

